THIRTY FIVE

74.6K 2.3K 1.6K
                                        

Inayos ko ang collar ng sweatshirt kong dumulas sa aking balikat habang tinutungo ang sasakyan ni Denver. Tiningala ko ang mga bituin sa kalangitan sa hindi malamang dahilan. A weird habitude of mine lalo na kapag sumapit ang gabi.

Pero sa totoo lang, nag-aabang talaga akong makakita ng falling star.

Sumipol si Denver nang sumampa ako sa seat. Mas lalo akong nilusob ng lamig dahil sa naka-full aircon dito sa loob.

"Sexy!" Pinasidahan niya ako.

Kinurot ko siya sa braso. Humalakhak siya at binaba ang handbreak para makalarga na kami.

Saglit kong nilingon ang backseat, hindi sa may inaasahan ako. Expecting for him is not numero uno on my to-do list today considering what happened. Mas inasahan ko pang may kakatok na pulis sa pinto ko.

I never thought twice before breaking Gwyn's car window. Kung magsusumbong siya sa pulis, susuko ako, but I will never be caught dead apologizing to her. Hindi naman siya ang sinaktan ko kung 'di iyong kotse.

Nasa Cansaga Bridge na kami nang umilaw ang aking cellphone. Rumehistro ang pangalan ni Jaxon.

Jax:

Where you?

Hindi naitago ni Denver ang ngisi niya. Saglit niyang tinignan ang hawak kong phone saka nagbalik tingin sa daan. Umiling siya at bahagyang natawa.

Nag-angat ako ng kilay sa cellphone, inignora ang reaksyon ni Denver.

Ilang araw ring hindi nagpakita si Jaxon. Huling text niya ay ang panghingi ng number kay Mrs. Arredondo at huling kita ko ay iyong natulog siya sa bahay.

"Hindi niya alam?" untag ko kay Denver.

"Is it necessary? Kailangan pa ba kitang ipagpaalam?" Bahagya siyang tumawa na parang isa itong napakalaking kahibangan.

"Anong sasabihin ko?"

He shrugged. "The truth. Bakit ka naman magsisinungaling? You have nothing to hide."

Oo nga naman. Why am I even bothering about this? Ano naman kung hindi niya alam at ipapaalam ko sa kanyang kasama ko si Denver? Can't friends hang out with another set of their friends, inasmuch as Denver is one of my people?

Fearing that there might be Rex incident number two, ito marahil ang iisipin niya sa oras na sabihin ko sa kanya kung saan ako pupunta. Dumikit pa rin sa utak ko ang imahe niya nang gabing iyon. I can't almost touch him for fearing he might explode like a bomb in Nagasaki.

Muling umilaw ang aking cellphone. Umakyat ang puso ko sa aking lalamunan nang siya na naman ang nagtext.

Jax:

Please text back.

Uminat ang baga ko nang malalim na humugot ng hangin at pinakawalan. Inadjust ko muna ang aircon dahil ang lamig talaga! Palibhasa, makapal 'tong balat ni Denver kaya hindi natatablan.

Ako:

SRP

There. Wala nang bawian. Na-send ko na. Hindi naman siguro siya pupunta. I'm sure Gwyneth is with him entertaining him for the night.

Or not. Baka nagsumbong na rin iyon sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya nagtext siya sa akin upang puntahan ako at kumprontahin sa ginawa ko sa kotse ni Gwyn?

I'm not scared. Not even a single fucking bunch. I believe what I did is reasonable. Ayaw ko lang kimkimin ang galit ko, so it has to be set free!

Hindi na siya nag-reply kaya siniksik ko na sa bulsa ng aking jean shorts ang cellphone.

Nagkomento si Denver sa size ng sweatshirt ko na tinatakpan ang ikli ng aking shorts. Amoy ukay-ukay pa 'to at medium size kaya maluwang sa akin. Tinali ko na lang sa may baywang para hindi magmukhang wala akong suot na pang-ibaba. Sure enough, that would attract the likes of Rex.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDEMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon