"Salamat po, kuya!" ani ko sa customer na kakatapos ko lang gawan ng tattoo. Ito 'yong sinuyo sa 'kin ni Angelov na hindi ko alam kung anong lakad ngayong umaga.
"Salamat din!" aniya, saka lumabas ng workroom kasama ang girlfriend.
Inaayos ko na ang aking mga gamit at nilinis ang karayom ng tattoo gun. Pakiramdam ko kapag titigil ako ng isang linggo sa pagta-tattoo ay kakalawangin ang aking kakayahan. So as much as possible, mga tatlong beses sa isang linggo ay kailangan kong gumuhit.
Wala pa rin ako naging desisiyon sa iginigiit ni Tori sa pagpunta ko sa acquaintance party mamaya. Bakit ba kasi de-costume pa? Pwede namang semi-formal katulad ng nakaraang mga taon.
Nasa kalagitnaan ako sa pagbabalik ng mga ink sa tattoo kit ko nang makarinig ng busina. Sumilip ako sa bintana at nakita ang hindi pamilyar na black pick-up truck sa harap ng tattoo parlor.
Tumunog ang chimes sa entrance kaya nasabi kong lumabas si Charlie. Lumabas na rin ako. Hindi ko pa tuluyang nabuksan ang pinto nang marinig ko ang malakas niyang tawa.
Niluwa ng pinto sa driver's seat ang ngising-ngisi na si Angelov. Sinara niya ang pinto at sumandal doon sabay halukiphip. Kinuha niya ang kanyang clubmaster saka nagtaas-baba ng kilay sabay kagat sa earpiece ng sunglasses niya. Ang yabang ng loko!
"Paano mo iyan nabili? Sinong pinagbentahan mo ng kaluluwa mo?" sigaw ko sa aking tanong.
Sabay kaming lumapit ni Charlie kay Angelov at sa bago niyang sasakyan. Kanya-kanya kaming suri rito. Nagpunta ako sa harap at nakita ang kulay pulang GMC logo sa gitna ng dalawang headlights.
Bumalik ako sa gilid ng sasakyan kung saan sila nakapwesto. Sumilip ako sa tinted na bintana. Walang babae.
"Ang ganda...hulog 'to?" tanong ni Charlie, hinihimas ang gilid na parte ng sasakyan sa likod.
Tumango si Angelov, kinakabit ang clubmaster sa collar ng kanyang V-neck. "Malaki kaya kinita ko sa pustahan sa race."
"Kaya dito mo ginamit? Paano na gamot ng mama mo?"
Tumawa si Angelov. "Iyon kaya una kong binili!" Hinaplos saka tinapik niya ang hood ng kanyang sasakyan, para bang proud na ama sa kanyang anak ang turing niya rito."Gagamitin natin 'to papunta sa party mamaya."
"Pupunta talaga kayo?" bigo kong tanong. Kung sasama sila, ako lang pala rito mag-isa mamaya.
Kapwa nila ako nilingon na parehong nagtataka ang reaksyon.
"Hindi ka pupunta?" Sinundot ako ni Angelov sa tagiliran "Sama ka, Vin! Ano ka ba."
"Libre pagkain doon," ani ni Charlie.
Nagtawanan kami. Pinapagitnan nila akong dalawa kaya naipit ako sa ginawa nilang pagha-high five.
Tinignan ko ang aking boots na parang doon ko dinidepende ang aking desisiyon.. Bakit nga ba ayaw kong pumunta? Sa ngayon dinadahilan ko muna ang katamaran. Sa mga nakaraang taon naman ay dumadalo ako.
"Punta ka na, Vin," panghihimok ni Angelov. "Mawawala rin iyang pagiging wala sa mood mo. Maganda ngayon kasi last na natin. Pinaghandaan talaga ng student council ang event mamaya."
Nilingon ko siya. "Ba't mo alam?"
"Ka-fling niya iyong president ng S.C.," deklara ni Charlie.
Muntik na akong magmura at binatukan si Angelov na hagikhik na umiwas sa mga sapak ko. May kiliti siya sa tagiliran kaya doon ko siya sinundot. Napahiga na siya't namimilipit habang tumatawa. Pinagtulungan namin siya ni Charlemagne.
Pagkapatak ng hapon, nakumbinse na nila ako miski si Tori na nakailang missed calls. Maaga kaming nagsara sa tattoo parlor. Dito ko kasi naisipang maghanda imbes na sa bahay. Dadaanan nalang kami nina Angelov dito mamayang alas sais at iyon din ang oras ng pag-alis namin.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Ficción General[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...