Malakas ang buhos ng ulan sa labas. Tinitigan ko ang wiper ng kotse ni Jaxon na walang kapaguran sa paghawi ng mga patak. Tila rin nilulusob ang kotse ng temperatura ng ulan dahil sa kalamigan dito.
Nag-iingay ang wrapper ng chippy na kinakain ni Charlie pati na ang malutong niyang pag-nguya, hindi na niya natiis ang gutom. Abala naman si Angelov sa pagpuri sa sasakyan ni Jaxon lalo na sa stereo na pinapatugtog ang mga kanta ng paborito naming banda.
'Cause it's too cold
For you here and now
So let me hold
Both your hands in the holes of my sweater
"Magkano bili mo rito, bro?" 'Di pa tapos si Angelov sa pang-uusisa niya tungkol sa kotse.
"Huwag mo nang alamin. Malulula ka lang," sabi ni Charlie kasunod ang pagsubo ng chippy.
Nangangamoy chippy na tuloy ang buong kotse. Nakakahiya na kay Jaxon.
"Isang milyon ba?" patuloy ni Angelov.
Sumulyap si Jax sa rearview mirror. "Lagpas pa."
Hindi na ako nagtaka na afford niya. Binayaran ba naman niya ang tuition ko.
Hindi na naka-imik si Angelov. Nilingon ko siya at nakita ang kabiguan sa kanyang mukha habang nakatitig sa stereo, para bang nanlulumo siya sa dami ng kanyang utang.
" 'Yan! Tinanong mo pa. 'Edi na-dissappoint ka? Akala mo affordable sa 'yo noh?" sermon ni Charlie sa kanya.
Binalikan ko ang pagtingin sa labas ng bintana. Malapit na kami sa eskinita na papunta sa bahay namin. Inisip ko si mama kung nakauwi na ba siya o kung nakakain na.
At weird man pero naisip ko kung tapos na ba siyang humithit at kung sino ang kasama niyang nag-pot session ngayon.
We really can't help but think about the people that wronged us. Ano man ang nagawa nilang mali sa 'yo, hindi ko maintindihan kung bakit iniisip pa rin natin ang kapakanan nila. Bakit nalulungkot pa rin tayo kung may masamang nangyayari sa kanila?
Is this a part of myself compensating for the bad deeds I've done? Maybe so. Hindi naman natin nakokontrol ang mga ugali natin. But we can control our actions. We can manage our minds.
I don't get to often manage mine.
Naisip rin kaya ako ni mama? Pinagsisihan niya kaya ang mga nagawa niya sa 'kin? O nais pa ba niyang patuloy akong gawing kompetensiya niya at pagbintangan ako kung bakit wala si papa sa 'min ngayon.
Marami akong naiisip sa tuwing umuulan. It's like every raindrop is a thought that rains on my brain. Kaya sa pagbuhos ng ulan, bubuhos din ang mga iisipin ko.
But there's just something about the rain kung saan nakakaramdam ako ng kapayapaan. Nag-iiba ang mood ko. Nagiging kalmado ako. Maybe it's the comforting effect it brings. Huwag lang dalasan ang mga kulog at kidlat. It ruins the whole calming thing.
"Pwede ka namang bumili ng secondhand, less lang ang ihuhulog mo kada buwan," ani ni Jaxon.
Patuloy sila sa kanilang usapang kotse.
"Hmm, pero iba pa rin kapag sa kompanya ka bumili. Orig eh, astig." Dinadama ng mga kamay ni Angelov ang seat covering. "Ang gara talaga..."
Nilingon ko si Jaxon at nakita ang pagngiti niya. Hindi naman nagmamayabang na ngiti, I didn't take him as a brag. Mukha lang siyang naaaliw sa mga kasama ko.
Walang car freshner ang kotse niya, ngunit sumabog naman ito sa kanyang pabango. Kaya paglabas ko nito, amoy Jaxon ako.
Parang ayaw ko na tuloy labhan ang damit na suot ko ngayon. Ayaw ko na ring maligo.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...