Bigat ng aking katawan ang una kong namalayan pagkagising. There's no proper coordination between my eyes and brain. Gusto pang pumikit ng mga mata ko habang ang diwa ko'y atat nang bumangon. Hindi ko nga alam kung umaga na o madaling araw pa.
Ilang oras ba akong tulog? Nakatulog nga ba ako?
Fragments of last night...party, booze, Nolan, Tori...stroke my brain and reminded me of yesterday.
I graduated.
Agad lumipad ang kamay ko sa locket at hinaplos ito. Pakiramdam ko napunan ng isang piraso ang buhay ko dahil sa kwintas na 'to. My father's face is here. It's like having a glimpse of my life way back at may mukha na siya sa mga imaginations ko.
Siya naman siguro 'to, alangan namang ama ito ng ibang bata.
But his identity remained a colossal question mark. Kahit ang hindi niya pagpapakita. Bakit ayaw niyang makita ko siya?
Uminit ang pakiramdam ko nang maisip si Jaxon. He wasn't able to attend pero hinatid niya ako...
Dumilat ako at agad nanlaki ang mga mata. Bumati sa akin ang bago kong kuwarto at agad siyang hinanap. Inalala ko ang pagsakay ko sa Tesla niya, bago iyon ay humiga pa ako sa gilid ng Fuente Circle. I called him while I was half-tipsy.
May kung anong kumirot sa dibdib ko nang maalala ang langitngit ng kama sa kabilang linya. He was with Gwyneth. Okay, I'll skip that part. Basta ang ending, hinatid niya ako hanggang dito sa kwarto.
But he's not here, making all my memories of last night a dream. Isang paghahanap ko pa sa kanya ng ganito, babansagan ko na ang sarili kong dependent. I'm used to handling things alone! I am independence. Bakit pagdating sa usapang puso ay humihina ako?
I used to run. But I'm a cripple when it comes to Jaxon.
Tinitigan ko ang nilagay kong glow in the dark na moon at stars sa kisame. Kahapon ko sila dinikit. Sa kalagayan ko kagabi ay hindi ko sila nagawang pagmasdan kaya hindi ako makapaghintay na gumabi para matignan sila. I hope they would glow brightly.
Babangon na sana ako nang bumukas ang pinto. Hindi ko natuloy ang paglayas sa kama at umupo na lang. Pumasok si Jaxon na may dalang paperbag na naman ng fastfood.
I froze. W-wait...Bakit siya nandito? I—I thought...
Hindi ba siya umuwi?
Pinanood ko siya na umupo sa paanan ng kama at nilapag ang dala niya. Hindi ba talaga uso sa kanya ang cheap? Kailangan may brand? Kahit pandesal at three in one na kape lang ay okay na ako. Pero siya, bumibiyahe pa sa malayo makabili lang ng mahal kahit may malapit namang mas mura.
Nilabas niya sa paperbag ang mga pagkain. Kay laking burger naman niyan! Pati fries, large size! Gutom yata siya ngayon. Anong oras na ba?
Inayos niya ang nakabalot na cardboard sa styro ng kape saka inabot sa akin.
"One tall three in one coffee without whip for...you," aniya.
Tinanggap ko iyon na hindi nag-aalis ng tingin sa kanya. Inaantok pa ang kanyang mga mata. Moisturized ang mala rosas niyang labi at medyo oily ang matangos niyang ilong. Ang buhok niyang medyo humahaba na at tinubuan na naman ng bangs ay magulo.
He looks stressed. Pero tangina, ang guwapo pa rin! Umaga pa lang iyan. Hindi pa naliligo.
"Hindi ka umuwi?" tanong ko. Binuksan ko ang butas sa takip ng styro at inihipan ang mainit na kape roon. Ang isang kamay ko'y hinagilap ang aking cellphone na nasa bulsa ko lang pala.
Umiling siya habang binubuksan ang lalagyan ng burger. "I said I'll stay."
I remember he said that. Akala ko lang hindi niya tutuparin. I woke up without him so iyon agad ang in-assume ko. Akala ko aalis na siya kapag nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
Algemene fictie[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...