Monthsary - Part 2

3.4K 181 50
                                    

Hi guys!!!

I'm so happy kasi ang gaganda ng feedback ng readers ng 'two hearts' . Sana mapasaya at kiligin pa kayo sa mga susunod na chapters 😊☺.

This is it!

Enjoy😊☺.



_____________________________________________________



REAH'S P.O.V.





Nagising ako. Nagriring phone ko. Anung oras na ba? Mag-6am na. Si Kim tumatawag. Dahan dahan akong tumayo para hindi ko magising si Kaye.


"Hello Kim." Bulong ko sa phone.


"Reah I'm here na. Baba ka na o aakyat ako dyan?" Tanong ni Kim.


Nagmamadali akong bumaba. Nakalimutan ko pinakiusapan ko pala si Kim kagabi na bilhin yung regalo ko para kay Kaye.


"Kim. OMG. Thank you so much.!!" Pagkasabi ko nun hinablot ko kagad yung paper bag na dala nya.


"Hindi ka naman excited? Sige na akyat ka na baka hanapin ka pa ng prince charming mo." Natatawang sabi nya.


"Ok. Thank you talaga. Babawi ako promise. Love you. Bye." Niyakap ko sya at pumasok na ulet ako.


Pasalamat talaga ako at nakilala ko si Kim. Best friend ko na talaga sya. Lahat ng hiling ko lagi nya akong pinagbibigyan. At wala ng lumalapit sakin na mga bully dahil sa kanya. Pinagtatanggol nya kasi ako palagi.


Nakabalik na ulet ako sa kwarto. Tulog pa si Kaye. Nagmamadali akong pumunta ng kitchen para makapagprepare ng breakfast nya. Sa gantong paraan ko na lang sya masusurprise. Busy na kame parehas mamaya.


Mamaya ko na din malalaman kung tanggap ako sa audition ko kahapon. At si Kaye naman may rehearsals din mamaya para sa gig nya sa sunday. Namimiss ko ng pumunta sa mga gig nya. Sana makapunta ako. Pero if ever kasi na makapasok ako sa group nila Nicky mag start na din sa sunday ang practice. Mukang malabo na kong makapunta.


Tapos na akong magluto. Inayos ko plating ng breakfast ni Kaye bago ako lumapit sa kanya at gisingin sya. Kinuha ko muna yung regalo ko para sa kanya. Tinago ko sa cabinet nya. Nung isang linggo nakita ko to sa mall kasama si Kim. Pero hindi ko nabili kasi nagmamadali si Kim. Grey na Sweater may bulaklak na design. Ang cute kasi. Aaminin ko mahilig ako sa flowers. At alam na alam ni Kaye yun kaya hindi yun nawawala sa surprises nya sakin. Naglagay ako ng note na 'Happy 1st monthsary mahal.😊'.


Lumapit na ako kay Kaye. Nilapag ko saglit sa upuan yung dala kong tray.


"Mahal gising na." Binubulungan ko lang sya. Hinihimas ko sya sa muka. At inaalis yung buhok na nakatakip sa muka nya. Ang ganda talaga ng muka ni Kaye. Ang sarap nya lang pagmasdan.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon