Nilipat ako ni Jaxon sa kanyang kotse nang humupa ang aking iyak. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari dahil nakatulog ako. Huli kong natandaan ay ang pag-alis namin sa bahay.
Humahapdi pa rin ang aking mga mata nang magising. Ramdam ko rin ang pamamaga nito.Sa nanlalabo kong mga mata ay bumungad ang kalmadong si Jaxon na nagmamaneho.
Habang tumatagal ang pagtitig ko sa kanya ay unti-unti ring bumuhos ang nangyari kanina; galing sa aking paggising, kay mama at ang kasalukuyan. I accepted his friendship. He was so intent upon wanting it so I'm sure hindi niya ako hahayaang bawiin pa iyon. It's as if may magagawa pa ako.
Sa sandaling nilingon niya ako ay gumapang ang tipid na ngiti sa kanyang labi. Minsan hindi ko maintindiahn kung extroverted siya o introverted. I'm not really good at reading people, that's not my forte. I just assume base on my first impressions. Yet right now is not the first time. I can say he's in between being mysterious and jovial.
"How are you feeling?" kaswal niyang tanong.
" 'kay..." Napangiwi ako sa gaspang ng aking boses. Doon ko pa lang din naramdaman ang extent ng sakit ng aking lalamunan.
I'm glad na hindi niya ako inusisa pa tungkol sa nangyari kanina at sa narinig niya. Maybe he's buying his time before he'd ask. Hinihintay niya bang ma-good mood ako? I'm not in a bad mood right now. Pagod nga lang.
"I brought food." May inabot ang isang braso niya sa likod. Agad umingay ang paperbag. "Hindi ko alam kung anong hilig mo. Just choose anything."
Tinanggap ko ang paperbag at sinilip ang laman. Umatake ang pagwawala sa 'king tiyan nang maamoy ang bango ng pagkain. Exaggerated man pero naglalaway ako sa gutom.
"Ikaw?" Nilingon ko siya habang kinagatan ang burger.
"I'll eat anything na matitira," simple niyang ani.
Muli akong sumilip sa loob at sinuri ang mga laman doon. Mukha ba akong patay gutom sa kanya na naisip niyang mauubos ko 'to lahat o kaunti lang ang ititira ko? Binili niya marahil 'to habang tulog ako dahil medyo mainit pa ang mga pagkain. Ganon yata ako kahimbing upang hindi iyon mamalayan.
Pumuslit ako ng isang fries bago kinuyumos ang dulo ng paperbag at nilagay sa gilid. Saglit dinungaw ni Jaxon ang ginawa ko bago siya nagpakawala ng ngisi. What? Why the reaction, Jax?
"Iyan lang kakainin mo? May drinks, baka uhawin ka." Mukha siyang nagbibiro.
"Masakit." Tinapik ko ang aking lalamunan. Tinignan iyon ni Jaxon.
May inabot siya sa gilid at binigay sa 'kin ang mineral bottle. "Hm, water."
Tinignan ko iyon, tapos ay ang mukha niya. Nagtagpo ang aming paningin at doon ko pa lang kinuha ang tubig at binuksan ang takip. Bahagya siyang tumawa.
Iba pala maging kaibigan nitong si Jaxon. Ikaw pa pagsisilbihan. Pagbabayarin niya kaya ako sa burger o idadagdag niya ito sa utang ko sa kanya? Animo'y may dumagan sa dibdib ko dahil sa naisip. Ito ang kapalit ng pagtanggap ko sa pakikipagkaibigan niya, iyong pag-aalala ko sa utang ko.
Bumaba ang aking tingin sa kanyang suot habang tinutungga ang tubig. Mabilis akong napalunok na nagsanhi ng pag-ubo nang makita ang mantsa sa harap ng kanyang light-grey Henley shirt. It's my eyeliner and mascara. May lipstick ko pa!
Muli akong napainom sa tubig . "Hindi ka papasok?"
"Hapon pa. It's still..." dumungaw siya sa kanyang relo, "fifteen past nine in the morning."
"Sorry sa shirt mo..." Do I always have to feel guilty kada pagkikita namin?
"It's fine, may extra naman akong dala."
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Ficción General[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...