Nicky's turn

2.9K 158 53
                                    


REAH'S P.O.V.




"Dyos ko po! Reah anung nangyari sayo anak. Saan ka ba nanggaling? Buti walang nangyaring masama sayo." Bungad sakin ni Yaya Ising pagkadating namin ni Nicky sa bahay nila.


Hindi ako nagsalita. Nakatingin lang ako sa baba. Hawak pa din ako ni Nicky sa kamay hanggang ngayon. At aaminin ko ayaw ko syang bitawan.


"Ya ok na po ba yung guest room? Dun na po muna si Reah matutulog." Tanong ni Nicky kay Yaya Ising.


Napatingin ako kay Nicky. Naalala ko na naman si Kaye. Hinahanap na kaya nya ako. Baka tinatawagan nya na ako. Haaaayy Reah. Wag mo na muna syang isipin. Ang dapat kong isipin ay kung panu ko mababawi yung mga gamit ko. Importante sakin yung phone ko. Yun lang yung way of communication namin ni Papa. Wala namang masyadong laman yung bag ko. Phone lang, damet at wallet ko. Puro atm at credit cards lang naman lahat, pwede naman ipadeactivate.


"Reah. Gusto mo bang kumaen?" Tanong ni Nicky sakin.


"Wala akong gana." Sagot ko. After ng mga nangyari sakin. Ayoko ng kumaen pa. Gusto ko na lang makalimutan lahat.


"Kumaen ka kahit konti lang Reah. Ipagluluto kita." Nakangiting sabi nya sakin.


"Wag na Nicky. Gusto ko lang magpahinga." Sabi ko.


"Sige. Tara hatid na kita sa kwarto mo."


Sinamahan na ako ni Nicky sa guest room nila.


Ang laki talaga ng bahay nila. Kahit guest room lang ang laki laki na.


"Ok ka lang ba dito Reah?" Tanong nya nung nkapasok na kami sa loob.


Tumango lang ako kay Nicky. Ngumiti sya.


"Pag may kailangan ka tawagan mo lang ako o di kaya puntahan mo ko dyan lang ako sa kabilang kwarto." Sabi nya.


Paalis na sana si Nicky kaya lang parang ayoko pang iwan nya ako. Kaya pinigilan ko sya.


"Pwede bang dito ka lang muna."


Napatingin sya sakin. Pumasok ulet sya sa loob at tumabi sakin.


Tahimik lang kami parehas ni Nicky. Ayoko pa talaga magsalita pero kahit papanu gusto kong kausapin si Nicky.


"Nicky?" Tawag ko. Napatingin sya sakin.


"Hmmm?"


"Thank you." Sabi ko.


"Wala yun. Kaibigan kita Reah. Kaya lahat gagawin ko para sayo." Sabi ni Nicky. Pilit ngiti nya.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon