INTENSE

3.9K 193 53
                                    


REAH'S P.O.V.

"Ano yun?" Tanong ko.

Lumapit sa akin si Nicky bago niya sagutin yung tanong ko at pagkalapit niya bigla namang nagring yung cellphone ko. Nakatingin lang ako kay Nicky na para bang wala akong balak sagutin yung cellphone ko. Wrong timing kasi.

"Sagutin mo na muna." Nakangiting sabi ni Nicky.

Pagkasabi niya nun tinignan ko agad kung sinong tumatawag at nagulat ako ng makita ko pangalan ni Kaye.

Alam kong nakita ni Nicky kung sino kaya lumayo siya ng konti nung sinagot ko.

"Hello?" Sagot ko.

"Nasaan ka?" Tanong ni Kaye.

"Bakit?" Tanong ko pabalik imbes na sagutin yung tanong niya.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihing nandito ako kina Nicky ngayon. Alam kong magagalit siya pero ano bang pakialam ko kung magalit siya. Kaibigan ko din naman si Nicky.

"Kanina pa ko nandito sa tapat ng bahay niyo pero walang nagbubukas sa akin. Nasaan ka ba?" Nagulat ako sa sagot niya at napatingin ako kay Nicky.

"Teka anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko.

"Teka. Anong dyan. So ibig sabihin wala ka nga dito sa loob ng bahay niyo?" Tanong niya.

"Oo wala ako diyan Kaye. Bakit ba kasi nandyan ka?" Naiiritang tanong ko dahil masyado ng demanding yun boses niya.

"Anong bakit ako nandito? Ikaw kapag pupunta ka sa condo ko okay lang? Kahit ilang beses mong gustong matulog dun okay lang? Tapos ako ngayon lang pupunta dito sa bahay niyo masama na?" Galit na siya.

Napabugtong hininga na lang ako. Kung sa bagay tama siya. Dalawang beses na akong natulog sa condo niya samantalang siya niminsan hindi ko pa napapasok sa bahay namin.

"May pinabibigay lang si Mommy sa'yo kaya nandito ako." Naging kalmado bigla boses niya. "Hihintayin na lang kita dito. Nasaan ka ba kasi?" Tanong niya ulit pero hindi na siya galit.

"Nandito ako kina..." Bago ko ituloy yung sasabihin ko napatingin muna ako kay Nicky. Nakatingin lang din siya sa akin wala siyang emosyon. Wala naman sigurong masama kung sasabihin ko kay Kaye na kasama ko siya.

"Kanino?" Tanong ni Kaye.

"Kina Nicky." Pagkasabi ko nun hindi na ulit nagsalita si Kaye.

"Hello Kaye." Binaba nya na yung phone. Naku patay nagalit na yata siya pero bakit siya magagalit. Hay naku naman problema na naman ba 'to?

Tumingin ako kay Nicky at lumalapit na ulit siya sa akin.

"Si Kaye ba yun? Anong sabi?" Tanong ni Nicky.

"Ha? Aah nandoon kasi siya sa labas ng bahay." Sabi ko.

"Bakit daw?" Tanong ni Nicky. Seryoso na mukha niya.

"Ah eh may pinabibigay daw kasi mommy niya sa akin." Sagot ko habang nagtatype ako ng text para kay Kaye.

"Mommy niya? Nameet mo na si Tita Laura?" Gulat na tanong niya.

"Oo kahapon." Sagot ko. Nakapagtext na ako kay Kaye kaya binulsa ko na ulit yung cellphone ko.

"Pinakilala ka na pala niya." Sabi ni Nicky. Napatingin ako sa kanya.

"Nainvite lang ako. Mahabang kwento kasi eh." Pagpapaliwanag ko. Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag sa kanila?

Hindi na nagsalita ulit si Nicky parang wala na siya sa mood. Hindi ako sanay na ganito siya. Madalas kasi nakangiti lang siya sa akin.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon