TWELVE

64.5K 2K 343
                                    

Kaagad umuwi si Jaxon pagkatapos niya akong ihatid. Suwerteng tulog si mama nang mga oras na iyon kaya hindi niya kami namalayan. Binuhat niya ako para mas makabawas sa ingay saka nilapag sa aking kama. Huli kong alaala bago naka-idlip ay ang ugong ng umaalis niyang sasakyan.

Parang kiti-kiti si Tori na hindi mapakali sa kanyang upuan nang makita akong pumasok sa classroom kinabukasan.

"Makati ba pwet mo?" Natatawa akong umupo sa tabi niya.

"No..." maarte niyang sabi habang may dinudukot sa bag. Pansin kong wala si Nolan sa tabi niya.

"Boyfriend mo?"

Ngumiwi siya. "Ewan ko sa lalakeng 'yon! Bigla na lang hindi namansin. Bahala siya."

Ngumisi ako. This isn't the first time they've had a lover's quarrel. Hindi na ako nanghihimasok kung ano ang kanilang pinag-aawayan. I take it that it's not that hefty dahil nagkakabati rin naman sila agad.

May nilapag siyang tatlong kulay na mga manicure sa mesa ko.

"Wear it tomorrow, okay? Bagay ang mga ito sa'yo for sure," masigla niyang sabi, ginagamit ang kanyang pagse-sales talk.

"Anong meron bukas?" Kinuha ko ang manicure at binasa ang nasa likod. Mukhang maganda nga 'to sa kuko ko. Imported din ang brand.

"Duh? Acquaintance party natin. Nagbayad ka kaya. Ito nga dala ko iyong mga passes mo..."

May nilabas siyang notebook at binuksan sa pahinang iniipit niya ang mga passes. Tatlo ang binigay niya sa 'kin sa kulay na red, orange at green.

"Kahapon ito pinamigay, ako na ang kumuha ng sa'yo dahil absent ka."

Tamad kong sinusuri ang mga passes. "Ayaw kong pumunta."

Pumalatak siya. "You will go, Vin. Ako bahala sa costume mo."

Kinunutan ko siya ng noo. "Costume?"

Tumango siya. "Punta ka! Last na natin 'to. Tsaka marami tayo kasi ifu-fuse tayo sa ibang allied course."

Pwede naman talaga akong hindi dumalo. Itong mga passes lang ang kailanganin dahil isa ito sa mga requirements for next semester.  Ito lang naman ang binayaran ko at hindi ang pagdalo sa party.

"Try ko ha? Pag-iisipan ko." Walang conviction ang aking tono. Wala sa sarili kong binabasa ang mga nakasaad sa passes.

"Ngayon ka na mag-isip! So, ano na?"

Pinandilatan ko siya. "Hindi pa nga ako nag-isip!"

Hanggang sa huling klase namin ay kinukulit pa rin ako ni Tori. Nagkabati na lang sila ni Nolan ay wala pa rin ako naging desisiyon.

Hindi ko talaga feel pumunta. Feel ko papalapit na ang red days ko kasi lately, I've been bitch-slapped by my mood swings.

Hindi kaagad ako umuwi nang hapon na iyon. Dumiretso akong St. Camilus sa Talamban, isang home for the aged. Walang buwan na hindi ako pumupunta rito upang bisitihain si lola Mabel, ang ina ni mama.

Tatlo ang mga kapatid ni mama na kapwa nangibang bansa kaya wala nang mag-aalaga sa kanya. Maagang namatay ang lolo ko dahil sa atake sa puso. Hindi ko na siya naabutan.

Maliban kay mama, si lola na lang ang natitira kong kamag-anak rito.

Tinanguan ako ng guard pagkapasok ko sa gate. Bumungad sa 'kin ang  mga matatandang naka-wheel chair na pinapasyal ng mga student nurses nila sa labas ng building. Hindi ko nahagip si lola kaya marahil nasa loob.

Kinawayan ako ng kakilala ko roong nurse.  Kumaway ako pabalik habang nilalapitan siya. Kasalukuyan siyang nagpapakain sa matandang mukhang sinusumpong.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon