Kinakain na ako ng sakit ng katawan at panghihina. Walang magagawa ang pag-iyak ko. Kailangan kong sumigaw! Kailangan kong gumawa ng ingay!
Pinuwersa kong ilingon ang aking ulo sa kabila ng pananakit ng aking leeg at pisngi. May ashtray sa bedside table. Abala si Rex sa mga paghalik niya sa tiyan ko. Napangiwi ako sa pagkasuya at sa nanginginig kong kamay, kinuha ko ang glass ashtray.
Gamit ang natitirang lakas, tinapon ko ito sa bintana. Napapikit ako sa ingay ng alingawngaw at ang pagkabasag nito sa sahig.
"Tulong!" subok kong sigaw sa basag kong boses.
Huminto si Rex, dumilat ako at nakita ang nanggagalaiti niyang mukha sa basag na ashtray sa sahig. Hinila niya ang galit sa akin at inangat ang kamao. Pumikit ako, inasahan ang tama ng panibagong suntok sa aking mukha nang padabog na bumukas ang pinto.
Mabilis akong dumilat kasabay ng pag-alsa ng aking pag-asa. Suminghap ako't sumuko sa paghikbi nang makita si Jaxon. Ang pagtataka niya'y agad ding naglaho nang magbangga ang paningin namin.
Tinignan niya ang posisyon ni Rex, sa nakataas kong damit at bumakas pabalik sa umiiyak kong mukha.
"Jax..." Sobrang hina na ako lang ang nakarinig.
Halos mag-isang linya ang nanginginig niyang kilay kasabay ang marahas niyang hingal. Malalaki ang hakbang niyang sinugod si Rex at hinila saka binalibag sa pader.
Bago pa siya makabawi ay nakalapit ulit si Jaxon at walang habas siyang pinagsusuntok. Nagsihulugan ang mga gamit sa mesang nasa tabi nila. Nilingon iyon ni Jaxon, at sa hindi inaasahan ay tinapon kay Rex na walang naiganting depensa.
Ikinagulat ko ang nangyari at 'di napigilang sumigaw. Sinikap kong makatayo upang sugpuin ang pangyayari. Ngunit sa nakikita ko'y parang si Jaxon ang kailangan kong pigilan. This is not him!
Pulang pula na ang buong mukha, leeg at braso niya. Kahit nakatalikod sa akin ay makikita ko kung gaano kalakas ang binibitawan niyang mga suntok. Sa bawat tayo ni Rex ay tama ng kamao ni Jaxon ang sumasalubong sa kanyang mukha na duguan na ngayon.
"Anong ginawa mo?" sumabog ang sigaw ni Jaxon sa buong kwarto. Hawak niya ang collar ng shirt ni Rex at gigil na inaalog at muli na namang ginulpi. Nagsilabasan na ang mga ugat sa braso at sentido sa kanyang panggigigil. Halos mapigtas na ang bawat litid sa katawan niya sa mariing pagpuwersa.
"Jaxon, tama na..." umusog ako sa paanan ng kama, sapo ang humahapdi kong tiyan.
Gusto ko siyang pigilan ngunit parang may salikmata na puwersang bumabalot sa kanya na kung hahawakan ko man lang ang dulo ng kanyang damit ay tila natatapon na ako sa kabilang dako.
Bumagsak si Rex sa sahig, namimilipit at wala nang kalaban-laban. Hindi pa nakuntento si Jaxon at walang awa niya itong tinadyakan.
Rex has a wider built than Jaxon. Pero galit ang naging puhunan ni Jax upang magawa niyang patumbahin ang may mas malaking katawan kesa sa kanya.
This is the first time I've seen him went this far. He's like looking for a bloodbath! Parang gusto na niya pumatay ng tao.
Namilipit ang lubid sa tiyan ko at mas nagimbal pa nang makita ang dugo na nagmantsa sa puting marmol na sahig.
"Jaxon!" Pikit mata kong sinigaw ang pangalan niya sa sumasakit kong lalamunan ngunit hindi siya nakikinig!
Dinaganan ng isang tuhod niya ang dibdib ni Rex na sumusuka na ng dugo. Napapahikbi na ako sa takot. Ayaw kong matakot kay Jaxon ngunit hindi ko mahanap ang aking sarili na lapitan siya.
"Gago ka!" nanggagalaiti niyang sigaw, buong pwersa na parang sasabog na ang ulo niya sa sobrang galit!
Hinampas niya ang ulo ni Rex sa sahig. Nanglalanta na ito at hindi ko na makilala ang mukha. Umiiling ako habang isinisigaw ang aking pagtutol sa ginagawa ni Jaxon. Nanginginig ang mga kamay at braso niyang inuulit ang paghampas.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...