Ilang tibok ng puso akong tulala sa isang sulok ng roof top. Naisipan kong tumayo na at umalis sa pagpasok ng mga artista. Siguro may shooting o photoshoot. I saw Kelsey talking to a model actress while bringing a hanger of elegant gowns. Inaanod ng hangin ang maaalon nilang buhok.
Wala akong nahagip niisang senyales ni Jaxon pagkababa ko. Nais ko siyang puntahan sa news room, ngunit nang maalala ang aking itsura ay nagbago ang isip ko. I probably looked like a wet raccoon right now.
Ramdam ko pa ang lagkit ng mascara sa aking pisngi na nakisakay sa agos ng luha ko kanina. Sa elevator, may ngilang nag-aakalang baguhan akong artista na galing sa shooting. I didn't rectify them. Let them think what they want , para sa ikasasalba ng kahihiyan ko.
Ayokong mangwenta kung sino ang mas nasaktan sa amin ni Jaxon. We were both equally hurt that night and it even dragged on through the years. And as he turned the tables, I felt the weight of what I did and how it held him down. I couldn't bring myself to count that as revenge. Wala akong matagpuang galit para sa kanya. Because I understand. I understand him.
Pagkarating sa shop ay nagpahinga ako saglit bago tinawagan si Margot sa Skype. Nakaligtaan kong may photoshoot pala siya ngayon base na rin sa post niyang picture sa Instagram. Bumaba ako at ginamit ang mga oras upang sumubok ng Calligraphy.
The art therapy lifted me up for just a crumb. Tumawag muli ako kinagabihan at saktong bagong gising si Marge. Nagpupunas pa siya ng antok sa mga mata. I smiled.
"You're crying?" umpisa niya. Tumigil siya sa ginagawa at nilapit ang mukha sa screen.
Umusli ang ibabang labi ko at umiling.
"Liar, liar," akusa niya. "What happened? Gusto mo punta kami diyan ni Nolan? We'll fly there, seriously."
Walang kabuhay-buhay ang tawa ko. Pati pusa sa aking kandungan ay dinadamayan ako.
"I'm fine." Hindi ko inasahan ang pagkakapaos ng aking boses.
"You're not. " Her eyes narrowed. "What's wrong, hunny D?"
Imbes na magkuwento sa kanya ay may sariling buhay ang utak ko na nagbalik tanaw kaninang hapon. That did the talking instead of my mouth. Tulala ako sa isang bahagi ng laptop screen. Otomatikong sumilakbo ang alaala sa magdamagan kong paggawa ng design ng layout para sa kanya. Still, they all led me to him.
Bumagsak ang nanghahapdi ko pang mga mata. Medyo nahiya ako kay Margot dahil ako itong tumawag, ngunit hindi naman ako nagsasalita. I just want to hear her cheerful voice. Her positivity influence me most times, baka sakaling bahagian niya ako nito ngayon.
"Hmm...is this about him?" untag niya. Mukhang nilayasan na siya ng antok sa napaghulong paksa ng usapan. "Jaxon, right? You know, I searched his name on the internet but secret lang, ha? Nolan doesn't know."
Ngumiti ako. "I won't breathe a word."
"Good. And my gosh, I didn't expect how he looks like, hunny D! Iyong mga mata niya? So innocent and sexy like...b-bedroom eyes! Holy hell! Kung lalake ako at kamukha ko siya? I'm gonna lock myself in the room and fuck myself!"
Hindi ko napigilang matawa. Umaray ako sa pagkakauntog ng ulo ko sa headrest ng silya nang tumingala. Hinaplos ang naapektuhang parte.
"It's like finding the rarest unicorn!" patuloy niya at humila na sa pagkukuwento tungkol sa photoshoot. I let her be. Gusto ko lang munang makinig sa ngayon at hindi magsalita.
Natapos ang tawag dahil magbi-breakfast pa umano ito. Saglit nagpakita si Nolan at kumaway. Siya ang nagluto ng agahan nila. I waved back at them at nag-end call.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Genel Kurgu[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...