GETTING TO KNOW EACH OTHER - PART 2

4.3K 169 25
                                    


REAH'S P.O.V.

Tinignan ko agad phone ko. Tumatawag si Papa at ang dami nya ng missed calls.

"Hello Pa."

"Hello anak. Kamusta ka na? Okay ka lang ba? May nagtext sa'kin kanina, si Kaye ba yun? Sabi niya napilayan ka daw? Nasaan ka ba?" Sunod-sunod na tanong ni Papa.

"Pa okay lang po ako. Wag na po kayong mag-alala." Sagot ko.

"Nag-aalala lang ako anak kasi hindi pa ako makauwi kaagad dyan ngayon eh. Sinamahan ka ba ni Kaye? Binilinan ko kasi siya na baka pwede ka nyang samahan muna."

"Opo kasama ko po siya ngayon at saka Pa sa condo niya po muna ako mag-stay siguro po ngayong gabi lang."

Napatingin ako kay Kaye. Nakapagpark na siya kung saan kami kakaen. Nakababa na din kaming dalawa. Medyo lumalayo ako sa kanya para di niya marinig sasabihin ko kay Papa.

"At saka po wag na kayong magworry okay lang po ako at saka nga po pala Pa dapat hindi nyo na din po binilinan si Kaye na samahan ako. Nakakahiya po kasi eh." Mahinang sabi ko.

"Siya nagpresinta anak. Gusto ko lang sanang malaman kanina kung okay ka. Sinabi niya na para di ako mag-alala babantayan ka na lang muna niya."

Nagulat ako sa sinabi ni Papa. Bakit naman mag-ooffer si Kaye kay Papa na bantayan ako habang wala siya? Hindi ko talaga siya maintindihan.

Nakaupo na kami ni Kaye sa table namin. Mukhang hinihintay niya akong matapos kausapin si Papa bago siya umorder.

"Pa tawag na lang po ulit ako mamaya nasa labas po kasi ako. Kakain lang po muna ako. Ingat ka po dyan ha. Love you po. Bye."

"Sige anak. Bye. Ingat ha. Love you too." Binaba ko na agad yung phone ko pagkatapos magpaalam ni Papa.

"Sa wakas. Akala ko wala ka ng balak pakainin ako." Reklamo agad ni Kaye.

"Bakit kasi hindi ka pa umoorder?" Naiinis na tanong ko.

"Ayaw ko nga. Pinagdrive na nga kita tapos ako pa din oorder." Nakakainis na sagot niya. Lakas talaga ng sapak nito.

Imbes na patulan si Kaye umorder na lang ako ng makakaen namin. Pagkatapos makuha ng waiter ang order namin napatingin ako sa labas at may nakita akong pamilyar na mukha sa akin.

Kilala ko siya at hindi ako pwedeng magkamali. Sa porma at tindig niya, siyang siya nga talaga.

Si Nicky.

"Si Nicky ba yun?" Tanong ko kay Kaye.

Napatingin si Kaye sa tinuturo ko.

"Oo." Simpleng sagot niya at napatingin ako pabalik kay Kaye. Iba kasi tono ng boses niya sa pagsagot nya ng Oo, akala ko ba magkaibigan 'tong dalawang 'to pero bakit parang wala siyang pakialam na makita si Nicky?

"Teka tatawagin ko." Sabi ko sabay tayo. Wala namang sinabi si Kaye kaya dumiretso lang ako sa labas at nang malapit na ako kay Nicky napansin ko na may kausap sya.

Si Nina.

Mukhang may seryoso silang pinag-uusapan at di maipinta mukha nilang dalawa. Mukhang isang "Kaye-Ish" issue din 'to ha. Ayaw ko ng makinig baka makarma na naman ako kaya umatras na lang ako para makabalik na sa loob pero napahinto ako bigla ng may narinig ako.

Ang lakas at parang sampal yata. Napatingin agad ako sa dalawa at nakita kong lumalakad na palayo si Nina. Nakatayo lang si Nicky habang nakahawak sa pisngi nya.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon