Lutang akong nakabuntot kina Jaxon at Denver na sinuyod na yata ang buong supermarket. Naiwan pa ang diwa ko sa parlor. Hinihila ako ng sinabi ni Jaxon na para bang dapat akong mamuhay sa katotohanang iyon.
"Saan tayo after?" tanong ni Denver habang kumukuha ng freshmilk. Binasa niya ang likod nito. Ang isang kamay niya'y nakahawak sa handle ng cart na may cereal na at ibang healthy foods.
Tumabi si Jaxon sa kanya at nakangusong hinagod ang tingin sa nakahilerang orange juice containers. Nakapamaywang siya.
"Bahay...tattoo parlor...kina Davina..." wala sa sarili niyang sabi, mukhang hindi pinag-isipan ang sagot.
Nakaside-view siya galing dito sa kinatatayuan ko. Humantong ang mga mata ko sa mas na-anggulong linya ng kanyang panga dahil sa bagong gupit nito. Napabuntong hininga ako.
Bakit pakiramdam ko ang hirap na niyang abutin kahit bagong gupit lang naman siya? Ganito ba talaga? O ako lang ang nakakaramdam ng ganito?
Nang mahimigan kong lilingon si Jaxon ay nag-iwas ako at umikot. Namili ako ng pupuntahang shelf. Basta may mapuntahan lang ay nagtungo ako sa mga shampoo.
Wala naman akong bibilhin, titingin lang ako para may magawa.
Kinalabit ang paningin ko ng mga nakahilerang hair coloring products. Dinala ko ang sarili doon at kumuha ng isang box. Puro dark colors naman ang narito, balak ko pa namang magpa-dye ng silver. I want a silver hair.
Ramdam ko ang presensya ni Jaxon sa aking likod dahil sa pag-atake agad ng pabango niya. Tumabi siya sa akin at kinuha ang box na sinuri ko kanina. Sandali niya lang itong tinignan bago binalik sa lalagyan.
Pinaglalaruan niya ang nalagas na parte ng price tag sa shelf.
"Kanina ka pa tahimik, " puna niya saka ako nilingon. "Gutom ka na ba? Kain na tayo?"
"Busog pa ako," wika ko, pinuwersang hilain ang paningin sa kahit saan maliban sa mga mata niya. Ang hirap huminga.
Clearly, what he said earlier didn't send a single effect on him. Ako lang ang tinapunan niya ng epekto.
Dumating si Denver tulak ang cart. May nadagadag doong tatlong freshmilk at iyong OJ's na sinuri ni Jaxon kanina.
"Anong meron dito?" kunot-noong tanong ni Denver, halata ang pagtatakang ginala ang mga mata sa mga shampoo. "You use girly shampoo, Jax?" May disgusto siyang tumitig sa buhok ni Jaxon. "What the fuck?"
Napailing si Jax at mahinang pinalo ang tiyan ni Denver. Lumipat siya sa kabilang shelf kaya sumunod na rin kami.
"Tapos ka na ba mamili? Ang dami na niyan." May reklamo sa likod ng boses niya.
"May hinahanap pa ako, e." Pinahaba ni Denver ang leeg at tinanaw ang shelf malapit sa cashier...o baka isa sa mga cashier ang tinatanaw niya?
"Kanina pa tayo rito, hindi mo pa nahanap?" Nagtapon si Jaxon ng bulak sa cart.
Kumunot ang noo ko. Ano kayang paggagamitan niya niyan? Para first aid kit? Face cleanser?
"Hey, Jaxon!"
Sabay naming nilingon ang boses ng babaeng may foreign accent.
"Hel...lo?" Mukhang hindi sigurado si Jaxon habang tinitigan ang babae, inaalala pa yata kung saan niya nakita ito.
"I'm Minka. Ako iyong pinapalitan mo palagi sa radio station." Ngumiti siya. Dalawa ang dimples niya sa magkabilang gilid ng bibig.
Sumipol si Denver sa likod ko at mabagal na bumuntong hininga. Right, this is Denver's type. Her skin tone's a concoction of cream and coffee, brown round eyes and prominent cheekbones. She's a bangs girl, too dahil sa kanyang thick fringe. Naka-high ponytail ang mahaba at brown niyang buhok.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Fiction générale[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...