Nauna si Jaxon pumasok upang pailawan ang sala. Walang kalaman-laman na sala at marahil, magiging sisidlan lang ng mapait na alaala. Niyakap ko ang sarili na tila ba magiging sanggalang ito sa nagbabadyang sakit.
Gusto kong itulog na lang ang gabing 'to. Escape seems to be the easiest way out at iyon ang umaangkin sa isip ko.
Dumiretso ako sa kusina at uminom ng tubig upang pawiin ang panunuyo ng aking bibig. Must be the after effect of smoking the plant, pwede ring sa ibang dahilan o pareho.
Pinuwersa kong huwag dapuan ng tingin si Jaxon kahit iniipit na ako ng pagtitig niya, sinusundan bawat galaw ko hanggang sa bumalik ako sa sala. Hindi ko alam kung uupo ba ako sa sahig since wala naman akong ibang upuan maliban sa silya sa kusina, oo tatayo at didikit sa pader.
"Bakit ka nasa bahay ng lalakeng 'yon?" Binahagian niya ako ng lamig sa kanyang tono.
Nilingon ko ang pader sa likod ko na nagbabahagi sa kusina at sala. Sinandal ko ang aking likod doon at dinama ang sariling bigat.
"He's my friend," kaswal kong sabi.
Habang ganito kami ay pinagiisipan ko na ang mga sasabihin sa kanya. Nakikipagtalo na ito sa aking emosyon. Utak ang gagamitin ko rito!
Nagtiim bagang siya na tinambalan ng paniningkit ng kanyang mga mata. May pagbibintang agad na dumaan doon.
"Kayong dalawa lang. Madilim, Davina. I don't want to think, much less imagine of what the two of you might have been doing in his house." Ramdam ko ang pagsubok niyang huwag itong lagyan ng pang-aakusa.
I stuck with my defensive stance.
"Wala akong kailangang ipaliwanag."
"Fine. I concede not because I don't want to hear your explanations. I trust you, Vin. Sana lang tama ang pinaniniwalaan kong wala kayong ginawa. You didn't even call me. Siya pa ang tumawag sa akin!"
Halata ang labis niyang hindi pagsang-ayon sa nangyari. Wala akong maramdaman dahil wala lang iyan kumpara sa nagbabadyang emosyon para mamaya. At hindi pa rin ako sigurado kung paano sisimulan 'to. Paano sisimulan ang katapusan.
Malalim ang higop ko ng katapangan na waring makatutulong ito. Yet it only did less. It didn't ease anything.
"Ano tayo, Jaxon?"
Nag-angat ako ng mukha galing sa daliri kong pinaglalaruan ang dulo ng aking shirt. Indikasyon ng kalituhan ang pagsasalubong ng kanyang kilay.
"What?" He seemed and sounded like he's lost.
"Kung may relasyon man tayo, siguro matatawag ko itong...nakikipaghiwalay na ako sa 'yo." Miski ako nalito sa aking sinabi bago ko pa man pagnilay-nilaying mabuti.
I'm not even sure what are we. May nangyari na sa amin. Not just once! But that's not enough to label a serious relationship. Hindi naman kami laro lang.
Umawang ang bibig niya. Ayaw kong tunghayan ang kasunod noon ngunit may sariling pulso ang mga mata kong hintayin ang kanyang mga reaksyon.
"Bullshit." Marahang lumobo ang pisngi niya nang binuga ang mura. Nakatanga ang mga mata niya na parang hindi niya kayang paniwalaan ang sinabi ko.
Napangiwi ako at nagpatuloy.
"Jax, halos hindi kita pansinin pagkatapos mawala ni Tori. And to be honest, I still can't get over her death. That only proves how I suck at handling my emotions. I couldn't even help myself!" labas ko sa aking frustration. "Kinailangan pa kita upang magawa ko ang dapat kong gawin!"
"That was nothing, Vin." Sinamahan niya ito ng iling. "I needed that, too. I needed your need for me. Kahit kailan hindi kita pinaparatangan. That was normal for someone who's mourning."
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...