FIVE

68.7K 2.2K 696
                                    

Bigo kong hinila ang atm card pagkatapos ko i-inquire ang balance. Pinaypayan ko sa 'king kamay ang namamawis kong mukha saka binalik ang card sa wallet kong walang ibang laman kung 'di ID ko.

Dapat hindi ako ma-dissappoint, ako ang tinutulungan kaya wala akong karapatang mag-reklamo. Kung namulubi man itong benefactor ko, hindi ko na dapat ikagalit iyon. Sobra pa ang nagawa niya sa 'kin simula nang magpadala siya para sa aking pag-aaral.

Utang ko 'to sa kanya lahat. Hindi sapat para sa 'kin na pasalamatan lang siya.

Dumugtong na ako sa pila ng mga estudyante sa university. Nasa kalagitnaan ako ng pila nang tumunog ang bell kaya mabilis kaming umusad.

Natigil lamang iyon nang hinarangan ako ng batuta ng lady guard sa akma kong pagpasok.

"ID mo?" tanong niya.

Nakarinig ako ng reklamo sa likod ko dahil sa pag-hinto ng pila sa 'kin. Aba, hindi ko na kasalanan kung male-late sila!

Binuksan ko ang aking wallet at hinarap sa guard ang aking id. Hinuhuli ko ang reaksyon niya habang ngumunguya ako ng bubblegum.

Kinumpas niya ang kanyang batuta. "Isuot mo 'yan."

Kibit-balikat akong pumasok at walang balak sundin ang sinabi niya. My old habits die hard.

Nagkalat sa entrance grounds ang naka-exhibit na mga artworks naming mga Arts students.  Pero pili lang ang mga idi-display. Ginaganap ito pagkatapos ng exams at bago ang acquaintance party at pagkatapos noon, mananatili sa buong buwan ang top three artworks ng mga estudyante mismo ang bumoto.

Angelov's artworks are always on the top three. Every year. Magaling ang isang iyon. Marami nang nag-offer sa kanyang mga kompanya pero tinanggihan niya lahat. Kung ako iyon, susunggaban ko na.

Kadalasan, kapag may bisita ang eskwelahan ay kinukuha ng interes nila ang mga likha at ino-offeran na agad ng trabaho. Hinintay kong dumating din  sa 'kin ang offer na iyon para pagkatapos kong gumraduate, may patutunguhan na ako. Hindi ko na kailangang mag-hanap ng trabaho.

Minsan kasi, kumukuha sila ng mga empleyado base sa itsura. Ewan ko lang kung may kukuha sa mukhang leader ng kulto katulad ko.

Imbes na pumasok sa klase ay sinuyod ko ang bawat aisle upang suriin ang likha ng mga naka-display. Sinadya kong bagalan ang aking mga hakbang, pandagdag thrill bago ko makita ang aking artwork na isa sa mga naka-display.

Meron namang pumatok sa panlasa ko, meron ding hindi ko feel. Parang kulang sa emosyon. Ginuhit siya para lang may maiguhit at maisali sa exhibit.

Napangiti ako nang makita ang graphic art nina Tori at Nolan an ewan ko kung sinadyang pagtabihin. Matagal na nilang hinangad na mapabilang ang mga gawa nila rito.

Ang sumunod na likha ay nagpahinto sa 'kin. Doon ako nagtagal sa gawa ng palaging nananalo kada taon. He's from another section kaya pangalan lang niya ang alam ko.

We all have insecurities. May pagkakataon na pinupuwersa kong gustuhin ang mga gawa ng taong hindi ako insecure kesa doon sa magandang gawa ng taong kinaiinggitan ko.

Katulad na lang ngayon, mas gusto kong manalo ang gawa ng iba kesa sa gawa niya dahil insecure ako sa kanya kahit art naman talaga niya ang pinakamaganda.

Am I being a bad person because of this distorted perception of mine? Ayokong makaramdam ng ganito o mag-isip ng mga ganitong bagay but I can't help but   put down myself and think that I am not good enough. My capabilities aren't that good enough to compete with the best ones.

Nang nasa last frame na ako ay dinagsa ako ng panghihina. Nabingi ako sa pagbagsak ng kung anong bagay sa 'king dibdib. Parang may kumuyumos sa 'king tiyan at pinakulo ang aking mga tuhod upang manghina at manginit ang aking mga mata.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon