THIRTY EIGHT

76.1K 2.1K 618
                                    

Kahit hindi na ako nag-aaral ay may natatanggap pa rin ako sa ATM ko galing sa aking benefactor. Gusto kong sabihin sa kanya na itigil na ang sustento since sobra na ang nagawa niya. But I don't have any means of contact to reach him.

Kung pinamamatyagan man niya ako, he or she would know na lumipat na ako at si mama na lang ang naiwan sa bahay. Kung nagpapadala pa siya ng mga groceries, si mama lahat ang makikinabang ng mga iyon.

Walang tila ang lakas ng bagsak ng ulan. Charlie's out with his family dahil Sunday ngayon habang si Angelov ay marahil kapiling na naman si Samara. Ginawa na niyang droga.

Nagulat ako sa baritonong sigaw ni Jaxon kasabay ang kalabog ng pinto sa cr. Kami lang dito sa tattoo parlor. Dumadalas na siya rito for obvious reasons, at minsan tinatalaga niya ang sarili sa counter habang may customer ako.

Namumutla ang mukha niya nang niluwa siya ng aking kurtina.

"May ipis." Kumurap siya at parang tuod na nanigas.

Nilapag ko ang sketchbook sa reclining at tinungo ang banyo. Hinanap ko ang ipis na tinutukoy niya. Naroon nga ito't gumagapang sa pader na tiles.Gumagalaw pa iyong antennae nito. Humagalpak ako.

Kinuha ko ang tsinelas ni Angelov sa workroom niya, nanatili si Jaxon sa gilid at sinusundan ako ng tingin. Nang bumalik ay inisang sampal ko ang pader kung saan nakapalaman doon ang insekto.

"Sa laki ng katawan mo Jaxon ipis lang kinakatakutan mo!" Tumatawa kong sabi sabay bagsak ng tsinelas. 

"Hindi, a. Nabigla lang ako," kaswal niyang depensa.

Hinarap ko siya't tinaasan ng kilay. "Talaga? Sige nga, itapon mo."

Sinulyapan niya ang insekto at gumuhit ang pandidiri sa nakatuwad na nilalang.

"Saan 'yung walis at dustpan?"

"Hawakan mo na lang sa antennae. Mahaba naman."

Namilog ang mga mata niya at ngumiwi. "Madumi!"

Napaismid ako. Ang arte nito! Siguro walang ipis sa bahay nila.

Napailing ako at yumuko na upang madispatsa na ang insekto. Ngunit bago ko pa mahawakan ay pinigilan na niya ang kamay ko. Lukot na lukot ang ekspresyon niya ngunit hindi ito nakabawas sa guwapo niyang mukha.

"Ako na," napipilitan niyang sabi.

Hindi ako nagdalawang isip at hinayaan siya.Alis kong pinanood kung paano niya pinulot ang patay na insekto. Pinigilan kong matawa.

Diretso ang braso niya sa pagsubok na ilayo ang insekto na madapo sa ibang bahagi ng kanyang katawan. Nagtakip pa siya ng ilong. Tinakpan ko ang tawa ko sa aking kamay habang sinusundan siya sa labas.

Kulang na lang ay duraan niya ang ipis. Nanginig siya at nandidiring nilabas ang dila. Umatras siya nang  tinapon ang insekto sa kabilang sidewalk. Agad siyang bumalik sa cr upang maghugas ng kamay at madaling nagbuhos ng alcohol sa palad.

Hindi ko mapigilan ang paghagalpak.              

Matalim niya akong tinignan saka dahan-dahang nilapitan. Umatras ako hanggang sa mabunggo ang likod ng aking tuhod sa reclining. Tumili ako nang makalapit siya at binuhat ako na parang ang  gaan kong unan.

Siya ang umupo sa reclining at inupo niya ako sa kanyang hita. The heat of his body didn't seem to cooperate with the cold weather.

Hinilamos niya ang basang kamay sa aking mukha.  Naghalo ang tili at tawa ko sa mga pangingiliti niya. Hindi ako makaganti dahil pinipigilan ng isa niyang kamay. Doon pa lang siya tumigil nang maubusan na ako ng hininga.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon