Wala sa inaasahan ko kinagabihan na bumalik si Jaxon. Pagkatapos akong kausapin ng mama niya, buong akala ko pagbabawalan na rin niya itong kitain ako. Ako lang yata ang binigyan ng babala.
Dumikdik pa sa utak at puso ko ang sinabi ng kanyang ina. Nang dinungaw siyang papalapit mula rito sa bintana, walang bahid na may alam siya sa pagkikita namin o sa pagpunta rito ng mom niya.
I must have missed some hint from his mother a while ago that I should keep my mouth shut and keep his son in the dark regarding our conversation.
Pumasok ako sa banyo at naghilamos, tinatanggal hindi lang make up, pati na rin bakas ng luha at panghahapdi ng aking mga mata.
Nag-practice pa ako ng aking ngiti sa harap ng salamin na ikinabagsak muli ng mga luha ko. Marahas ko silang pinalis at muling ininat ang aking bibig. Pati panga ko sumasakit na.
Pinuno ko ng hangin ang dibdib ko. Sa simpleng paghinga ay ang sakit. Parang malaki ang ginawang pagbubukas ng preskong sugat na hindi man lang hinintay maging peklat muna. Hinugot ko lahat ng pagtitimpi na huwag mag-breakdown sa harap ni Jaxon.
Pinatagal ko ang tubig sa aking mukha upang ihalo roon ang luha. Napapitlag ako sa yakap mula sa likod at inamoy ang aking leeg. Mabilis kong kinuha ang tuwalya sa gilid at pinatuyo ang mukha.
"Bumalik ka," maang-maangan ko habang nagpupunas.
Hinarap niya ako sa kanya na hindi bumibitaw sa yakap. Sinilip ko siya mula sa tuwalya.
One thick brow rose. "Ayaw mo? I told you, I want to stay."
Pinuno nito ng emosyon ang dibdib ko. Kung ano man ito, hindi ko mapangalanan, basta nagpangiti ito sa akin at halong nagpalungkot. Pinairal kong ipakita ang una.
"Ang ganda ng bahay niyo, Jaxon, sa isang paupahan ka lang matutulog?" pang-aasar ko sa kanya.
"Wala naman sa ganda at tibay ng bahay iyan, Vinnie. Nasa kasama ko."
"Ayaw mo kasama mommy mo?" makahulugan kong tanong na siguradong hindi niya nahahalata.
Bagaman, bahagyang nagdikit ang kilay niya. "Why are we suddenly talking about this?"
Sinabay ko ang buntong hininga sa pagsabit ng tuwalya sa aking balikat. Kinawit ko ang mga braso sa kanyang leeg na mas nagpadiin sa kanya sa akin. Binagsak niya noo sa noo ko.
"Jax...she's your family. You should feel lucky. She cares for you, kumpara sa ina ko 'di ba? Ayaw kong ipagkait sa 'yo ang bagay na buong buhay kong hinahangad. Na magkaroon ng pakialam sa akin ang mama ko."
Sinubukan kong bigyan ang tono ko ng timplang magpapaintindi sa kanya. Hindi naman ako nabigo nang magmantsa ng pag-aatubili ang kanyang mukha.
Tinitigan niya ang labi kong pinaglalaruan ng daliri niya. "Wala kang kasama rito. I don't want to leave you alone here, Vin. Lalo na't alam ko na..."
"I'm okay, Jax," agap ko, alam ang ibig niyang sabihin. "Umuwi ka na sa inyo."
Umusli ang ibabang labi niya. "Kakarating ko nga lang. Hmm...bukas na ako uwi."
"Then tulog ka sa bahay niyo bukas, ha?"
Parang bata siyang ngumisi. "Pagalitan mo pa ako. Sige pa!"
Pabiro ko siyang hinagisan ng tuwalya at inalis na ang sarili sa pagkakakulong niya. Tumatawa siyang sumunod sa akin papalabas ng banyo.
I'm gonna miss this laugh of him. Kahit na ang simpleng pagngiti niya, at ang hindi ko mabasang ekspresyon na tila ba binabasa ako o may papuri siyang iniisip tungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Художественная проза[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...