REAH'S P.O.V.Nakalapit na sa amin si Nicky. Nakatingin pa din ako kay Kaye. Ano kayang nakain nito bakit parang di na sya galit kay Nicky?
"Sa wakas kumpleto na tayo. Mamaya ha punta kayo. Nagsabi na kasi ako kina Mommy at Daddy eh. Kung gusto niyo sabay-sabay na kayo pumunta para masaya." Sabi ni Kim.
Walang umiimik sa amin. Napangiti lang ako kay Kim.
"Sa akin na sasabay si Reah." Biglang sabi ni Kaye. Napatingin kaming lahat sa kanya.
"At bakit?" Tanong ni Nicky.
Wait. Teka isa-isa lang. Hindi pa ako nakakamove-on sa sinabi ni Kaye tapos sumunod pa 'tong si Nicky.
"Bakit Nicky may problema ba?" Tanong ni Kaye.
Hindi ako makaisip ng sasabihin. Sinisiko na ako ni Kim na parang sinasabi niya sa akin na patigilin ko sila.
"Meron." Sagot ni Nicky.
Napatingin ako kay Kaye nakangiti lang siya. Ano bang nasa isip niya? Bakit parang iniinis niya si Nicky?
"Ano yun? Bakit hindi mo sabihin?" Hinahamon ni Kaye si Nicky.
Hindi ko alam kung anong meron hindi ko sila maintindihan. Natahimik lang si Nicky.
"Bakit hindi mo masabi?" Tanong ulit ni Kaye.
"Kaye." Tinawag ko na lang siya. Napatingin sila sa akin. "Kay Kim ako sasabay." Sa wakas nakaisip din ako ng isasagot ko.
Hindi na nagsalita si Kaye. Hindi pa din nila inaalis tinginan nilang dalawa. Ano bang meron sa kanila kagabi pa sila ganyan. Ano ba kasing pinag-usapan nila?
"Sige na guys mas maganda siguro kung umuwi na kayo para makapagprepare na kayo." Nakangiting sabi ni Kim.
"Sige. Bye." Nakangiting sabi ni Kaye sabay lakad palayo sa amin.
Naninibago ako sa kanya. Bakit ba? Ano bang meron sa kanya hindi naman siya ganyan dati.
"Bye Kaye. Sige Reah una na lang din ako. Sunduin na lang kita mamaya ha. Bye Nicky." Umalis na din si Kim.
Naiwan kaming dalawa ni Nicky. Hindi ko alam kung ano dapat maging emosyon ko. Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako.
"Reah pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ni Nicky. Hindi ako nagsalita. Tumango lang ako.
Umupo kaming dalawa sa isang tabi. Hinihintay ko siyang magsalita.
"Sorry." Sabi ni Nicky. Hindi ko sya maintindihan.
"Para saan?" Naguguluhang tanong ko
"Hindi ko na kasi kaya." Sagot niya na mas lalong nagpagulo ng isip ko.
"Ang alin?" Tanong ko. Ang tagal bago siya sumagot. "Nicky?" Tawag ko.
"Yung nakikita kang kasama ni Kaye." Sagot niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Naguguluhan na talaga ako kaya hindi ako makapagsalita. "Remember kagabi dapat may itatanong ako sa'yo?" Tanong niya pero hindi ako sumasagot nakatingin lang ako sa kanya.
"Gusto ko kasing gawing malinaw lahat eh kaya tinanong kita kung ano ba talaga kayong dalawa ni Kaye." Dugtong niya.
"Nicky ano bang sinasabi mo? Hindi kasi kita maintindihan eh sa totoo lang kagabi pa ako naguguluhan sa inyong dalawa ni Kaye."
"Reah. I like you." Biglang sabi niya. Hindi ako nakapagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya.
Parang huminto na yata lahat ng tao sa paligid ko ng marinig ko yung mga sinabi niya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"