REAH'S P.O.V.Umaga na naman. Isang panibagong araw na naman ang haharapin ko. Ang dami ko na namang plano ngayon umaga at sana lang magawa ko yun.
Ngayon pala yung party sa bahay nila Kim at nandun si Nicky at Kaye. Hindi ko talaga alam kung bakit pumayag si Kaye na sumama. Hindi naman sa ayaw ko syang kasama, ayaw ko lang magkita sila ni Nicky. Hay naku Reah ang aga-aga sila na naman iniisip mo.
Nag-uunat unat pa ako at tamad na tamad pa akong tumayo nang biglang may naalala ako.
"Si Kaye." Tumayo ako agad at tumakbo pababa.
Pagkababa ko nakita kong natutulog pa siya. Hindi pa din siya gising malalate kami sa klase namin nito. Kailangan ko na siyang gisingin.
Palapit na ako sa kanya ng biglang may pumasok na kalokohan sa utak ko. Gigisingin ko siya pero dapat sa magandang paraan. Umakyat ulit ako sa taas para kumuha ng gagamitin ko para sa kalokohang naisip ko.
Sabi nila magbiro ka na sa lasing wag lang sa bagong gising pero para kay Kaye iibahin ko yun. Pagkababa ko galing sa kwarto ko para akong baliw na nakangising lumalapit kay Kaye. Sinimulan ko na masamang balak ko. Nagdrawing ako ng kung anu-ano sa mukha niya.
Pilit kong pinipigilan yung pagtawa ko dahil ayaw kong magising siya. Pinagpatuloy ko lang pagdrawing sa mukha niya. Mukha siyang kawawang bata kapag tulog. Pagkatapos kong drawingan yung mukha niya kinuha ko yung cellphone ko at kinuhanan ko siya ng picture bago ko siya gisingin.
"Kaye gising na!" Sigaw ko.
Dahan-dahang dumilat si Kaye at pinilit kong huwag matawa sa mukha niya.
"Kaye tumayo ka na diyan malalate tayo." Sabi ko.
Hindi pa din siya bumabangon kaya ang ginawa ko hinila ko kamay niya para pilitin siyang tumayo pero sa kasamaan palad mas mabigat siya sa akin kaya ang ending natumba ako at nadaganan ko siya. Nagkauntugan pa kaming dalawa.
"Aray!!! Reah naman!" Sigaw niya.
"Ouch! Ang sakit! Kasi naman eh ayaw pangtumayo." Reklamo ko. Ang sakit ng ulo ko ang bilis na talaga ng karma ngayon.
"Sa tingin mo paano ako tatayo?" Tanong niya. Oo nga paano siya tatayo eh nakapatong ako sa kanya?
Nagmadali akong tumayo at umayos ng pagkakatayo ko habang nakahawak pa din ako sa ulo ko.
"Bakit ba nagmamadali ka masyado eh anong oras pa lang naman? Maaga pa kaya." Sabi ni Kaye habang paupo siya at nakahawak din sa ulo niya.
"Anong maaga tignan mo nga yung---" Napahinto ako sa sasabihin ko ng makita ko yung orasan namin, 6 am pa lang. Oo nga maaga pa.
"Oh anong oras na? Huwag mo sabihing hindi ka na marunong tumingin ng oras. Tignan mo nagkabukol pa ko ng dahil sa'yo." Reklamo niya.
Napatingin ako sa kanya at hindi ko na napigilan yung kanina ko pa pinipigil na tawa ko. Natawa ako hindi dahil sa bukol kundi dahil sa mga drawing ko sa mukha niya. Hindi ko na mapigilan talaga tawa ako ng tawa at nagtaka na si Kaye kung bakit kaya tumayo siya para lumapit sa salamin pero bago pa siya makarating sa harapan ng salamin tumakbo na ko papunta ng kwarto ko para magtago
"REAH!!!!!!!!!" Isang malakas na sigaw niya.
Tawa ako ng tawa naimagine ko mukha niya. Narinig kong umaakyat si Kaye. Kinakatok niya ng malakas yung pinto.
"Reah lumabas ka dyan! Reah!!!" Sigaw niya at halatang galit na galit siya.
"Ayaw ko ngang lumabas baka kung ano panggawin mo sa akin. Hindi ka ba natuwa ang galing ko kaya. Gumwapo ka dahil diyan." Natatawang sabi ko. Hindi ko talaga mapigil sarili ko sa kakatawa.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfic"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"