Rewind

3.3K 199 56
                                    

Hi guys!

Kamusta? Haha alam ko madami ng naghahantay ng kilig moments ng Kayeah. Wait lang kayo guys. Ipunin naten para masaya😄😄😄.

Dahil inspired ako sa paggawa ng chapter na to.. kaninang umaga pa ako paulet ulet ng kantang 'wonderful tonight'.😄😄😄

Guys patugtugin nyo sya mamaya ha pagkinanta na sya ni Kaye dito sa chapter na to. Ayyyiiieeehhh kinikilig na ako.

I know madameng may gustong haranahin ni Kaye.

So guys enjoy!!!😊😊😊☺☺☺





_____________________________________________________


REAH'S P.O.V.





Nakabalik na ako ng hotel. Dinalhan ko ng pagkaen si Jess. Chineck ko din kung ok na sya. Medyo Mainit sya. Nag-aalala ako sa kanya.

"Jess ipacheck-up na kaya kita?" Tanong ko.

"Reah ok lang ako." Sagot nya habang kumakaen sya.

"Anung ok? Nilalagnat ka! Ok ba yan?" Nag-aalala talaga ako sa kanya.

"Reah ubo't sipon lang to ok. Wag kang paranoid. At saka wag mo na akong bantayan. Di na ako bata. Sige na mag-ayos ka na at may gig ka pang pupuntahan. Balikan mo ko dito bago ka umalis ha. Icheck ko kung tama yang suot mo." Sabi nya. Si Jess talaga tumatayong stylist ko.

"Nilalagnat ka na nga kung anu anu pa yang naiisip mo. Manunuod lang naman ako. Hindi naman ako yung kakanta." Sabi ko

"Hello girl dapat maganda ka. I'm sure yung lugar na yun punong puno ng mga assumerang babae na naghahabol dyan sa my loves mo. Kaya dapat bongga ka. Dapat sayo lang titingin si Kaye." Natawa ako sa sinabi ni Jess. Kung sa bagay tama sya.

"Kailan ko pa ba yun. Di ba maganda na ko kahit walang ayos?" Biro ko.

"Yan gusto ko sayo eh! Gandang ganda sa sarili. Pero ok lang maganda ka naman talaga. Sige na. Go girl!" Pagkasabi nya nun bumalik na ako sa kwarto ko.

After kong magshower nag-ayos na ako. Medyo na tagalan pa ako sa pagpili ng isusuot ko. Gusto kong maging maganda pero at the same time ayokong maging OA. Gig lang pupuntahan ko dapat maging casual lang ako. Sana pala tinanong ko si Kaye kung anu isusuot nya para naman mapartneran ko sya.

Lumipas pa ilang minuto bago ako makapagdecide ng idadamit ko. Ok na ko sa pants, tshirt at sneakers. Nagdala na din ako ng blazer ko baka malamig dun. Bumalik na ako sa kwarto ni Jess. Tumingin sya sakin.

"Ewww. Yan na isusuot mo? Anu ba naman yan Reah? Wait." Nandiri talaga sya sa suot ko. Tumayo sya at may kinuha sa cabinet nya.

"Eto. Oh isuot mo bagay syo yan. Simple but pretty." Kinuha ko yung damet na sinasabi nya. Dress. Talagang pagsusuotin nya ko nito.

"Teka ayoko nyan. Gig pupuntahan ko hindi date. At saka bakit may ganyan ka?" Tanong ko.

"Reah. Simple dress lang to. At saka kahit anung damet mo naman bagay sayo eh. Keri mo yan. Bago lang to. Actually gift ko talaga to sayo ngayon ko lang nabigay." Napangiti ako sa kanya. Di na ko kumontra sa sinabi nya.

Pumunta ako ng CR. Sinuot ko yung dress. Tama si Jess ang ganda ng damet. Ang galing talaga nyang mamili ng damet. Lumabas na ako agad para mapakita sa kanya.

"OMG. Perfect! Super Gorgeous! Ayan ha. Wala ng ibang titignan si Kaye kundi ikaw lang. Oh sige na gora na dahil late ka na."

Nagpaalam na ako kay Jess. Medyo kinakabahan ako sa kanya. Masama talaga pakiramdam nya kaya hindi ko sya agad maiwan. Late na late na ako sa gig ni Kaye pero ok lang naman siguro basta makahabol lang ako.















TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon