REAH'S P.O.VNagising ako dahil sa ingay ng alarm clock ko.
"Haaaaaaaayyyyyyyy..." Hikab ko. Ang sarap mag-unat. Huminto na yung alarm ng phone ko pero hindi pa din ako bumabangon o dumidilat.
May naramdaman akong mainit na hangin sa mukha ko. Noong una hindi ko lang pinapansin pero nagtataka ako kung ano yun kaya dumilat ako at laking gulat ko sa nakita ko. Yung mukha ni Kaye sobrang lapit sa mukha ko. Napaatras ako at muntik pa akong malaglag sa higaan ko.
Bakit nandito siya? Magkatabi ba kaming natulog? Teka ano bang nangyari kagabi? Wala na akong maalala. Nakatulog yata ako habang nagkukwentuhan kami.
Dahan-dahan akong bumangon para hindi ko siya magising pero kahit anung pag-iingat ko nagising ko pa din siya dahil gumalaw siya ng konti. Huminto ako baka sakaling tulog pa siya pero mukhang gising na talaga siya dahil bigla niya kong hinatak at napahiga ulit ako. Babangon ulit sana ako pero hindi ko magawa dahil bigla niyang tinakpan ng unan yung mukha ko. Tuwang tuwa siya sa ginawa niya.
"Good morning." Bati niya.
"Baliw! Anong good sa morning? Ang aga-aga mong mang-inis nakakainis ka!" Galit na sabi ko.
"Bumangon ka na diyan magluto ka ng breakfast." Utos niya kaagad. Nakakainis talaga siya pero imbes na magreklamo pinagtimpla ko na lang siya ng kape niya. Utos kapalit ng mga sagot niya sa'kin kagabi.
"Oh eto na po muna Boss maghot choco ka muna with love." Nakangiting sabi ko.
"Thanks. Baka nilagyan mo ng gayuma 'to ha."
"Gayuma ka diyan? Hindi ko na kailangan yun no. Alam mo kung anung nilagay ko diyan? Lason!" Natatawang sabi ko at mas lalong lumakas yung tawa ko nang masamid siya sa sinabi ko.
"Loko ka ha." Naiinis na sabi niya.
Tinawanan ko lang siya at hindi na ako nagsalita. Nagpunta na lang ako sa CR para maligo na buti na lang naisipan kong magdala ng damit ko kagabi.
Pagkatapos kong maligo at magbihis lumabas na ako ng CR at nakita ko si Kaye na may kausap sa cellphone niya. Sino na naman kaya kausap niya? Gusto kong malaman kung sino kaya lumapit ako at nakinig. Heto na naman ako sa pagiging tsismosa ko.
"Yes po Ma. Opo ako na pong bahala." Sabi ni Kaye.
Ah Mommy niya pala kausap niya. In fairness kay Kaye mabait at magalang na anak.
"Sige po sasabihin ko. Ingat po kayo diyan. Love you. Bye." Binaba niya na cellphone niya at nang paharap na siya tumakbo ako papuntang kusina, kunwari nagtitimpla ako ng kape ko.
"Nakikinig ka na naman." Sabi niya. Nahuli niya pala ako.
"Hoy wala akong narinig ha. Sino ba kausap mo?" Pagmamaang-maangan ko.
"Si Mommy kinakamusta ka niya." Sabi ni Kaye bago siya pumasok sa CR.
Napangiti ako bigla. Nakakatuwa lang kasi yung kasweetan ng Mommy niya.
Habang hinihintay kong matapos si Kaye nagcheck muna ako ng cellphone ko may text ako galing kay Papa kaya nagmadali akong binasa yun
Anak. Kamusta ka dyan? Sorry ha di ako makatawag alam mo na medyo busy si Papa dito kaya now lang nakapagtext . Nga pala anak baka di pa ako makauwi diyan agad ha. May emergency lang need ko pang magstay ng 1 week dito sa Hong Kong. Sorry talaga anak ha at saka yung allowance mo pwedeng tipirin mo na muna. Sige na anak. Text o call ka na lang kapag may problema ha. I love you.
Pagkabasa ko ng text ni Papa nagreply lang ako saglit at binaba ko na agad yung cellphone ko. Sanay naman ako na naeextend si Papa palagi kapag umaalis siya pero nakakalungkot pa din kasi wala na nga si Mama wala pa din siya. Buti na lang at hindi ko pa nagamit lahat ng allowance ko na binigay niya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"