THIRTY SEVEN

81.4K 2.4K 2K
                                    

Kumapit na ako sa kanyang braso bilang suporta sa nanghihina kong tuhod. The needle of the tattoo gun didn't even seem to faze him, ngunit itong simple niyang pag-amin ay binigyang diin ang kung anong desperasyong gumuhit sa kanyang mukha.

This is what I want. Ngayong nandito na ay bakit tila hirap pa rin akong sikupin ito?

Siguro hindi ko lang pinaghandaan. Hindi ako nasanay na masuklian ang nararamdaman ko na hinahangad ko rin sa aking ina.

If I worry about the future too much, isa ito sa mga kinabukasan na masaya akong hindi ko pinangangambahan noon.

I'm not one to say how I feel, much less to show it. Ngunit ayaw kong bitawan ang sandaling ito na hindi nagagawa ang gusto ko rati pa man. Bakit ko pa iiwasan ang pagkakataon na minsan lang dumaan...No, hindi minsan kung 'di isang beses lang dumaan sa buhay ko.

Hinawakan ko ang kamay niyang nasa aking pisngi at pumikit.

"Nagpahatid ako kay Riley nang gabing umalis ako sa bahay niyo na hindi nagpapaalam sa 'yo..."

Dumilat ako upang tignan ang kanyang reaksyon. His thick brows slightly met. Awang ang kanyang bibig kaya medyo na-distract ako sa pagpaypay ng mainit niyang hininga.

Nagpatuloy ako na hindi nagaalis ng tingin sa kanya.

"Doon ako nagdesisiyong iwasan ka, dahil alam kong mas masasaktan ako lalo na't mahal mo na siya..."

Maagap siyang umiling bago pa man ako natapos. Hinigpitan niya ang hawak sa pisngi ko.

"I'm not in love with her, Vin. I'm never in love with Gwyn. I tried, but then again, I failed," mapanghimok niyang sabi.

Nagbaba ako ng tingin at pinaglaruan ang gilid ng bandage sa tattoo niya. His stomache flexed again nang mabulong ng haplos ng daliri ko ang kanyang balat. Hindi pa nakabutones ang kanyang pants.

"Iyong heart sign mo sa kanya..."

Bumuntong hininga siya at inadjust ang pagkakadikit ng noo niya sa noo ko.

"My heart sign that night didn't even mean anything other than friendship and fun. Kung may nararamdaman ako, sinasabi at pinapakita ko, Vin. I never professed love to Gwyn."

Bumaba ang kamay niya sa gilid ng aking leeg. Nagpaikot-ikot na hinahaplos ng kanyang hinlalaki ang aking lalamunan.

My breath hitched. Marahan na ang pagpasok ng hangin sa aking baga. Tumitibok ang ibang parte ng aking katawan na hindi ko aakalaing may pulso.

Dinama ng daliri niya ang aking paglunok.

"You kissed her..." I breathed.

"I did. Sa noo. Dahil ikaw ang gusto kong maging unang halik ko, kahit hindi na ako ang unang halik mo. My cousin just stole that chance last night." May angil sa huli niyang salita.

Napakunot ako ng noo. Galit pa rin ba siya rito? Si Denver kaya may gawa ng pasa niya? Dapat sanay na siya sa pagiging mapaglaro ni Denver. That kiss didn't even mean anything!

Just like his heart sign to Gwyn. Kung hindi ba ako umalis ng gabing iyon ay hahantong kaya kami rito? Palagay ko hindi. Siguro ay patuloy kaming magtataguan.

Patuloy kaming nagtitigan. Hindi ko alam ang iniisip niya. His eyes didn't clue me in, though they're back to my favorite soft browns that don't only touch the deepest part of me, but encases them with deep-seated warmth.

Hindi ko alam kung saan ako mas nadi-distract. Sa malambing niyang pagtitig o sa daliri niyang humahaplos pa rin sa lalamunan ko.

"I don't want to be friends with you anymore, Vin..."

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon