Tulala ako sa loob ng cubicle. Pinapahupa ko ang alon ng emosyon na binibigwasan ako kani-kanina lamang. I seized this moment to take a breather. Baka sumabog pa ako roon nang wala sa oras. I've already caught attention with my physical get-up, ayokong dagdagan sa pagbi-breakdown ko.
Dapat talaga hindi na ako pumunta. Ako ang nagpapahintulot sa sarili kong masaktan. I could have declined Jaxon tutal may mga nandirito naman para sa kanya. His girlfriend is even here! That alone is already screaming at me that I should be out. Epal lang ako rito.
He could live through the day without my presence. He could still celebrate without me. He's with his family and girlfriend, so parang wala akong kontribusyon dito.
Aalis na ako pagkatapos. Naibigay ko na rin naman ang regalo ko kaya hindi na ako magtatagal.
Lumabas na ako nang makalma. Malalim na buntong hininga ang aking pinalayas habang tinitignan ang sarili sa salamin.
Graduate na nga ako, pati siya, pero pakiramdam ko hindi pa rin pwede. Maliban sa may karelasyon siya, sa estado pa lang ng mga buhay namin, doon ko pinagbabasehan ang aming pagkakaiba. Ang aming agwat sa isa't isa.
Matayog pa rin siya. Tinitingala ko pa rin. This is either a crooked perception regarding myself or a fact that I have already accepted.
Look at you, Davina. Iyan ba ang bagay kay Jaxon? Kahit kaibigan nga lang ay hindi pa rin ako bagay. Hindi ako bagay sa buhay niya.
Then do something, Davina! Do something para maging karapatdapat ka sa kanya!
Bakit pa? He's in a relationship. Bakit ko pa ipipilit ang sarili ko? If I have to change myself, If I have to make myself worthy, I'll do it for myself and not for other people. Oo, magiging inspirasyon ko ang ibang tao para magawa ang hakbang na 'to. But I'll just dedicate this to them, they won't be the reason for my changes.
Panibagong buntong hininga ang aking pinakawalan saka nilabas ang aking lipstick. It's blood red for today. I didn't risk wearing the black one.
Inisang gulo at suklay ko ang aking buhok sa aking kamay at nagmartsa na palabas ng cr. Pumagilid ako sa pagpasok ng magkakaibigang graduates bago ako tumapak palabas.
Nakasandal sa pinaka-gilid ng pader si Jaxon at seryosong pinaglalaruan ang tali ng kanyang balloon. Kumunot ang noo ko. Paano niya nalaman na dito ako nag-cr? Nag-iisang banyo lang ba 'to?
May dumaang patpatin at matangkad na lalake na inabot ang balloon niya saka tinapik. Nag-angat ng tingin si Jax at tinanguan ang lalake. Sandali silang nag-usap. Classmates maybe.
The lanky guy is blocking me from Jax's sight, kaya nang umalis siya'y nakita ako ni Jaxon. Ilang beses pa siyang kumurap bago makumpiramang ako ang nakita niya. Hinila niya ang sarili paalis sa pader at nilapitan ako.
I could never get over his art of walking with confidence. He's capable of being shy, pero ang lakad niya'y nagsusumigaw na para bang siya ang hari ng daan. Kahit may balloon na sumasabay sa galaw ng kanyang kamay habang naglalakad, hindi ito magiging isang turn-off.
It's like he's in a fashion show, at iyang balloon ang binabandera niya.
He's really a king. Cum laude. While his toga is billowing on his frame making him look like a fucking royalty.
I'm the slave. Dahil alipin na ang turing ko sa sarili ko sa 'yo, Jaxon.
I'm trying to convince myself that I should change for me, but for the life of me, it would always go back into making me change for you. Sole inspiration, Jax. That's what you are.
Nalusaw ang baluktot niyang ngisi nang nasa harap ko na siya.
"You okay?" pagtataka niya. Pinaloob niya ang ibabang labi at ilang beses kinagat bago pinakawalan. Namula iyon at nabasa.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Genel Kurgu[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...