All we have is what's left today
Hearts so pure in this broken place
'Cause you are, you are
My saving grace...
-Saving Grace
_________________________________________
Alisto akong bumangon sa kama nang may maalala at agad hinalughog ang aking drawer. Medyo nahilo pa ako sa mabilisang pag-tayo ngunit binalewala ko iyon, abala ako sa paghahanap sa kaban na tinatakpan ng mga damit ko.
Nang mahanap ay dali ko iyong binuksan. Mistulang bumagsak ang kalamnan ko sa nakitang walang laman na kaban. Tinitigan kong mabuti ang kahon na pininturahan ko lang ng puti, umaasang magpakita ang pera ko, pero walang nangyari. Nakuha na naman niya.
Binagsak ko iyon sa magulong tupi ng mga damit sabay buga ng hangin at nag-angat ng tingin. Agad kong iniwas ang paningin ko sa salamin at sinuklay ng kamay ang aking buhok.
Bumaling ako sa pinto sa narinig na matinis na halakhakan. Pinaglalaruan ko ang aking choker sa leeg habang tahimik silang pinakikinggan.
Good morning, mother. Yes, this is my life. Welcome!
Nang unti-unti nang humuhupa ang tawanan at kung ano mang mga ungol nila ay napagdesisyunan kong bumaba. Hindi lang naman isang beses na nangyari 'to, kung tatanungin ako, hindi ko na rin mabilang. I stopped counting when I realized that she's not going to stop. That this is not going to stop. Para saan pa't magbibilang ako? It's vain.
Nakayakap patalikod ang lalake kay mama habang hinahalikan nito ang kanyang leeg. Kapwa silang nasa sofa na kailanma'y hindi ko nagawang upuan. Hindi dumaan sa isip kong umupo roon.
Sa harap nila ay mga ubos na bote ng beer at mga upos ng sigarilyo. May nakita rin akong parang mga puting pulbo na nagkalat sa mesa at sa sahig. It won't take someone dumb to figure out what that white powder –like thing is. And definitely it's not powder.
At si mama ay nandoon at binibilang ang perang tinago ko. Halo ang aking ipon sa tattoo parlor at sa padala ng misteryoso kong benefactor na hinihiling ko na sana'y aking ama.
Bumagsak ang mga hagikhik niya nang mapansin akong nakatayo sa kanyang harapan. Pinagsiklop niya ang pera sa kanyang kamay na parang pagmamay-ari niya ito.
"Hmm... Julieta, kamukha mo pala ang anak mo. Pwede namang tatlo tayo di ba?"
Kahit wala pa akong kinain ay parang gusto ko nang sumuka sa mga mukha nila. Gusto kong ilabas ang bituka ko't ipulupot sa leeg ng lalake niyang mababang tumatawa ngayon. Nanindig ang balahibo ko sa pandidiri.
Matalim siyang tinignan ni mama. "Gusto mo siya? Eh, akin nalang 'tong pera!"
Nilamon lang ng lalake ang labi niya at mas hinapit. Walang pinagbago sa mukha ni mama nang muli niya akong lingunin. Sa katunayan ay mas naging marahas pa ito, na parang isang krimen ang aking presensya.
"O, anong kailangan mo?" singhal niya.
"Tuition ko ang kinukuha mo," mahina kong sabi.
Mapait siyang tumawa, pinalis ang mga braso ng lalake na ngayo'y malinaw ang inis sa pag-tayo ni mama. "Ingrata. So ngayon nagdadamot ka? Ako nagluwal sa 'yo, kaya buhayin mo rin ako. Huwag mong solohon ang grasya , ha?"
"Ba't niyo pa ako binuhay para hindi ka manumbat ngayon. Kasalanan ko pang pinanganak ako," bubulong bulong ko.
"May sinasabi ka?"
Umiling ako. "Wala. Kailangan ko po ng pera ngayon. Exam namin."
"Edi magtrabaho ka ulit sa pa-tattoo mo. Problema ba 'yon?" tumungga siya ng nangangalahating laman ng bote saka pinulot ang umuusok pang sigarilyo at sinubo. Bumuga siya ng usok galing sa nangingitim na niyang labi.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Aktuelle Literatur[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...