FORTY NINE

69.1K 2.1K 857
                                    

I never thought of this possibility. Alam kong posible pero hindi ngayon. Hindi rito!

Kakalapag pa lang ng server sa inorder kong baso ng tubig ay agad ko nang tinungga. Still, the frantic beat of my heart didn't let up. Naging gasolina pa nga yata ito upang paarangkadahin ang tibok ng puso ko. Hindi ko pa natagpuan ang sariling makapag-isip nang mabuti. I am just so mind blown!

Everything starts to dawn on me. This is how he turned out to be, huh? And I take it that he's not just an ordinary newshound. He won an award. In New York. And I had no idea that we were just in the same soil at that time then.

He made it. I knew it that he'd end his chosen career on a high note. If I didn't do what I did, ganito rin kaya ang mangyayari? We'll never really know. Hindi naman pwedeng mag-trial and error sa nakaraan upang makita ang maaaring kahihingatngan ng isang partikular na desisiyon para sa hinaharap.

Unti-unti nang humupa ang aking pangangatog. Binuga ko ang bigat ng hangin saka umayos ng upo. Nilabas ko ang Mac at ang Moleskine at maayos silang nilapag sa mesa.

I regrouped myself. Pinapaalalahanan ko ang sarili na kliyente ko siya. Hindi ko isasali ang mga personal issues namin dito.

But I highly doubt he'll cooperate with setting them aside. He got the receiving end of my heartbreaking words. Siya ang mas naaagrabyado. Kaya siguradong siya ang mas bitter!

Sa kabila ng sinag ng araw na dumirekta sa puwesto ko, hindi nito nagawang apulain ang lamig na sumusulong sa aking balat nang bumukas ang glass door. Napainom muli ako ng tubig. Nade-dehydrate ako sa pag-iisip sa maaaring mangyari mamaya.

Naunang lumapit si Kelsey sa table. Nakadikit na ang ngiti sa kanyang mukha. May bahid iyong paumanhin sa biglaang pag-walk out ni Jaxon kanina.

May malaking bahagi sa dibdib ko ang nagpo-protesta sa pagkakaroon nila ng relasyon ni Jaxon. Kung ano man, hindi ko alam. But remembering Sab the receptionist's words...boyfriend? Leastwise, that's a lighter weight to endure than 'husband', right?

Bagama't hindi ko pa rin nailagan ang patalim na gumuhit sa dibdib ko. Kung sila man, aaminin kong hindi ako masisiyahan. Because that should be me with him!

Kung ako ang nasa posisiyon niya, marahil mananatili rin ako sa nahanap kong iba. Ako ang sinaktan, at hindi na ako aasa. Siguro ganoon rin siya. Hindi na siya umaasa sa aming dalawa.

As someone who has being at the receiving end of the damage, you'd ask 'what is there to hope for?' So you walk away and move on. Unlike if you're the instigator, alam mong may aasahan ka pa sa taong mas mahal ka. Dahil alam mong mas lamang ang pagmamahal niya sa 'yo, so you take advantage.

It took a while before Jaxon followed behind. Tipid nitong ningitian ang isang grupo sa isang table. Pagkatapos ay kinausap ang nakatayo roong server at tinuro ang table namin, siguro nagpapahatid ng drinks.

Now I wonder kung kasali ako sa inorderan niya. But given our history, I highly doubt it. I'm more inclined to believe that he ordered only for himself.

"I let you two talk," ani Kelsey at pinandilatan ang papaupo nang si Jaxon. Tinignan nito si Kelsey. "Behave." She mouthed to him.

Isang beses niyang tinapik ang balikat nito saka siya umalis. Pinanood ko siyang lumabas ng cafeteria bago ako nagbaba ng tingin.

Katahimikan. Iyon ang naninirahan sa pagitan naming dalawa. Kelsey's presence would have made this easier for the both of us kahit ayaw ko sa naisip na posibilidad tungkol sa kanilang dalawa. Para akong karne rito na tinapon mag-isa sa kulungan ng tigre.

I couldn't even look at him. Kung titignan man, hindi umaabot sa mukha. Him on the other hand, sinusunog lang naman niya ang noo ko sa nakakapaso niyang titig. Nahagip ito ng mga mata ko kaya agad akong nagbawi ng tingin. The wake of his intense stare created a livewire in my spine.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon