Distance. It's a safe word. A safe way to keep things as is. Dahil kapag didistansiya ka, parang sinasalba mo na rin ang sarili mo sa karagdagang pasakit. A threatening downfall.
So as much as possible, I'm taking my gradual steps away from the fire.
If the moth is attracted to the flame, then I guess I'm the only moth that forces itself not to get too dearly attached to the flame. I'm the stubborn moth.
Since Sinulog, I've been trying to stitch some distance. Alam ko naman kung saan at kailan ilulugar ang sarili ko. I do flings—though hindi ko na siya ginagawa ngayon simula nang dumating si Jaxon. So I'll rather make it 'I did flings'. Maybe I cared too much about his opinion of me—but I don't, and I mean will never involve myself in an affair. Kahit girlfriend pa iyan basta committed ang lalake sa iba, maghahanap na lang ako ng iba.
But Jaxon's different. Hindi na ako makahanap-hanap ng iba. It's like he has this invisible shackles on me. Siya ang nagkabit, pero ako ang nag-lock.
He hasn't been contacting me for a week. Umaga na kami nakauwi pagkatapos nang araw na iyon at wala kaming imikan. Si Denver ang panay na kumakausap sa 'kin.
Nangangati man ang kamay kong mag-send ng mensahe sa kanya, nagawa ko namang pawiin ang pangangati. Wala rin naman akong maisip na i-text. Siya naman kasi ang palaging una na nagme-message sa akin.
Ngayong sila na ni Gwyneth, I guess wala na siya kailangan pang involvement sa akin. Pakiramdam ko bumaba ng dalawang level ang bar ng friendship namin. I don't like how it feels, but this has to happen.
Pagkatapos ng shift ko sa OJT, nag-withdraw ako ng kalahating ibabayad ko kay Jaxon sa aking utang. Ito na ang huli, nagbayad na kasi ako ng first batch payment noong nakapag-ipon ako sapat upang mabayaran ang aking Semi-finals exam.
Mas naging maingat na ako ngayon. Hindi agad ako nagwi-withdraw ng pera hangga't hindi pa kailangan, baka makuha ulit ni mama at ipambili niya ng kung ano-ano.
Bumagal ang aking mga hakbang habang pinoproseso ng utak ko at paningin sa kung anong nasa tapat ng pinto ng aming bahay. Tatlong matatabang brown paperbags.
Tumatawa kong tinakbo ang distansiya at sinuri ang mga lamang groceries sa loob.
Matagal rin bago nagpadala ng ganito ang benefactor ko. Alam kong siya dahil noong una niya itong ginawa ay may card. Pangungumusta lang ang laman, hindi ako makaganti ng sulat dahil hindi ko naman siya kilala. Hindi ko nga alam kung lalake siya o babae, ka-edad ko o mas matanda.
Mayaman yata siya ngayong buwan dahil sunod-sunod ang padala niya ng pera at groceries. Siguro napamahagian siya ng bonus.
Binuhat ko na ang mga bags sa loob ng bahay. Tantiya ko ay bago pa lang ito nailapag dahil may naramdaman akong malamig. Agad ko na silang nilagay sa kanilang mga storage areas.
Matagal bago ako natapos. Natunaw ang make-up ko sa pamamawis kaya dinampian ko lang ng aking panyo. Nakapamaywang kong sinuri ang kinalalabasan ng ginawa ko hawak ang mga tinupi kong paperbags. Magagamit ko pa ito sa paggawa ng design.
Napuno ang isang cabinet sa sinilid kong mga de-lata at ilang mga junk foods. Karamihan ay napunta sa ref. Kinuha ko ang ice cream sa freezer at bago sinara, tinignan ko muna ang ref.
I am truly amazed. Parang ang hirap paniwalaan na punong-puno ito ngayon. Minsan lang ito mangyari kaya lulubus-lubusin ko na!
Yakap ang container ng ice cream, papalapit na sana ako sa hallway na maghahatid sa akin sa kwarto nang may kumatok. Kung sino man ito, alam kong hindi si mama dahil diretso lang naman siyang pumapasok.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Ficción General[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...