Hi guys 😊.
Update ba hanap nyo? Ok fine haha.
Kung may mga mapapansin po kayong mga mali sa gawa ko. Sorry po haha. Kasi kadalasan di ko na naaayos yan kakamadaling mag-update. Gabi hanggang madaling araw ko ginagawa yan 😄😄😄 (adik ako eh).
Thanks ulet sa reads guys. Don't forget to vote every chapters na din SANA😊.
ENJOY GUYS!
___________________________________________
KAYE'S P.O.V.
"Reah?"
Hindi ako pwedeng magkamali. si Reah yung narinig kong sumigaw. Nagmamadali akong pumunta sa kwarto nya. Kahit na ang dilim ng daan papunta sa kanya wala na kong pakialam kung may mabungo ako basta makarating lang ako sa kwarto nya. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto nya kinatok ko sya.
"Reah? Ok ka lang ba?"
Hindi sya sumasagot.
"Reah?!" Sigaw ko.
Hindi talaga sya sumagot kaya pumasok na ko sa loob. Wala sya sa kama nya. Nasan sya? Sobrang dilim di ko sya makita. Di sapat yung ilaw ng phone ko para makita sya.
"Reah?"
"Kaye.."
Nanginginig yung boses nya. Nakita ko syang nakaupo sa gilid. Nagmamadali akong lumapit sa kanya.
"Reah? Ok ka lang? Bakit? Anung nangyari?"
Hindi sya nagsasalita. Niyakap nya lang ako. Halatang takot na takot sya. Di ko alam kung bakit pero nanginginig sya.
"Reah? Anung nangyari? Ok ka lang ba? Magsalita ka naman oh. Please."
Hindi talaga sya sumasagot. Umiiyak sya.
Alam ko na kung bakit.
Akala ko ok na sya. Akala ko nakarecover na sya sa trauma nya. Pero hindi pa pala. Malamang nabigla sya ng biglang nawalan ng ilaw sabay kulog ng malakas. Hanggang ngayon takot pa din si Reah maiwan mag-isa lalo na sa madilim na lugar.
"Tahan na. Nandito na ko." Niyakap ko lang sya.
Bwisit na kuryente to. Wala man lang pasabi na mawawala sya. Bakit ba hindi gumagana yung generator namin. Pinatayo ko si Reah. Inilalayan ko sya pabalik sa kama nya. Hindi pa din sya nagsasalita. Kailangan ko ng kandila para makakita man lang ng konting liwanag si Reah. Natatakot sya sa sobrang dilim.
"Reah dito ka lang babalik din ako agad." Patayo na ako ng bigla akong hawakan ni Reah.
"Dito ka lang please. Wag mo kong iwan." Nanginginig yung boses nya.
"Kukuha lang ako ng kandila."
"No please. Dito ka lang." Niyakap nya ko. Sobrang higpit.
"Sige. Dito lang ako. Tahan na ha."
Tumango lang sya. Pero ganun pa din umiiyak pa din sya. Di ko alam gagawin ko para mawala yung takot nya. Sa twing kumikidlat nakikita ko yung muka nya. Takot na takot sya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Reah. Naalala ko yung time na nakita namin syang wala ng malay sa loob ng maliit na kwarto sa studio na palagi nyang pinupuntahan. Ganito din kaya nangyari sa kanya nun. Sobrang tagal nyang nakulong dun kaya hindi malabong matrauma sya ng ganito. Sobrang sobra yung pag-aalala ko kay Reah nun. Tapos ngayon ganito na naman sya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"