Hi guys!
Biruin mo yun nasa last chapter na tayo ng story. Parang kailan lang ng simulan kong gawin tong story na to. Nakakatuwang nakakaiyak kasi nagustuhan nyo 😊😢. Sulit ang puyat at sakit ng pagbagsak ng phone sa muka ko habang nag-update 😂😂😂.
Hindi ko na po patatagalin. Alam ko naeexcite kayo kung panu mag-end ang story.
Pero...
May ending nga ba talaga?? 😊😀😄
Bago ang lahat. Syempre kung panu ko sinimulan ganun ko din tatapusin.
Guys please support NYEBE. Vote tayo for Kaye Cal.
For BIGA10 Manila Just type:
MOR MANILA NYEBE - KAYE CAL (Name and Address) send to 2366For MYX Countdown just log in to www.myxph.com and vote for Nyebe - Kaye Cal
This is it.
Enjoy guys!
____________________________________________
REAH'S P.O.V.
"WHAT? Talaga? Haha. Grabe Kaye. Nagawa mo yun?" Natatawang tanong ni Kim kay Kaye.
Nagkukwentuhan kami ng mga nangyari samin ni Kaye sa Davao. Natatawa na lang kaming lahat. Kung sa bagay nakakatawa naman talaga lahat ng mga nangyari samin ni Kaye.
"Oo bakit may masama ba?" Natatawang tanong ni Kaye.
"Kung sa bagay si Nicky nga nung......"
"Ohh. Wag ng magkwento." Tinakpan ni Nicky bibig ni Kim para di makapagsalita.
"Haha. Ang daya. Kwento nyo yan." Sabi ko. Ang sarap sa feeling na magkakasama kami ng ganito.
"Wag na." Sabi ni Nicky. Tinanggal nya na kamay nya sa bibig ni Kim.
"Ang daya." Nakangusong sabi ko. Tinawanan lang nila ako.
Mga isang oras din bago nagdecide si Kaye na umuwi na. Nagpaalam na din si Nicky at Kim sa kanya. Hinatid ko na lang muna sya sa labas para makapag-usap pa kami.
"Ingat ka. Tawag kaagad pagkauwi ha." Sabi ko pagkalabas namin.
"Sure ka di ka sasama?" Tanong ni Kaye. Kanina pa nya ko pinipilit na mag-stay muna sa condo nya. Pero di ako pumayag gusto ko din kasi munang kausapin si Mama.
"Kaye nag-usap na tayo kanina di ba?"
"Baka lang naman nagbago isip mo." Lumapit sya sakin at hinalikan ako.
"Bye." Pumasok na sya sa loob ng kotse nya.
Papasok na sana ako sa loob ng biglang huminto kotse ni Kaye at tinawag nya ulit ako.
"Reah!" Sigaw nya.
Napalingon ako.
"I love you." Napangiti ako sa sinabi nya.
"I love you too. Ingat ka ha." Kinikilig na naman ako.
Umalis na si Kaye. Pumasok lang ako sa loob ng masigurado kong wala na sya. Pagkapasok ko nakita ko agad si Kim at Nicky naguusap sila.
"Reah. Anu sa tingin mong mas bagay?" Tanong sakin ni Kim. Lumapit ako. Tinignan ko anung tinutukoy nya.
"Anu yan?" Napangiti ako sa nakita ko. Tumitingin sya ng gown sa internet.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"