Who's Jay?

3.7K 171 150
                                    

Hi guys! 😊

Bago nyo po simulang basahin yung story. Laro muna tayo.

Ask ko lang kung may idea na ba kayo kung sinu si Jay? Anu kayang part nya sa buhay ng KAYEAH?

Ayiieehh. Excited akong mabasa comment nyo.

Thanks guys. Please comment muna ha before read.

















































Enjoy guys!.








________________________________________





REAH'S P.O.V.


"Wow Reah." Salubong sakin ni Nicky pagkalabas ko ng kwarto ko.

"Bakit panget ba?" Tanong ko kay Nicky.

"Hindi. Ang ganda mo nga eh." Nakangiting sabi nya.

"Nasan si Kim? Sasabay ba sya satin?" Tanong ko.

"Kasabay nya parents nya papunta kaya tayo lang dalawa." Sagot ni Nicky habang inaalalayan ako sa pagbaba ng hagdan.

Ngayon na lang ulet ako aattend sa ganitong kalaking party ulet. Kahit ilang beses na kong umattend sa mga ganito di pa din ako sanay. Lalo na ngayon na super sosyal na party nito. Walang duda talaga ang yaman nila Nicky.

Nasa kotse na kami ni Nicky. On the way na sa venue. Nang bigla nyang maalala yung alis ko mamaya.

"Kailan alis mo?" Tanong nya sakin.

"Mamaya. Baka di ko na tapusin yung party nakapagpabooked na kasi ako." Sagot ko.

"Sure ka ba dyan sa gagawin mo?" Tanong ko.

"Oo naman. Bakit may problema ba?" Tanong ko.

"Wala naman. Ang sakin lang panu kung magkita kayo dun di ba mas mahirap para sayo yun? Wala ka pa namang kasama. Wala ako dun."

"Ok lang ako Nicky. And I'm sure na wala sya dun. Unless na lang kung may nakapagsabi sa kanya na pupunta ako dun. Tayo tayo lang naman nakakaalam." Nakangiting sabi ko.

"Basta pag may problema ka. Tawagan mo lang ako. At wag na wag kang sasama kung kanikanino ha. Wag kang gigimik ng ikaw lang baka mapanu ka." Natatawa ako kay Nicky.

"Nicky anu ba? Haha relax. Mas kabado ka pa sakin. Ok lang ako ha. Don't worry. Kung magkita man kami ok lang kakausapin ko sya. Work ko to and pagdating sa mga ganitong bagay professional ako." Sabi ko. Parang gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko.

Hindi na nagsalita si Nicky hanggang sa makarating na kami ng venue. Grabe ang ganda. Sakto lang dating namin. Nagstart na din yung party. Tumabi ako sa table nila Mama.








Lumipas lang yung oras ko na nakaupo. Halatang di ako nag-eenjoy. Naiinggit lang ako sa mga nakikita ko. Lahat sila may partner kahit si Mama. Ang sama ng tingin ko kanina pa sa kasama nya. Pero sabi ni Nicky hayaan ko na lang daw. Nag-eenjoy lang naman daw si Mama. Kahit hirap akong intindihin yung sinabi nya sinunod ko na lang din.

Maya maya lang nagdecide na kong umalis. Di pa ko nakakapag-ayos ng mga gamit ko para mamaya. Pagkatayo ko pa lang sa upuan ko nagsalita agad si Nicky.

"Aalis ka na?" Tanong nya.

"Oo sana. Balik lang ako sa house tapos alis na." Sagot ko.

"Hatid na kita."

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon