TWENTY FIVE

69.1K 2.2K 752
                                    

Pilit tinatanggal ni Jaxon ang kamay kong nakatakip sa aking mukha. Tumatawa pa rin siya na mas lalo lang na nagpakain sa hiya ko. I could have done the opposite. Kaya kong magpanggap na hindi naapektuhan, ngunit ngayon ko lang napagtanto na iyon nga dapat ang ginawa ko.

Umangat ang aking kaluluwa nang sa wakas ay tumunog ang chimes kasunod ang boses ng kumakantang si Charlemagne.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Jaxon nang tumayo ako.

Charlie's voice is my salvation! Like the way of getting out of the trance. Mabilis akong lumabas ng workroom.

Nagtatanong ang mukha ni Charlie nang magkasalubong kami.

"Dito ka lang, Jax. Ikaw na bahala sa kanya Cha," sabi ko. Alam na niya kung saan ako pupunta.

Maliban sa gusto kong makawala kay Jaxon, kailangan ko rin puntahan si Angelov. I'm hitting two birds in one fucking stone!

Ewan ko kung bakit nahiya ako bigla. Tinutugis yata ni Jaxon ang mga nililihim kong sagot sa mga pagtatanong niya kanina. Was that a trap? O sadyang matanong lang talaga siya ngayong araw? Either way, I'm still embarrassed.

Sumenyas lang ako sa guard ng subdivision at pinapasok na ako. Kilala naman niya kami, tumatambay pa iyan minsan sa tattoo parlor. Nagbaka sakali akong nasa bahay nila si Angelov kaya doon ko naisipaing tumungo.

Natatanaw ko ang pick-up niya dahilan upang ako'y mapatakbo hanggang nasa harap na ako ng pinto.

Walang sumagot nang ako'y kumatok kaya dahan dahan kong inikot ang doorknob. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Siguro ayaw kong may madatnan na hindi ko gustong makita.

Ang dilim ng bahay nila kahit umaga. Mukhang ilang taon nang hindi tinitirhan. Maybe it has something to do with the emptiness, like how I always find Angelov for these past few days. Wala nang kabuhay -buhay.

"Lov..."

Kalat sa mesa ang mga ubos na bote ng beer at upos ng sigarilyo. Ang hirap huminga! Parang alikabok ang nalalanghap ko sa bawat pasok ng hangin sa aking ilong. Ang mga picture frames sa isang shelf ay nakataob lahat. Kumikirot ang puso ko sa nakita.

Lumabas si Angelov galing sa kusina nila. Sandali niya lang akong tinignan saka yumukong nagtungo sa sofa. Gulong-gulo ang kanyang buhok at ang band shirt niyang yumakap sa lean niyang katawan noon ay medyo lumuluwang na ngayon. I don't call him skinny, he just lost some weight.

His piercings and tattooes are still intact, making him all kinds of bad.

"Bakit ka nandito?" malamig niyang tanong at sumampa sa sofa.

Kinuha niya ang box ng Marlboro sa mesa at tinaktak sa palad niya. Humugot siya ng isa sa mga stick na lumabas at nilagay sa kanyang bibig. He lit the stick with a white lighter.

Kunot noo siyang humugot ng hangin at bumuga ng usok. Dinala niya ang tingin na iyon sa 'kin. He's not the same friend we used to know.

Muli kong tinignan ang mesa. No trace of any illegal possession. I know better. Tinatago ni mama sa kwarto ang mga stash niya and It's no different with Angelov. Dinaplisan ko ng tingin ang kwartong maaaring pinagtaguan ng mga stash niya.

"Lov, tapatin mo nga ako." Lumingon ako sa likod upang tignan kung may ibang tao. Binalikan ko si Angelov sa naniningkit kong mga mata. "Are you on drugs?"

Hindi man lang siya nagulat sa tanong ko. Patuloy siya sa pagbuga ng usok. He's not even using vape anymore. It's all cigarettes and who knows kung anong meron sa sigarilyo niya.

His eyes, all hollowed and glazed, stared back at me.

Nagbaba siya ng tingin at sinuklay ang magulo niyang buhok. Bumabalik ang hibla sa kanyang noo, ayaw sumunod sa direksyon ng pagsuklay ng kanyang kamay. Tamad siyang sumandal sa sofa.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon