ELEVEN

70.1K 2K 800
                                    

Nag-insist akong mag-commute na lang sa pag-uwi para hindi na makaabala kay Jaxon. Alanganin kung pabalik-balik siya to think na malapit lang pala ang station sa Plaza.

Jaxon didn't listen to my plea. Diretso niya akong hinatid sa tattoo parlor.

"Here, lunch mo."

Hindi ko agad tinanggap ang nilahad niyang paperbag laman ang sobra na mga pagkain namin kanina. Hindi naman pwedeng tanggap lang ako nang tanggap nito. I haven't even given him something.

Marahil nabasa niya ang nasa isip ko na nagsanhi ng kanyang buntong hininga. Kinuha niya ang aking kamay upang hawakan ang paperbag.

"This is not to make you a charity case, Vin. We're friends. We care for each other, right?" Bahagya siyang nakayuko habang tinataasan ako ng isang kilay.

Hinawakan ko sa isa kong kamay ang bag at inalis ang isa na binabalot ng kamay niya. "Salamat."

Bubuksan ko n asana ang pinto upang makababa nang pigilan ako ng salita niya.

"Oh, wait. Number mo ba iyong ginamit mo noong nagtext ka sa 'kin the day I played your request?"

Bigla akong inatake ng ilang sa naging tanong niya. I wonder kung ano ang naramdaman niya noong tinext ko iyon. Dapat ba talaga iyong ikailang?

Just imagine if I don't like him. Siguro hindi ako makakaramdam nang ganito. Awkwardness would just be a flying bird that didn't hang out in my head, imbes ay lalagpasan lang ako nito.

"Oo..." kunwaring confident kong sabi.

Kinuha niya ang kanyang phone malapit sa gear at nakangiting pinakita sa 'kin. "I already saved it."

Of course you do, Jaxon.

"Salamat sa paghatid," mahina kong sabi. May kaunting hiya pang kasama iyon.

"Anytime..."

Lihim akong napangiti habang binubuksan ang pinto at lumabas. Pumagilid ako at pinanood ang pag-alis niya. Tatlong beses siyang bumusina bago tuluyang sumibad.

Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa kabila ng nangyari kaninang umaga. Jaxon's company kept me at ease. Maybe that would be one convenience of having this friendship with him.

Dinungaw ko ang aking relo at natunghayan lamang na hindi na ito gumagana. Tatlong beses ko itong tinapik pero wala na talaga. Matatagalan pa bago ako makabili ng bagong relo.

Sa cellphone ko na lang tinignan ang oras. Lagpas alas dose na. Alas dos ang pasok ni Jaxon sa station. Sana hindi siya ma-late.

Tinext ko si Charlie na nagbukas ako ng tattoo parlor. May kanya-kanya naman kaming susi dahil minsan makakalimutin si Charlie. Ilang beses na niyang name-misplace ang mga susi ng tattoo parlor kaya naisipan ni Angelov na pagawan kami ng susi isa-isa.

Nagtungo ako sa counter at nilapag ang aking bag. Binuksan ko ang tanging computer doon. Maliban sa trabaho, ginagamit ko ito sa paggawa ng designs at mga assignments ko dahil wala akong sariling computer. Makakalibre pa ako rito.

Kinain ko ang binigay na lunch ni Jaxon habang gumagawa ng design para sa isang website. Just to pass the time, ganito ang ginagawa ko kapag hindi ko feel mag-sketch.

Dinungaw ko ang 'Ok' reply ni Charlie sa phone saka ko binalikan ang design. Nang matapos ay binisita ko ang social media account ng tattoo parlor since wala akong sariling account. Minsan ako ang nagrereply sa mga inquiries at ilang mga mensahe na karamihan ay galing sa mga babaeng hinihingi ang number ni Angelov.

Pero number ni Charlie ang binibigay ko, kaya kadalasan siyang naiinis dahil binabaha ang kanyang inbox. Para na rin maka-move on na siya sa ancient na pag-ibig niya kay Tori. Wala na siyang pag-asa sa kanya!

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon