Puyat man ay maaga pa rin akong gumising. Inignora ko ang pumipintig na hilo galing sa inuman kagabi. Hilamos lang ng tubig sa mukha ay naibsan na ito at naging normal ulit ang aking pakiramdam.
Gutom akong lumabas ng kwarto. Bago tinungo ang kusina ay sumilip muna ako sa kwarto ni mama.
Kaunting siwang lang at kita kong bakante ang magulo niyang kama. Nasa sahig pa ang ibang unan at gusot na gusot ang top sheet. May ibang amoy rin ang sumingaw na nagpangiwi sa akin. Amoy pawis, kalumaan at alikabok.
Pinakiramdaman ko ang paligid. Walang senyales ng presensya niya. Ilang sandali pa akong naghintay bago sumuko't sinara na ang pinto. Nagtungo na ako sa kusina.
Gumawa ako ng kape at binuksan ang tupperware na may lamang sliced bread. Umupo ako sa isa sa mga tatlong silya at tahimik na kumakain, kasing tahimik ng bahay namin ngayon.
Inalala ko kung kailan ako huling kumain na kasama sina mama at papa. Walang imaheng nagpakita sa isip ko na parang hindi ito nangyari. But deep inside, I have the memory in my heart. I could feel it.
Pinagana ko nalang ang aking imahinasyon. Nasa gitnang silya si papa, usual na pwesto ng mga padre de pamilya. Nasa tapat ko naman si mama, ang imahe ko sa kaniya ay iyong bago pa siya nalulong sa droga. Nagtatawanan kami habang kumakain ng agahan.
Nag-imagine pa ako ng isang bata sa tabi ko para kunwari may kapatid ako. We are one small but happy family right at this table. Right at my imagination.
Tumingala ako upang paatrasin ang luha sa aking mga mata. Nag-huling subo na ako sa tinapay at inubos ang aking kape. Hinugasan ko muna ang baso bago umakyat muli sa aking kwarto. Tatapusin ko ang design na ipapakita ko bukas sa studio.
Napahinto ako nang may maapakan. Inalis ko ang aking paa at nakita ang gunting sa sahig. Kunot noo ko itong pinulot at ibabalik na sana sa tukador nang may mahagip ulit ang aking mga mata sa dulo ng kama.
Mga hibla ng buhok. Sigurado akong hindi ako ang nagmamay-ari niyan dahil hindi naman itim ang buhok ko.
Lumapit ako at pumulot ng ilang hibla. Bumuhos bigla ang nangyari kagabi. Tila binagsakan ako ng kung ano habang inaalala ang lahat at napakagat ako sa aking kuko.
I'm not that drunk dahil naalala ko pa naman ang mga nangyari. Maybe going there. Nawalan lang ako ng kontrol sa sarili. Shiit...ano pang mga ginawa ko kagabi, or...kanina? madaling araw na yata akong nakauwi.
Ginupitan ko siya, naalala ko iyon. gamit ang gunting kong ginugupit ko sa mga papel. Umupo ako sa kandungan niya. Napasapo ako sa aking ulo sa kahihiyang iyon. Bakit ko iyon ginawa? Bakit naman kasi siya nandito?
But then...kung hindi siya, baka si Evan ang ginupitan ko. Mas malala yata iyon!
Okay, magpapanggap akong walang naalala. Now that I'm sober, ikinakahiya ko ang ginawa ko. Iba talaga ang nagagawa ng alak.
Sana hindi ko siya nakalbo. Sana trim lang ang ginawa ko.
Kinuha ko ang cellphone kong tumutunog sa ilalim ng aking unan. Nag-text siya. Hindi siya galit?
Jax:
Nandiyan mama mo?
Nakahinga ako ng maluwang pagkatapos ko itong basahin. Ayos lang naman siguro ang pagkakagupit ko kaya hindi siya galit.
Ise-send ko na sana ang reply ko ngunit nag-fail. Nakalimutan kong magpaload. Mabuti na lang at matalino si Jax dahil ilang sandali lang ay tumawag siya. Agad ko iyong sinagot.
"Wala akong load, 'di ako maka-reply," bungad ko.
"Alam ko, kaya tumawag na ako. Ano, nandiyan mama mo?"
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...