REAH'S P.O.V.
Nakabalik na kami ng hotel ni Jess. Panay tanong sya sakin sa loob ng kotse kanina kung anung problema ko. Bakit daw nagmamadali ako. Nagrereklamo sya kasi hindi nya naubos yung pagkaen nya. Hindi ko masabi sa kanya kung bakit. Ayokong magkwento. Ayoko na syang pag-usapan.
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon affected pa din ako pagnaaalala ko sya. Akala ko after ng tatlong taon makakalimutan ko ng lahat. Pero di pa din pala. Siguro dahil sa tinakasan ko lang lahat. Wala kaming closure. Umalis lang ako bigla ng hindi nagpapaalam.
"WHAAAAAHHH!!!! REAH ANU BA TAMA NA!!!! Wag mo na syang isipin. Ok ka na. At malamang ok na din sya. Baka nga may iba na sya eh."
Pagkasabi ko nun. Napahinto ako bigla sa paikot-ikot at pabalik balik na paglalakad ko sa loob ng kwarto ko. Panu nga pag may iba na sya? Anu bang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong masaktan?
"Tatlong taon na Reah. Malamang may iba na sya. Wag mo na syang isipin. Ok? After nito babalik ka ulet sa Hong Kong at dun mas masaya ka."
"Sinong hindi mo na dapat isipin?" Nagulat ako ng biglang pumasok si Jess sa room ko.
"Jess!!! Bakit pumapasok ka bigla!!" Sigaw ko.
"Bakit kasi hindi nakalocked pinto mo? Buti nga ako pumasok at hindi yung kung sinu sinu lang. Pinapacheck ka lang sakin ni Daddy." Umupo sya sa tabi ko.
"At saka sinu yung sinasabi mo na dapat di mo na isipin? Kwento mo naman." Dugtong nya. Nakangiti pa sya sakin.
Di ko sya pinansin. Humiga lang ako at inopen laptop ko at nagsearch ng kung anu anu.
"Wow ha ang sunget! Alam mo nagtataka pa din talaga ako kung bakit parang gulat na gulat ka kanina sa resto." Humiga sya. Nakaharap sya sakin.
"Anung sabi ni Ninong kanina? Kailan natin imeet client naten?" Tanong ko. Ayokong magkwento sa kanya.
"Haaay naku Sis. Kaya di ka nagkakajowa dahil dyan sa ugali mo. Napaka suppe...r workaholic mo. Parehas na parehas ka ng Papa mo."
Napatingin ako sa kanya.
"Sorry." Sabi nya.
Binalik ko na lang tingin ko sa laptop. Inaayos ko mga ipapakita naming designs sa client namin. Sana lang sapat na 2 weeks para mapag-aralan ko mga gagawin sa bahay nya. Dapat bukas mameet na namin sya.
"Sabi ni Daddy by tomorrow mameet na daw natin sila. Eto number nya oh. Call mo na lang." Inabot sakin ni Jess phone nya.
"Anung oras na ba?" Tanong ko habang kinokopya ko number sa phone nya.
"9." Sagot nya.
"Tomorrow ko na lang tawagan baka nagpapahinga na yun." Sabi ko. InOff ko na laptop ko at binalik sa lalagyanan.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"