First LQ

3.6K 161 23
                                    


REAH'S P.O.V.




Nakauwi na kami ni Kaye. Mukang nagsipagtulugan na lahat ng tao dito sa bahay nila.


"Kaye uuwi na ba tayo bukas?" Tanong ko.


"Gusto mo pa bang magstay?" Tanong nya bago uminom ng tubig. Napatingin ako sa labi nya. Napangiti ako sa naalala ko.


"Sana. Kaya lang may pasok na tayo sa monday." Sagot ko.


"Ok lang naman di pumasok minsan lang naman. Para malibot din kita dito." Nakangiting sabi nya.


"Yehey! Haha." Para akong bata. Natawa si Kaye sakin.


"Para ka talagang bata. Tara na matulog ka na."


Umakyat na kami ni Kaye sa taas. Pupunta na sana ako sa kwarto ko ng biglang huminto si Kaye at tanungin ako.


"San ka pupunta?" Tanong nya.


"Sa kwarto ko." Sagot ko. San pa ba ako pupunta dun naman ako dapat matulog.


"Ayaw mo na ba kong katabi?" Tanong nya.


Nagulat ako sa tanong nya. Hindi ba nya naisip na baka malaman ng mommy nya yun at magalit samin.


"Hindi ba bawal?" Tanong ko. Kung sa bagay gusto ko din namang katabi si Kaye.


"Haha. Natatakot ka ba na baka malaman nilang katabi kita natulog? Reah. Malaki na ko. Di na tayo bata." Sabi nya habang natatawa pa din sya.


Napangiti na lang ako sa kanya. Hindi na ko nagsalita. Kung sa bagay tama sya. Alam naman na nilang kami na ni Kaye. Sumunod ako sa kanya. Hindi ganun kalaki kwarto nya kaysa dun sa guest room nila. Wala na ding ganun gamit si Kaye. Pero may isa pa syang gitara at mga pictures na nakadikit sa wall nya. Malinis kwarto nya. Maaliwalas tignan. Ang ganda ng pagkakapwesto ng kama nya sakto sa view ng bintana sa labas.


Hindi ako pinapansin ni Kaye. Busy sya sa pagkalkal ng drawer nya naghahanap ng pampalit siguro. Lumapit ako sa gitara nya at isa isang pinatunog strings nun. Hindi ako mahilig sa mga instruments dahil di naman yun yung forte ko. Hilig ko lang sumayaw. Lumapit sakin si Kaye. Pinatigil nya ko sa ginagawa ko.


"Wag mong ganyanin. Luma na yung mga string baka maputol tamaan ka." Hinawakan nya kamay ko.


"Ayaw kong masaktan ka." Dugtong nya.


Natawa ako sa sinabi nya. Grabe sobrang cheesy ni Kaye.


"Hahaha. Alam mo kanina ka pa." Pagkasabi ko nun. Lumayo ako sa kanya at umupo sa kama nya.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon