Roommates

3.6K 185 40
                                    


REAH'S P.O.V.




Nagising ako sa alarm ng phone ko. Pinatay ko na agad dahil baka magising si Kaye. Inagahan ko talaga alarm ng phone para makapagprepare pa ako ng breakfast namin. 



Bago ako tumayo at iwan si Kaye. Tinignan ko muna ng mga 5 minutes muka nya. Nakangiti lang ako. Ang saya saya ko pagnaaalala ko nanyari kagabi. Yung mga sinabi nya sakin sobrang sarap lang sa pakiramdam. Isa lang talaga masasabi ko. Sobrang namiss namin yung isa't isa.


"Reah." Gising na sya.


"Matulog ka pa Kaye maaga pa. Magluluto lang ako ng makakaen natin. Gisingin na lang kita mamaya." Sabi ko habang patayo na ako.


"Sasama ako." Sabi nya. Tumayo na din sya.


"Sure ka? Mas masarap matulog." Pabirong sabi ko.


"Talaga?" Nakangising tanong nya.


Napangiti na lang ako sa kanya sabay lumapit sya sakin. Hinalikan nya ako.


"Good morning." Sabi nya pagkatapos nya kong halikan.


Namiss ko to. Namiss ko si Kaye.








Sabay kaming bumaba ni Kaye. Magkahawak kamay pa. Pinaglalaruan nya daliri ng kamay ko. Anung problema nya. Parang sinusukat nya pa daliri ko. Nababaliw na yata sya.


Habang nagluluto ako nakaupo lang si Kaye at nakatingin sakin. Ginugulo nya ako. Binabato nya ko ng kung anu-anung makita nya.


"Kaye anu ba itigil mo yan. Nagkakalat ka lang." Sabi ko habang pinupulot yung mga binato nya.


"Ang tagal mo kasi. Nagugutom na ako." Sabi nya habang nakapangalumbaba. Ang cute nyang tignan.


Kung dati inis na inis ako sa ganitong ugali nya ngayon napapangiti na lang ako. Iniisip ko na lang ganyan nya ko lambingin.


"Eto na po mahal ko." Nakangiting sabi ko habang inilapag sa harap nya yun naluto ko.


"Salamat mahal ko." Nakangiting sabi nya. Nakakatuwang marinig na tawagin nya akong mahal nya.


Aakyat na sana ako sa taas para gisingin si Papa pero gising na sya. Nakapag-ayos na din sya. Mukang kakaen na lang sya at ready ng umalis.


"Good morning Pa. Kaen na po." Sabi ko.


"Good morning po." Bati ni Kaye.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon