The Ring

3.4K 193 57
                                    

Hi guys!

Mukang madami na naman ang kinilig. Haha. Thank you so much talaga sa reads and votes guys.

1st timer ako pero di ko ineexpect na ganito karami ng votes at reads ang aabutin ng story natin 😊. Yes natin kasi para sa lahat to esp. To teamkayecal. Yehey haha.

Reminder lang guys. Please don't forget to vote our 'thevoiceofsoul' KayeCal as best inrterpreter. Just visit www.onemusic.ph for more details 😊.

This is it. Enjoy guys.




______________________________________________



REAH'S P.O.V.





Wala na kaming ibang ginawa ni Kaye kanina pa kundi magkulitan at manuod ng movie. Magkatabi lang kami nanunuod. Napapatingin lang ako sa kanya pagtumatawa sya sa pinapanuod namen. Ang sarap nyang panuorin.


Di ko na naiintindihan pinapanuod namin ni Kaye. Kasi naaalala ko yung nangyari samin kanina. Napapangiti na lang ako. Nararamdaman ko pa din hanggang ngayon yung halik nya. Nakahawak ako sa labi ko at mukang napansin ako ni Kaye.


"Mukang may inaalala ka ha." Sabi nya. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sakin.


"Wala kaya." Sabi ko. Napangiti na lang din ako at kunwari na nunuod ng TV.


Tumayo si Kaye. Pumasok sya ng CR. Humiga muna ako saglit habang wala pa sya. Dalawang araw na akong di pumapasok. After nung ginawa sakin nila Ish at Donna siguro naman maiintindihan nila kung bakit di muna ako pumasok. Anu na kayang balita sa kanila. Masusupend kaya sila o baka mapatalsik sila. Kung ako lang naman magdedecide ayokong mapatalsik sila. Kasi ayokong mas lumala yung sitwasyon. Naisip kong tawagan si Kim. Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko pero wala. San ko ba sya nilagay kanina. Nakita ko sya sa table. Lumapit ako para kunin pero napahinto ako sa pinto ng CR. Naririnig kong nagsasalita si Kaye. Kanina pa sya sa loob pero di pa sya lumalabas. May kausap kaya sya sa phone. Sinu naman kaya. Dinikit ko yung tenga ko sa pinto para marinig sya.


"Kita na lang tayo mamaya. Bye." Sabi ni Kaye sa kausap nya. Pero sinu nga ba kausap nya.


Narinig kong bubukas na yung pinto kaya tumakbo ko sa table kung nasan yung phone ko.


"Reah??" Tawag ni Kaye pagkalabas nya ng CR.


"Yes?" Sagot ko.


"Bakit tumatakbo ka?" Tanong nya. Mukang nakita nya ako.


"Ako tumatakbo? Aaah. Kasi kukunin ko phone ko." Bumalik na ko ulet sa higaan na parang wala lang nangyari.


"Aalis muna ko. Ok lang ba? Babalik din ako agad." Sabi nya.


TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon