"Sinabi niya iyon?" malakas na tanong ni Tori. Kakatapos ko lang isalaysay sa kanila ang pag-uusap namin ni Ms. Guillen.
Ewan ko nga kung matatawag na pag-uusap iyon. Parang hindi naman. It's purely an argument laced with insults.
Hindi na ako pumasok sa first subject namin. Nag-lecture lang naman daw ang guro since kakatapos pa lang ng exams week. Tumambay ako sa bakanteng room sa tabi ng classroom namin at pinagluluksa ko ang hindi pagtanggap ng aking artwork.
Biglang inagaw ni Angelov sa mga kamay ni Nolan ang frame ng art ko. Kunot-noo niya itong sinusuri habang kinakagat-kagat ang piercing niya sa lower lip.
"Maganda naman, a?" Taas kilay niya akong binalingan. "Ano ba sabi?"
Binalikan ko ang ginuguhit ko sa sketchbook. "Bad influence daw."
"Hala? OA niya," sabi niya. "Unique nga nito, o. Mas maganda pa 'to sa gawa ko, to be honest lang, Vin."
Hindi na bago sa 'kin ang ganyang tono ni Angelov. Sa tagal ng pagkakaibigan namin, kaunting kaibhan lang sa tono at ugali niya ay mabilis kong nahahalata.
"May hihingin ka, Angelov, " parinig ko sa kanya.
Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagbabalik niya ng frame kay Nolan na nagpakawal ng tawa. Kumuha siya ng silya sa likod at siniksik ito sa pagitan namin ni Tori.
Sumampa siya sa silya at kiniliti ako sa tagiliran. "Sige na, crush mo naman ako, e."
Tumawa ako't hinampas siya ng coloring pencil sa ulo. "Ang kapal mo, a!"
Ngumisi lang siya. "Sige na, Vin..."
"Ano nga?"
Binalik ko ang concentration sa paggawa ng outline ng drawing.
"May customer kasi akong may appointment ngayong Sabado, eh may lakad ako. Ikaw muna pumalit sa 'kin. I'm sure kaya mo iyon, magaling ka naman," aniya.
"Saan ka ba pupunta?" tanong ko.
"Basta. Sige na..." Muli niya akong sinundot sa tagiliran.
Nang bumaling ako sa kanya ay nakita ko ang sadyang pamumungay ng kanyang mga mata. This is the kind of look he uses when flirting with his girls. I'm not one of them, hindi rin naman ako apektado sa 'the look' niyang 'yan.
Isa rin 'tong hindi pumasok kanina. Naglaro lang ng online game sa Internet café sa baba ng university building.
"Pumayag ka man o hindi, sasabihin ko pa ring maganda talaga ang gawa mo, Vin. I swear. Cross my heart. Hope not to die."
"Oo na!" Binalikan ko ang ginuhit ko.
"Yon! Bait mo talaga! Ewan ko ba sa Guillen na iyan. Lagyan ko ng tattoo kilay niya, eh. Iyong isang kilay lang." Nagtawanan sila ni Nolan sabay high five.
Maingay siyang umalis sa silya. Tumigil ako sa pagguhit dahil sa paghila niya sa upuan upang ibalik sa kung saan niya ito kinuha kanina.
"This Saturday Vin, ha? Sinabihan ko na rin naman 'yong magpapa-tat na hindi ako pwede. Pumayag naman. Approval mo lang talaga ang hinihintay ko."
Tahimik akong tumango. Tinapik niya ako sa balikat bago siya umalis. Marahil pupuntahan si Charlemaigne.
Lately nagdududa na ako sa mga lakad nitong si Angelov. Kung babae man ang dahilan, hindi ko naman siya nakikitang madalas na may ka-text. Pero pwede rin namang sa internet sila nagko-communicate. Siguro iyon ang pinagkakaabalahan niya sa internet café.
"Saan tayo kakain?" narinig kong pagtatanong ni Tori kay Nolan.
"Kayo?" ganting tanong ni Nolan.
BINABASA MO ANG
LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDE
General Fiction[Last of LOYAL HEARTS ] Abuse. Neglection. Independence. Malaki ang epekto sa buhay ng isang tao kapag lumaki sa kapaligirang hindi inaambunan ng pagmamahal. Love composes almost the whole percentage of life in general. Love in any kinds. Along in g...