Last 3 years

3.7K 183 55
                                    

Hi guys!

Kinilig ba kayo sa last update? Gusto kong malaman kung saang part. So guys icomment nyo please. Para more more kilig moments pa.

Alam kong madami ng curious sa inyo kung anu nga ba mga nangyari kay Reah sa Hongkong. So guys this is it. Malalaman nyo na!😄😄😄 mahaba habang chapter po ito.

Enjoy!!!

_____________________________________________________



KAYE'S P.O.V.






Sobrang saya ko. Sa wakas after ng lahat ng paghihintay ko. Sakin na ulet si Reah. Ang sarap sa pakiramdam na sabihing sakin lang sya. Girlfriend ko na ulet si Reah. Gusto kong ipagsigawan sa lahat.

This time pinapangako ko na hinding hindi nya na pagsisisihan na naging kami. Ayoko ng mangyari yung dati. Hindi ako papayag na mawala ulet sya sa akin.

Nakaalis na kami ni Reah sa campus. Buti na lang talaga at pinayagan nila ako na makapasok kahit bawal. Eto talaga pinakagusto ko sa pagiging sikat ko. Nagiging malakas ako sa kanila.

Napapatingin lang ako kay Reah. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ang ganda nya talaga ngayon. Kanina nung makita ko sya nagulat talaga ako. Hindi ko ineexpect na darating sya. Hindi sya nagpunta sa reunion nila. Akala ko mas pipiliin nya si Nicky kaysa sakin pero hindi.

Ako pinili ni Reah.

"San tayo pupunta?" Tanong nya.

Hindi ako sumagot. Ngumiti lang ako. Natutuwa talaga ako pagwala syang kaalam alam sa mga binabalak kong surprise sa kanya.

"Kaye?" Tawag nya sakin. Tumingin ako sa kanya.

"Wag ng masyadong magtanong mahal ko." Binalik ko tingin ko sa daan. Napangiti lang sya sa sinabi ko. Hinawakan ko lang ulet kamay nya. Naaalala ko nung unang dinala ko si Reah sa condo ko. Ganitong ganito din sya. Ang daming tanong.

"Dito na tayo." Sabi ko. Nagulat ako ng pagtingin ko kay Reah. Nakapikit sya. Natawa ako.

"Kailangan ba nakapikit ako?" Tanong nya. Nakangiti sya. Mukang natatawa din sya sa kalokohan nya.

Bumaba na ako at binuksan ko pinto nya. Nakapikit pa din sya.

"Pwede din nakapikit ka kung yan gusto mo. Pero pagnadapa ka wala kong kasalanan ha." Natawa sya. Dumilat na sya at hinampas na naman ako.

"Aray Reah. Nakakarami ka na ha." Reklamo ko habang hinihimas yung braso ko.

"Kasalanan mo yan. Anung ginagawa natin dito Kaye?" Tanong nya. Napansin nya na siguro kung nasan kami.

Hinawakan ko lang sya sa kamay at naglakad na kami papasok. Nandito kami sa dati kong condo. Buti na lang at gabi na wala na masyadong tao. Kaya ok lang na maglakad lakad ako dito kasama si Reah. Nasa tapat na kami ng pinto ng kwarto ko. Bago ko buksan pinaharap ko muna sakin si Reah. Hinalikan ko sya sa noo at niyakap ko sya. Binuksan ko na yung pinto hinayaan kong mauna syang makapasok.

Nagulat si Reah sa nakita nya. Kahit ako nagulat din. Di ko ineexpect na ganito kaganda inaayos ni Ms. Ad sa kwarto ko. Pinakiusapan ko kasi sya na gawing romantic tong lugar na to kasi gusto kong dalhin pabalik dito si Reah.

"Kaye." Humarap sya sakin. Ngumiti sya at niyakap nya ako. Mukang gustong gusto nya nakikita nya.

Ang daming petals ng red roses sa sahig at sa higaan. May mga kandila sa paligid. Nakahugis puso silang lahat. May mga balloons sa taas. May mga pictures din kame ni Reah na nakasabit. Natutuwa ako di ko alam kung san nakuha ni Ms. Ad lahat ng to. Dapat makabawi ako sa kanya para dito sa ginawa nya. Kahit na ang daming lilinisin sa sobrang dami ng petals na nakakalat. Pero ok lang alam kong gustong gusto ni Reah ng bulaklak.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon