"Mabuhay ang bagong magkasintahan!" anunsiyo ng isa sa mga highschool friends nila Nolan sabay taas ng shotglass.
Sumunod kami sa pag-angat ng aming mga inumin at sabay na uminom. Marami ang nilagok ko at marahil mauubos ko ang buong bote sa isang tungga kung hindi lamang ako pinigilan ni Tori.
Dalawang mesa ang dinagdag sa pagdating nina Jaxon, Denver, Gwyneth at mga kabigan niya.Nakauwi na ang dalawang pinsan ni Jax at mga kasamahan nito bago pa man nila binalak na pumunta rito. Suffocating na rin kasi sa mga bars ngayon habang palalim ang madaling araw.
Naghiyawan ang mga kaibigan ni Gwyneth na nasa tapat nakaupo. Parang bagong kasal sila ni Jax kung makabati ang mga tao sa kanila. Isang masakit na paalaala ang kanilang mga 'Congrats' kaya tila talim itong paulit-ulit na sinasaksak sa akin.
Nagtatalo nga ang isip ko ngayon kung uuwi ba ako o magpapakalunod sa alak. But then, it's my birthday! Why should I go home this early if the dawn is still young? I'll drink to celebrate, not to drown my sorrows.
Binalik ko ang bunganga ng bote sa bibig ko na ikinailing nang husto ni Tori. Iba ang interpretasyon niya sa pag-inom ko.
Magkatabi ang bagong magkasintahan. Nasa sandalan ng upuan ni Gwyneth ang braso ni Jaxon at tinatapik ang mga kamay na sinusunod sa beat.
Gwyn is leaning intimately at him and is being chatty to her girl friends. May isa pa roong nilalandi ngayon ni Denver.
Ipinagtaka ko ang pagiging tulala ni Jaxon. Sumasayaw ang makukulay na ilaw sa walang emosyon niyang mukha na bahagyang kumikintab dahil sa kaunting pawis. Dumikit ang maitim na hibla ng bangs niya sa kanyang noo. Isn't he suppose to celebrate, too?
I looked at his beer. Wala pa gaanong bawas iyon.
Naggising lang siya sa pagtapik ni Angelov na binati siya at nakipag-toast sa bote. Tumango si Jax at tipid na ngumiti sabay tamad na tinama ang bote sa bote ni Lov. Agad niya itong binalik sa mesa, hindi siya uminom.
'Di ba dapat siyang magdiwang? Four years of dire suffering and finally, nakamit na niya ang matamis na oo ni Gwyn! Sumingit naman ang konklusiyon na magda-drive pa siya mamaya kaya ayaw niyang madaluyan ng labis na alcohol ang sistema.
Oh well, first day of his boyfriend duties.
"It's okay, Dabeng..." Inakbayan ako ni Tori. Inabot ni Nolan ang kamay niya't tinapik ang aking likod. They both looked apologetic.
Inilingan ko silang dalawa. Nasa tapat lang ang mga kaibigan ni Gee. Dalawa sa kanila ay nakita ko na sa St. Camilus noong nag-duty sila roon.
"May ipakikilala ako sa 'yo, Vin, hindi ka masasaktan sa kanya," ani ni Nolan.
Umiling ako't pinausli ang ibabang labi. "Huwag na. Time first muna ako."
"Isayaw na lang natin iyan! Ang ganda ng music!" Hinila ako ni Tori patayo.
Dahil puno ang warehouse area at sa likod ng pick-up ni Angelov ay may mga nagsasayawan rin, sa sarili naming mga upuan na lang kami tumayo at sumayaw. We raised our hands in the air kaya umangat rin ang mga suot naming white crop top na puno na nang mga pintura.
Kanina pa kaming umaga naki-party dahil gusto naming manood ng street dance. Ang du-dungis na tuloy namin ngayon. We're made of sweat and post-paints.
Mas lalo kaming humiyaw ni Tori nang sumunod ang mga kaibigan ni Gwyneth. Nakipag-high five kami sa kanila at tawanan. Dahil nga sa medyo nakainom na ay feeling close na kami sa isa't-isa.
If I know, pagkatapos ng araw na 'to ay hindi na kami magpa-pansinan.
Pero nadadagdagan naman ang customers ni Tori sa binibenta niyang mga imported brand ng make-up online.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...