*Devil's POV*Naiinis pa rin ako sa nangyari, ilang gabi na ang nakakaraan. Si Haliyah pala ang nanggagaya sa akin. Hindi ba niya alam na delikado ang ginagawa niya? Paano kung siya ang sugurin ng mga kalaban? Oo, Kaaway ko siya pero ayokong may namamatay dahil sa akin. She also caused ruckus in the Arena. Dahil sa ginawa niya ay gagantihan ko siya. Sisiguraduhin kong maayos ang plano ko para mamaya.
Tinawagan ko si Jem. "Hello? A Goddess speaking." sagot ng nasa kabilang linya, I rolled my eyes when she answered. "Oh bitch please. Kapal ah." sabi ko. Napa-gasped si Jem. "Oh my. Nakakahiya. Ikaw pala Queen. Hehehe." Bobo.
"Nahiya ka pa. By the way, ayos na ba lahat? Yung ca--" pinutol niya ang sasabihin ko. "Opo Queen. Plantsado na lahat." sabi niya, I smirked, they work really well. "Very Good." sabi ko. "Naman. Hahaha." tawa niya. "Sige bye na. See you. Papunta na akong school. Byeee! Mwuaaah!" sabi ko at pinatay ang tawag.
**********
"Gosh! Queen! You're freaking hot." sigaw ni Khei pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom. I know right! Hahaha. "I like your outfit. Harbor please?" sabi naman ni Jem. Ew, why does she want to wear my own clothes? I can buy her naman. "Don't worry girl. Check your rooms later."sabi ko and winked at them. "Oh my gee!" sigaw nilang dalawa. Suot ko ay black dress na paballoon tapos yung sa dulo may ruffles ruffles. With matching ankle boots. Lam na kung ano nasa loob.
"San sina JR at Kier?" tanong ko ng makaupo na ako sa upuan ko. "Inaayos yung para sa mamaya." sabi niya. Well, I think magiging masaya to ah. Di rin nagtagal ay dumating na si Ma'am at nagturo.
"Class Dismissed you may take your break now." sabi ni Mam. Agad kaming dumiretso sa canteen at pumila kaso ng pagkarating namin dun ay nahiwa ang linya ng mga tao. "Miss Roswell una na po kayo." sabi nung isang lalaki. "No, sige una na kayo. Sanay naman akong pumila eh. And by the way, everyone just call me Dianna. And cut the po. I don't want any special treatments understand?" sabi ko at nagsitanguan ang iba.
'Ang bait pala niya'
'Beauty with a heart'
'Kala ko bitch yun pala hindi'
Tatlo lang yan sa bulung bulungan tungkol sa akin. Grabe ah, minsan lang ako demonyo noh. "Well well well, Nagfefeeling anghel kahit demonyo naman." sabi ng sa likod kaya napatingin kaming lahat. I raised my eyebrow and looked at her. Haliyah. Wala na ang mga pasa na natamo niya. It looks like she covered it with concealer.
"Well well well, Nagfefeeling maganda kahit pangit naman." sagot ko. Naikinatawa ng lahat. Lumapit ako sa kanya at tinignan ang mukha niya. Confirmed, concealer nga. "You want tissue, Queen?" tanong ni Khei, natatawang sabi niya. "Oo nga, pambura sa mga make up." sabi naman ni Jem. Alam kong nakangisi ang dalawang to. Kinuha ko ang tissue at hinawakan ang mukha ni Haliyah.
Nakita ko ang kaba sa mata niya. Pinunasan ko ang mukha niya kaya nakita ang mga pasa. Napa-gasped ang mga tao. Lumakad nalang ulit ako pero huminto sa gilid niya at nagsalita. "Hindi matatago ng concealer mo ang mga pasa at sugat pati na rin ang sakit na natamo mo noong gabing iyon."bulong ko at naglakad paalis sa canteen. She can't even move properly.
"Let the GAME begin." sabi ko sa dalawa at nagsimula na silang kumilos.
*Third Person's POV*
Pagkatapos ng eksena sa canteen ay kumilos na ang Black Death Gang. Samantala si Dianna ay dumiretso sa lab at nagtago. Ilang sandali rin ay pumasok si Liam dala ang isang box na pinadala ng kanilang guro upang ilagay sa lab.
Tinanggal ni Liam ang upuang nakaharang sa pintuan upang siya ay makadaan lingid sa kaalaman ng lalaki ay nahulog na siya sa patibong ng nag-iisang demonyo na si DEVIL. Ng bubuksan na ni Liam ang pinto ay ayaw nitong bumukas. Pinagpapadyak niya ito ngunit ayaw bumukas. Dun na lumabas si Dianna.
"Anong nangyayari dito?" tanong niya na parang walang alam sa nangyayari. "Liam? Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ni Dianna. "May hinatid lang ako pero ayaw---" pinutol ni Dianna ang sasabihin nito at agad lumapit sa pinto.
She started to act.
Sinubukan niyang buksan ang pinto pero ito'y nakalock. "Tinanggal mo ba ang upuan sa pinto?" galit na tanong ni Dianna habang nakakunot ang noo. Aakalain mong galit si Dianna ngunit siya talaga ay marunong umarte. "Oo, Para saan ba yun?" tanong ni Liam, mukhang kinakabahan na.
"Nakulong tayo! Linagay ko yun upang di magsara ng tuluyan ang pinto!" galit na sigaw nito, she looks so frustrated. "Paano niyan tayo lalabas? Paano niyan? Pa--Aaaaah!"naputol ang sasabihin niya ng nagpadulas siya at sakto namang nasalo siya ni Liam. Si Liam na nakahawak sa bewang ni Dianna na nakabend at si Dianna na nakahawak sa batok ni Liam.
*Boooooogggsshh!*
Pumasok sa eksena si Lianna. "Kuya!---Ooops nakakaistorbo ata ako. hihihi." at doon lang natauhan ang dalawa at umayos ng pwesto. Lumapit naman si Liam sa pwesto ng kapatid. "Buti nalang at nakita mo kami?" tanong niya. "Dahil kanina pa kita hinahanap. Tinanong ko si Mam kung saan ka niya inutusan tapos ayun. Nakita ko nalang kayo ni Bespren na ano. You know. Hahahaha."explain ni Lianna.
"Sige una na ako." sabi Dianna at umalis na naiinis dahil nasira ang plano sa pagdating ni Lianna. Naiwan and dalawang magkapatid sa loob. "Ayiieee Kuya! Ano ibig sabihin nun? Kayo na ulit? Noh? Noh? Buti nalang natauhan ka na di kayo bagay ung haliparot mong girlfriend." Dire-diretsong sabi Lianna.
"Hindi pa kami ulit." wala sa sariling sagot ni Liam sa kapatid, sabay iwas ng tingin sa kapatid. "Omg! Ibigsabihin makikipagbalikan ka?!!!" sigaw niya.
Isa lang ang nasa isip ni Liam ngayon.
"Bakit biglang tumibok ang puso ko ng ganun pagkatapos ng anim na buwan? Hindi kaya mahal ko pa siya?"
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster
ActionShe is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact that she is born to be the Empress, to be the youngest elite. But her life turned upside down, after be...