Hi guys!
Happy sunday sa inyo. Thanks sa votes and reads.
Vote lang ng vote guys. Di lang dito sa story pati na din sa NYEBE at kay KAYECAL.
Pakiramdam ko talaga mananalo sya 😊😄😍.
Akalain nyo yun umabot na ako ng 50 chapters! Napahaba ko ang story dahil sa inyo! Yehey! 50 chapters pamore haha. Sana di kayo magsawa.
Enjoy guys!
__________________________________________________________
REAH'S P.O.V.
Magkatabi lang kami ni Kaye nakaupo sa upuan. Nakapatong ulo ko sa balikat nya at yung ulo nya nakasandal sa ulo ko. Parehas naming ayaw umalis sa pwesto namin. Ayaw naming matapos yung gabi na to.
"Dito ka na lang muna matulog." Sabi ko. 11pm na. Pag-umuwi pa sya baka umagahin na sya.
Tumango lang sya. Inaantok na kasi sya.
"Dun ka na lang muna matulog sa kwarto ni Papa." Tumayo na ako para umakyat ng marinig ko bumulong si Kaye.
"Pwede namang tabi na lang kami." Kinakausap nya sarili nya.
Natawa ko sa kanya. Binato ko sya ng unan.
"Halika na!"
Nakangiti syang tumayo at sumunod sakin. Nakasuksok pa yung kamay nya sa loob ng jacket nya.
"Ngayon ko lang nakita tong jacket na to. Bago?" Tanong ko.
"Binili ko. Bagay ba?" Tanong nya bago sya pumasok sa kwarto ni Papa. Magkatapat lang pintuan namin.
"Sakto lang." Nakangiting sabi ko.
"Sakto pala ha. Kaya pala halos matunaw na ko kakatingin mo." Nakangiting sabi nya at sabay pasok sa loob.
Iniwanan nya akong nakangiti dito sa labas ng kwarto ko. Kahit kailan ka talaga Kaye. Sana pala inalok ko na lang sa kanya na tabi kami.
Pumasok na ako sa kwarto ko. Para akong tangang nakangisi. Humarap ako sa salamin para tignan itsura ko. Napakagat ako sa labi ko nung maalala ko nangyari kanina. Apat na araw ko ding hindi naramdaman yung kiss ni Kaye. Nakakamiss sobra.
Humiga na ako at nakatulala lang ako sa kisame. Iniisip ko kung anu na bang status namin ni Kaye. It's complicated pa din kaya. Nastress na naman ako kakaisip. Nakaramdam na din ako ng antok sa wakas. Unti unti ko ng pinikit mata ko.
Napadilat ako bigla ng may narinig akong boses. Si Kaye. Tumayo ako. Di ko binuksan yung pinto. Parang nasa tapat sya ng pinto ko. Kumakanta sya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fiksi Penggemar"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"