FIFTY FIVE

79.9K 2.7K 1.1K
                                    

Hindi ako mapalagay nang nasa siyudad na kami lulan ng taxi. Panay ang sulyap ko kay Jaxon. I wonder if he noticed, or he just decided to turn a blind eye. Abala naman kasi siya sa paglilinis ng kanyang DSLR at video camera.

"Jax...?" Tumikhim ako. "I mean...Mr. Mon—"

"What is it?" Inihipan niya ang lens ng camera. Nagkamot siya ng tenga bago nilinisan ang lens gamit ang maliit na brush.

I don't know why I still need the pluck up courage to ask his permission. Para naman kasing ama ang dating niya sa akin at ako itong anak na hinihingi ang permiso niya na gumala mamayang gabi. Or the worst, date the man that would make him get his machine gun.

"Pwedeng mauna ka na lang sa Manila? May pupuntahan lang ako, baka matagalan. Mahuli ka pa sa flight." Subok kong maging buo ang aking boses.

I don't want to make him feel that he's more superior. At kumbaga respeto na rin sa kanya dahil siya ang kasama ko.

Natigil siya sa pag-scan ng mga pictures. His face is showing an abundance of forethought.

Bakit kailangan pa niyang pag-isipan nang maigi? It's just a yes and a no! And it's not that I can't fly back under my own steam. Ako pa ang magbabayad ng ticket ko.

Kumurap siya at bumuntong hininga sabay sandal ng likod sa seat. Tamad siyang nagbalik scan sa mga litrato.

"It's optimal that we go back there together. Ako ang nagdala sa 'yo rito, ako rin ang mag-uuwi sa 'yo," mariin niyang ani. Determinado.

Sandali akong natilihan. There's something about what he said that made me almost lose my grip with my resolve.

"You don't have to feel responsible for me, Mr. Montero. It's okay," mahinahon kong paniniyak, not meaning to offend him o kung ano mang magiging laman para sa kanya ng sinabi ko.

"I'll go with you. Ano ba ang pupuntahan mo?" Parang wala lang sa kanya ang sinabi ko sa paraan ng pananalita niya. He's just so adamant!

"Jax..."

The plead in my tone freed his attention from the camera. Sa pakidlap-kidlap na liwanag dahil sa naghaharangang mga gusali, tila nagpapatay-sindi ang kulay-kape niyang mga mata. Sa marahang panliliit nito, I know he's reckoning with it. Sinikop ko ang umaalsang pakiramdam sa nagbabadyang pagpayag niya.

"Kung iiwan kita rito, kailan ka babalik?"

Kinapitan ako ng panghihina sa nahimigan na pangungulila sa kanyang tinig. Hinanda ko muna ang sasabihin bago ko pa matagpuan ang sariling mautal.

"Mamaya siguro o bukas..." mahina kong wika, hindi sigurado. I haven't even checked the available flights.

"Where will you stay?" muli niyang untag. I could see the wheels turning in his head by the way he stares.

"Kina Charlie." O kay papa. Sa isip ko na lang pinanatili iyon.

Matagal pa siyang tumitig, tinatantiya kung dapat ba niyang pagkatiwalaan ang desisiyon ko. It seems overreacting. I'm a twenty seven year old woman but the way he's ruminating on the implication of my decisions, he made me feel like I'm sixteen!

Tila lumuwang ang lubid na binugkos niya sa akin nang magbitaw siya ng titig at hinila ang walang kaemo-emosyon niyang mukha sa harap. Mata niya lang talaga ang may buhay.

"Pakihinto roon," turo niya sa malinaw na sidewalk hindi kalayuan sa kapal ng mga taong naghihintay ng bakanteng jeep. May ilang tumatawid pa galing at papuntang SM. Malimit na okupado ang mga taxi sa dako roon. Magji-jeep na lang din siguro ako.

Malawak ang ngiting gumuhit sa aking labi ko. Muntik ko nang mayakap si Jaxon kung hindi lang siya mukhang galit. Sinuot ko na ang straps ng aking knapsack.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon