FRIENDS

3.7K 177 43
                                    


REAH'S P.O.V.

Natapos na din sa wakas ang klase ko sa araw na 'to. Aminado ako medyo excited ako dahil sa dinner namin mamaya ni Nicky. Mamaya pa naman yun so may time pa akong makapaghanda pero bakit ba kinakabahan ako eh ordinaryong dinner lang naman yun. Hay naku Reah kalma lang.

Habang naglalakad ako sa hallway hindi matanggal yung mga ngiti sa mukha ko para na akong baliw dahil halo-halo yung nararamdaman ko. Sinusubukan kong hanapin si Kim sa paligid dahil gusto kong magpasama sa kanya na mamili ng damit na gagamitin ko para mamaya pero hindi ko siya makita. Nasaan na kaya yun bakit ba kung kailan naman kailangan ko siya saka naman siya wala. Kakahanap ko tuloy kay Kim iba ang nakita ko.

Si Kaye at may kausap siyang... Teka! Namamalik mata lang ba ako? Bakit magkausap sila ni Nicky. Bakit? Anong pinag-uusapan nila?

Nagmadali akong lumapit sa dalawa ng mapansin kong parang nag-aaway sila. Sobrang hingal na hingal na ako kakatakbo at ng makalapit na ako sa kanila.

"Kaye! Nicky! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang hinihingal pa ako.

Tumingin sila sa akin. Hindi nila ako sinagot natahimik lang sila. Napansin kong parang gigil na gigil sa galit mukha ni Nicky. Bakit ano bang nangyari?

"May problema ba? Anung nangyari?" Tanong ko ulit pero umiwas lang sila parehas ng tingin sa akin.

"Nag-aaway ba kayo?" Tanong ko wala talaga akong idea kung anong nangyari sa kanilang dalawa.

"Hindi. May pinag-uusapan lang kami." Sagot ni Nicky. Sa wakas may nagsalita din. Napatingin lang sa kanya si Kaye.

"Ganun ba. Ano naman yun?" Tanong ko.

Nagkatinginan silang dalawa. Hindi ko alam kung anong meron. Walang nagsalita sa kanila.

"Hi guys!" Biglang dumating si Kim.

Walang umimik sa amin sa pagdating niya at mukhang napansin niya katahimikan naming tatlo.

"Ops sorry. Wrong timing. Sige bye." Nakangiting sabi niya.

"Kim wait. Wag ka munang umalis." Sabi ko. Sa ganitong sitwasyon aaminin kong kailangan ko si Kim.

"Oh sure." Sabi niya at nag-stay nga siya.

Hindi pa din talaga umiimik si Kaye. Ano na bang sasabihin ko? Tumingin ako kay Kim para humingi ng tulong at mukhang nagets niya naman ako.

"Guys may sasabihin nga pala ako kaya ako nandito. Gusto ko sana kayong iinvite bukas kasi may party sa bahay namin baka gusto niyong sumama." Sabi ni Kim.

Wala pa ding nagsasalita sa dalawa.

"Sure. Sige pupunta kami." Nakangiting sabi ko.

Napatingin sa'kin si Nicky at Kaye.

"Hindi ako sasama." Sabi ni Kaye.

"Ha? Sayang naman. Ikaw Nicky?" Tanong ni Kim kay Nicky.

"Sure sige sasama ako." Nakangiting sagot ni Nicky.

Napansin kong nairita si Kaye sa sagot ni Nicky.

"Sige na Kaye sumama ka na." Pagpupumilit ni Kim kay Kaye.

"Sige." Pumayag si Kaye.

Parehas kaming nagulat ni Nicky at napatingin kay Kaye.

"Yes. Thanks guys. Mapapakilala ko na din kayo sa family ko." Ang saya ni Kim dahil pupunta kaming tatlo.

Hanggang ngayon hindi pa din natatanggal yung  awkward na feeling sa pagitan nilang dalawa. Ano kaya talagang pinag-usapan nila?

"Gusto niyo bang magdinner guys sagot ko." Aya ni Kim.

"Hindi na aalis na ako kayo na lang." Sabi ni Kaye at umalis na naman siya. Sa ganitong sitwasyon talaga palagi siyang nagwowalk-out.

"Anong problema nun?" Tanong ni Kim pero walang sumagot sa aming dalawa ni Nicky.

Alam kong may pinag-usapan talaga silang dalawa at ayaw lang nilang sabihin sa akin pero gusto kong malaman kung ano yun. Kahit kakakilala ko palang sa kanilang tatlo alam ko na importante sila para sa akin at alam ko na ganun din ako sa kanila kahit papaano.

"So ano tara?" Tanong ulit ni Kim.

Hindi ako nakasagot dahil may usapan kami ni Nicky ngayon. Napatingin na lang ako kay Nicky para siya na magsabi kay Kim.

"Pwede bang next time na lang Kim. May usapan kasi kami ni Reah ngayon eh." Sagot ni Nicky.

"Ay ganun ba. Ayiieeh. Sige di na ko manggugulo sa date nyo." Panunukso ni Kim.

"Baliw. Hindi." Paglilinaw ko.

"Bakit hindi ba date yun? Hmp tatanggi pa. Sige na babye na. See you tomorrow guys." Sabi niya sabay lakad na palayo sa aming dalawa.

"Nakakatuwa talaga si Kim." Sabi ni Nicky.

Napangiti lang ako sa sinabi ni Nicky at naglakad na din kami pero bigla kong naalala silang dalawa ni Kaye kanina.

"Nicky?"

"Hmm?" Tumingin siya sa'kin.

"Anong pinag-usapan niyo kanina ni Kaye?" Tanong ko at biglang nawala yung ngiti niya.

"Ayun ba wala lang yun." Sagot niya pero alam ko nagsisinungaling siya.

"Yung totoo?" Tanong ko. Gusto ko talagang malaman kung ano yun.

Napahinto siya sa paglalakad at gaun din ako. Tumingin siya sa akin.

"Kinausap ko lang siya." Sagot niya.

"Kinausap mo siya? About what?" Tanong ko.

"Reah. Please wag na muna nating pag-usapan. Sa amin na lang yun. Okay lang ba?" Nakangiting tanong niya.

"Okay." Simpleng sagot ko.

Ang kulit ko na ba? Bakit ba kasi nakikialam ako sa kanilang dalawa? Marami pa akong hindi alam sa kanila kaya dapat hindi ako basta manghimasok na lang sa buhay nila.

Hindi na ulit nagsalita si Nicky at tahimik lang kaming naglakad hanggang sa makarating na kami sa kotse niya.

"Alam ko maaga pa para magdinner pero since nandito ka na saan mo gustong kumain?" Tanong niya sa akin na parang wala lang nangyari. Nakangiti lang siya sa akin.

"Kahit saan. Ikaw na bahala." Nakangiting sagot ko.

Ngumiti na lang si Nicky. Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya at pumasok na ako. Nagdrive na si Nicky. Hindi ko alam kung saan kami kakaen. Hindi man lang ako nakapag-ayos para sa dinner namin hindi ko pa naman gusto 'tong damit na suot ko kasi hindi naman talaga sa akin 'to.

"Okay ka lang?" Tanong ni Nicky.

"Oo naman. Bakit mo natanong?" Tanong ko.

"Wala lang. Parang ang lalim kasi ng iniisip mo." Sagot niya.

"Ah wala naisip ko lang kasi yung mga plans ko kanina bago tayo magdinner. Hindi ko kasi nagawa." Sagot ko.

"Ganun ba. Kung gusto mo gawin mo na lang muna sunduin na lang kita ulit maaga pa naman eh." Nakangiting sabi niya.

Bakit ba sobrang bait niya? Kung si Kaye 'tong kausap ko ano kayang sasabihin niya sa akin? Malamang sinisigawan na naman ako nun at sasabihing masyado akong maarte . Hay naku naman Reah bakit ba si Kaye iniisip mo eh kasama mo naman si Nicky.

"Hindi okay lang. Gusto ko lang sana umuwi saglit para makapagpalit man lang." Sabi ko.

"Ganun ba sige daan muna tayo sa inyo." Sabi niya.

Grabe. Wala na talaga akong masabi sa kabaitan niya sa akin. Napapangiti na lang ako.

"Thanks." Nakangiting sabi ko.



TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon