FORTY THREE

71K 1.9K 720
                                    

Mabigat ang pakiramdam ko nang magising. Tila buong mundo ang bumagsak sa likod ko. I could compete with Atlas in carrying the world. Dahil ba alam ko na ang gagawin? Alam ko na ang mangyayari.

Parang ayaw kong bumangon. Gusto ko na lang huminto ang oras.

Siguro ganito ang pakiramdam ng mga tinataningan ng buhay. They know they're going to die.  They're not going to make it for too long so they spend as much time to their love ones hanggang sa huling sandali ng mga buhay nila.

Maliban sa mabigat,  dumagdag ang init; Jaxon wrapped around me like a boa constrictor. Hindi ako makahinga!

Animo'y baging ang braso niya na pumalibot sa aking leeg at ang isa'y pumulupot sa baywang ko. Ang binti niya ay kinukulong ang aking balakang.

"Jax..." namamalat ang aking boses. Hindi ko maalis ang maramot niyang kapit. Para bang may nanakaw sa akin dito sa bahay.

"Jax, hindi ako makahinga..." nahihirapan kong angal.

Lumuwang ang braso niya ngunit hanggang doon lang iyon. Nanatili ang hawak niya sa 'kin. Pinatihaya niya ako at binaon ang mukha sa aking buhok.

"Sorry..." hinga niya.

Sumakit ang dibdib ko nang makahinga ako ng maluwang.

Lumakbay ang kamay niya pababa sa aking belly piercing at pinaglalaruan na naman. It's his new favorite toy. Hindi ko maawat ang aking ngiti habang pinagmamasdan iyon.

Iniisip ko ang mga gagawin ngayong araw. Siguro hindi muna ako papasok sa tattoo parlor. I'm going to spend this day with him. Whole day. With my sad thoughts of farewell being dismissed.

Ramdam ko ang pag-crack at hapdi sa aking mga buto nang mag-inat. Umupo ako at kinusot ang antok sa aking mga mata. Hinila ko ang kumot pantakip sa sarili habang pinadaan ang paningin sa sahig upang hanapin ang aming mga damit.

Gumalaw ang kama nang bumangon na rin si Jaxon. I looked at him, meaning to watch his every move, every smile and even his slightest expressions.  Sinuot niya muli ang kanyang boxers at yumuko. Hindi ko inalis ang paningin sa mga linyang marka sa hubad niyang likod. Those crease marks brought by the rumpled bed sheets.

"Ito ba hinahanap mo?" mapaglaro niyang tanong habang humihikab.

Nanlaki ang mga mata ko kung ano ang nakakawit sa kanyang unang dalawang daliri. Uminit ang pisngi ko.

"Akin na 'yang panty ko, Jaxon!"

Sinubukan ko itong abutin ngunit mas nilayo lang niya. His sleepy soft brown eyes opposed to his devilish smile.

Inangat niya ang isang kamay upang ako'y pigilan.Tinukod ko ang kamay sa kanyang balikat.

"Ako ang naghubad sa 'yo nito, kaya ako rin ang magsusuot sa 'yo pabalik. Tayo ka rito." Turo niya sa harap niya.

Walang mangyayari kung makipag-argumento ako kaya sumunod na lang ako. Tumayo ako sa harap niya, nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama. Nagawa ko pa siyang pasidahan at nakita ang mga kagat ko sa kanya kagabi. From his neck down to his V. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang hiya na binubugkos ako ngayon.

Sinundan niya ang direksyon ng tinitignan ko. Kumunyapit ang isang kilay niya, nanghahamong bumaling muli sa akin.

Tumukod ako sa kanyang balikat habang sinusuot niya sa akin ang aking underwear. Sinadya niyang daanan ng haplos ang aking hita pagkatapos na nagpatindig ng labis sa aking balahibo. My stomache clenched at the sudden wave of sensation.

Jaxon is a romantic, an intimate lover for that matter. Isa marahil sa hindi alam ng mga nakakakilala sa kanya. Not even Gwyneth, I think. Imagine my rejoice knowing na ako lang ang pinapakitaan niya ng ganito.

LOYAL HEARTS #3: WHILE ON THE OTHER SIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon