FIFTY NINE

99K 2.7K 1K
                                    

Kulang ang gulat upang ilarawan ang reaksyon naming tatlo.

Bumulabog ang musika bilang pagsisimula ng trade launch ngunit ang matinding pagkabog sa dibdib ko ay hindi na dahil doon. My eyes bounced to Jax and to the man he called 'dad', trying to find the resemblance.

Their eyes. Soft brown. The tenderness. I knew that Mr. Vernon reminds me of someone. Palagi ko lang itinatanggi ito noon. Now that the revelation has caged me in, I couldn't escape from it.

Kinaladkad ni Jax ang paningin sa mukha ko galing sa kanyang ama. The confusion and brewing angst in his expression is not a good kind of concoction. Kahit alam kong wala akong kasalanan ay mapagpaumanhin na tingin ang ginanti ko sa kanya kalakip ang dumidikit na kabiglaan.

"I should let the two of you talk first," ani papa. Ako lang ang bumaling sa kanya. He looked at Jaxon who didn't spare him a glance. "Then we'll talk, Son, after your speech."

Jax still didn't give him any regard. Not even a nod. Gusto ko siyang pagalitan sa inasal niya ngunit ang matalim na tingin na sinasaksak niya sa akin ay nais magparamdam sa akin ng takot.

Halos hindi ko mangitian si papa bago niya kami hinayaan ni Jax na mapag-isa.

Buntong hininga akong sumandal sa pader at humalukiphip. What I'd just found out about Gwyneth hasn't even sank down outright. Then this?

Never thought I could have so much for tonight. Ni hindi pa nga kami nakapaghapunan.

Tinitignan ko ang lace boot-heels ko. My lame escape from Jaxon's penetrating stare that didn't only stop digging thoughts in my brain, but it has also stirred a reaction inside my chest, stomach and down to my knees.

Hindi ko alam kung sino sa amin ang unang magsasalita pero kailangan ba talagang may dapat mauna? Kung sino na lang sa amin ang may dapat sabihin at alam kong ako iyon.

Nilunok ko ang pait sa lalamunan ko. Kahit simpleng pagtikhim ay naiilang ako.

"I didn't know..." mahina kong wika.

"Let's not talk about it here," aniya sa mababang boses at saka siya tumalikod.

Without telling me what to do next, inisiyatiba ko na ang nagdikta sa aking sundan siya.

We passed by people who have their eyes busy on the stage. Nagtatanghal na roon ang mga young stars na may bagong show ngayong taon.

Right, along the noise of the music and the cheers, outside the ladies restroom is not a convenient place to talk about something private.

When I looked back at Jaxon ay ang layo na niya sa akin. Isang beses pa akong lumingon sa entablado upang tignan ang humalili sa kanya na mag-host. I quickened my pace.

Tumatama sa bawat sulok ang ingay ng heels ko sa tunog manipis na sahig pagkadaan sa hallway na may malalaking litrato ng mga artista sa puting pader.

Inirapan ko ang sakit sa paa sa pilit siyang mahabol. Jax's quick paces and wide strides are making me feel like I'm competing against a giant's walk! Kailangan ko pang hubarin ang sapatos ko para makalakad nang maayos!

Pumasok siya sa isa sa mga rooms at hinawakan ang pinto upang manatili itong bukas. He eyed the boot heels I hooked with my fingers as I passed by him.

Lalong kumunot ang noo niya nang makitang naka paa na lang ako. He locked the door.

Nilamon ng mga mata ko ang kuwartong pinasukan namin. It's a dressing room. Filled with dresses, of course. Siguro dito siya naghahanda bago siya sumalang sa harap ng camera.

"How come you didn't know? You've been with him in New York, Vin." Wala nang pang-aakusa roon.

Hinarap ko siya. Halukiphip siyang nakasandal sa pinto at seryoso akong tinitigan. His lips twitched at the sight of my bare feet.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon