3 Years Later
REAH'S P.O.V.
"Good morning Ma'am. Eto na po yung schedule nyo for the month. May mga binago po pala dyan si Sir sa itinerary nyo." Sabi ni Riza. Secretary ni Ninong Rick.
"What?!" Tanong ko.
Nginitian nya lang ako at umalis na.
Nagmamadali akong pumunta sa office ni Ninong para kausapin sya.
"Ninong bakit kailangan nyong baguhin lahat ng itineraries ko? Akala ko po ba ok na?" Tanong ko pagkapasok ko sa office nya.
Simula ng umalis ako sa Pinas at pumunta dito sa Hongkong di na ako bumalik. Ayoko ng balikan lahat ng problemang iniwan ko dun. Si Ninong Rick na nagpaaral sakin simula ng dumating ako dito. Pagkagraduate ko nagtrabaho ako sa family business nila. Mag one year na din ako sa work ko dito at naeenjoy ko work ko. Nagtratravel ako kung saan saan para ipromote at ipakilala business namen. Gustong gusto ko tong trabaho ko kasi napupunta ako sa ibat ibang lugar at nakakakilala ng ibat ibang tao.
Pero lang ngayon.
Ayoko ng pinapagawa sakin ni Ninong.
Pinapabalik nya ko sa Pinas.
"Reah. Alam mo naman na sayo ko lang pinagkakatiwala yung mga ganitong projects." Paliwanag nya.
"Nandyan naman po si Jess." Sabi ko. Si Jess nagiisang anak ni Ninong Rick. Unica iha ay este iho pala.
"Reah. Kilala mo namang yang anak ko. Wala pa syang masyadong alam kaya mas maganda kung sasamahan mo sya." Paliwanag nya.
"Pero Ninong. Alam nyo naman po na ayoko ng bumalik dun. At saka wala pong..."
Pinutol nya sasabihin ko.
"Reah. You have to go back. Babalik at babalik ka din naman sa Pinas kahit anung gawin mo."
Magsasalita pa sana ako ng biglang nagRing phone ni Ninong. Sinagot nya na at iniwan ako sa loob ng office nya.
Hindi pwede to. Ayokong bumalik. Hinding hindi na ako babalik.
"Reah. Thank you. Nasabi na sakin ni Dad na sasamahan mo na ko sa Philippines." Pumasok si Jess sa office ng Dad nya at niyakap ako.
"Hindi ako sasama." Sabi ko. Naglakad na ako pabalik ng office ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"