Umuwi si mama dalawang araw matapos ko siyang makita sa mall. Wala siyang binanggit tungkol doon. Hell, she won't even make eye contact to me. It's not guilt. I'm a stranger to her. Or worst, a ghost.
Maybe I could never earn her love back. Or I could never earn her love at all. Memories of maternal affection was tamped down. Kung meron mang masasayang nangyari sa amin ni mama, natatakpan na nang mga araw na sinasaktan niya ako.
Physical pain is a crock of shit. It's superficial. Emotional ones dig the deepest. Mas pipiliin ko pang magkandasugat sugat ang buong katawan ko kesa ang itakwil ng sarili kong ina. I made that bargain with God, but I think He has other plans.
I call my friends or 'my people' a family. Pero iba pa rin talaga kapag totoong pamilya. The blood related. O baka iba lang para sa akin dahil ito ang pinagkait. Hinahangad natin kung anong wala tayo. Meron din namang meron ako na hinahangad ng iba. We would never really get satisfied as long as we live.
This is what I hate the most. The urge to seek for more even when we already have enough.
I don't know if I could still call that motivational drive or selfishness.
Hindi na nalaman ni Jaxon ang dahilan ko. He just let me cry in his arms and shoulders. Hindi na rin niya ako pinilit na sabihin sa kanya. He understood, and that's what only matters to me.
Binisita ko si lola sa St. Camilus at inasahang kakamustahin niya si mama. Hinanda ko na ang isusumbong ko tungkol sa kanya ngunit tulog siya nang maabutan ko.
"Nakikipagtawanan pa iyan sa ibang matatanda sa labas. Hinintay ka yata..." pahayag ni nurse Gemma.
"Sayang, nag-praktis pa naman akong maipanalo ang chess game namin," biro ko.
Nilapag ko na lang ang dala kong banana cue sa bedside table para malaman niyang bumisita ako.
Mas naging abala ako dahil sa papalapit naming graduation. Minsan na rin kaming nagkikita ni Tori dahil iba ang inaaplayan niyang OJT. Sila ni Nolan ang magkasama. Mas lalo akong na-stress dahil sa hindi ko matapos tapos na portfolio na siyang requirement.
Hindi naman sa tinamad ako, hindi lang inspired. I don't treat art that way na gagawin ko lang dahil kailangan. I create art because I love to, not because I have to. Pero wala namang pake ang eskwelahan kung inspired ka o hindi basta makapasa ka lang ng requirements!
Ni wala nga akong ganang mag-tattoo kaya ako muna ang assign ngayon sa counter. Abala si Charlie sa pagpi-piercing sa lalakeng customer na may Mohawk na buhok. Tungkol sa babae ang pinag-uusapan nila.
Inabot ko ang tuner ng stereo na nasa gilid lang ng PC. Nilipat ko ang station at huminto sa mga nagpapatugtog ng 90's songs.
"Charliemagno! Ako sunod ha? Sa pusod," sabi ko, nasa counter top ang pinagkrus kong mga paa habang nakatingala, umaasang mahahanap ko sa kisame ang mood kong gumawa ng art.
I need it like my body needs blood. Para sa portfolio. Para sa toga!
Lumabas si Angelov sa kanyang workroom. Hindi ko siya nilubayan ng tingin hanggang makapasok siya sa banyo. Nag-lock siya ng pinto.
Lately napapansin kong may nag-iba. Hindi na nga siya pumapasok sa OJT. He's tied up on some furtive things. Noong una ay naiintindihan ko pa lalo na't kakamatay pa lang ng mama niya dalawang buwan na ang nakakaraan. Pero habang tumatagal, he's slowly...drifting away from us.
May ideya na ako kung anong meron sa kanya, tinatanggi ko lang. Ayaw kong tanggapin dahil kaibigan ko siya. Pinapanatili ko ang aking paniniwala na hindi niya iyon magagawa.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...