*Lianna's POV*Nabitawan ko ang cellphone ko sa nakita ko. Kaya ba? Kaya ba dalawang taon na kaming wala koneksyon sa kanila? Unti unting bumaba ang luha ko sa sakit na nararamdaman ko.
"Honey kai---Oh bat ka umiiyak?" Nag-aalalang sabi ni Prince at agad umupo sa tabi ko. Nanginginig kong tinuro ang cellphone kong nahulog sa flooring.
Natawa siya. "Umiiyak ka dahil nahulog ang cellphone mo?" Natatawang sabi niya. Umiling ako at itinuro ulit ito. Walang boses na lumalabas sa bibig ko.
Pinulot niya ito at tinignan. Natulala siya at unti unting napamura. "What the f*ck?" Mabagal niyang sabi. Nakita lang naman kasi namin ang post ni Hell after 2 years. Picture niya habang sa likod ay isang lapida. Lapida na may pangalang ... .
Dianna Elissa Venice Irish Louis Roswell. Ang bestfriend ko. Paano na si Kuya? Tinignan ko ang date at last last week pa ito.
"Nasaan si Kuya?" Alalang tanong ko. "Sa bar." Sabi ni Prince. Agad agad din namin siyang pinuntahan.
*Liam's POV*
Ganito na ang buhay ko simula nung umalis siya. Bar. Tulog. Kain. Bar. Tulog. Kain. Bar. Kahit sinong babaeng makita ko ay hinahalikan ko. Sa kanila ko binuhos ang pangungulila ko. For pete's sake ay wala akong balita sa kanila sa loob ng dalawang taon. At one month ko na rin hindi ginagamit ang phone ko.
May humatak sa buhok ng babaeng nakakandong sa akin. "Ouch! How dare you b*tch!" Sabi ng babaeng nakakandong sa akin na ngayon ay nasa flooring. "Sinong mas b*tch sa atin? Nilalandi ang boyfriend ng may boyfriend o akong humahatak sa buhok ng isang malandi?" Sabi ni Lianna. Oo si Lianna.
"Babe who is she?" Tanong nung babae at kumapit sa braso ko. "Lianna stop it."sabi ko. Sinampal ako ni Lianna. "Porket wala na si Dianna eh gaganyan ka na? Magiging casanova ka na?!"sabi niya at nagwalk out. Napatigin ako sa dinaanan niya.
Isang tao ang nakaagaw ng pansin ko. Napakapamilyar nito. Isang babae. Nakangisi ito bago tumalikod at tinahak ang daan papalabas ng bar. Nakita ba niya ang lahat?
"Dianna..."
*Hell's POV*
(Two weeks bago yung sa bar)
Ng makarating ako ay agad kong ibinaba ang dala kong mga bulaklak. Umupo ako sa harap niya. Ngumiti ang bago basahin ang nakasulat sa lapida.
"Dianna Elissa Venice Irish Louis Roswell. My twin sister." Sabi ko. Naalala ko na naman ang nangyari. Dalawang beses nagflat line ang monitor niya.
"Walanghiya ka talaga Harry!" Sigaw ng babaeng papunta dito. Tssk. Nagsesenti ako dito oh. Pagkalapit niya sa akin ay binatukan niya ako. "Dalawang beses ko na kog pinatay ah! Dafq!"sabi niya at umupo sa tabi ko.
Tama. Buhay pa siya. Pinagawan ko siya ng lapida. Kala ko kasi mamamatay na siya eh! Sayang naman kaya nilagay ko pa rin dito to. "Sorry naman. Sis."sabi ko. Nagpicture ako at agad inupload. Tinignan ko agad ang pinost ko.
Shucks! Lagot! Nasama yung lapida ni Dianna. Nakoooo! War na this! Pak Ganern!
*Third Person's POV*
(Pagkatapos po ito nung flashback. Kinabukasan nung sa bar.)
Nasa loob na ng classroom nola ang BDG at sina Liam. Mas pinili na nilang manahimik muna kase alam nilang may away kapatid na naganap. 4th Year Colloge na silang lahat. At same course lang ang kinuha nila.
"GoodMorning Students!" Sabi ng secretary ni Mrs. Roswell. Binati rin naman siya. "Miss! Kayo po ba yung magiging professor namin sa History?" Tanong ng isa sa mga studyante.
"Hahaha. No, I'm not." Sabi ng secretary ni Mrs. Roswell. "So here's your professor." Sabi niya. Tumabi na ito at pumasok ang isang magadang babae. May blonde na buhok, at mas naging sexy sa suot niyang black dress na paballoon ang skirt. At black 6-inch stiletto. Mas naging fierce ang mukha niya dahil sa makapal na black eyeliner at maroon na lipstick. Nakashades din ito kaya hindi ito makilala.
"Good morning. Marahil nagtataka kayo. Marahil lagi niyong natatanong sa sarili niyo. Bakit kailangan pang pag-aralan ang History eh past na nga diba? Syempre simple lang. Ex mo nga na hindi naman importante binabalikbalikan mo. Eh samantalang tungkol sa pinagmulan mo wala kang interest pero sa ganap ng buhay ng ex mo ready na ready kang makinig. Pak Ganern!" Sabi ko.
"Woaaaah!"
"Hindi magiging boring ang history natin!"
"Bakit parang ka-age lang natin?"
Ngumiti siya ng mala-demonyo na napatahimik sa kanila. "Kasing edad niyo lang ako. Pero graduated na ako. Maaga akong nag-aral sa Korea after an accident happened to me." Panimula niya.
Tinanggal niya nang dahan dahan ang salamin niya. "I'm your former classmate." Sabi niya bago tuluyang matanggal ang shades. "Hi there. I'm your professor. " Sabi niya pagkatapos tanggalin ang salamin na ikinagulat ng lahat.
*Lianna's POV*
Ngumiti siya ng mala-demonyo na napatahimik sa kanila. "Kasing edad niyo lang ako. Pero graduated na ako. Maaga akong nag-aral sa Korea after an accident happened to me." Panimula niya.
Yung ngiti niya.... Accident? Korea? Hindi kaya.... "Noona.." sabi ni Khei na katabi ko. Malamang sa malamang ay naghihinala na rin siya.
Tinanggal niya nang dahan dahan ang salamin niya. "I'm your former classmate." Sabi niya bago tuluyang matanggal ang shades. "Hi there. I'm your professor." Nagulat kami sa nakita namin. Sabi na nga ba. Kala ko ba?
"Bestfriend..."
--------------------------
(A/n: Eto na po ang UD. Mabuhay! Ninu ding taga-Pampanga keni? Taga-nokarin kayu? Hahaha. Thank you po sa support. Please vote and comment your reaction. XoXo)
BINABASA MO ANG
The Legendary Gangster
ActionShe is Dianne Elissa Venice Irish Louis "DEVIL" Smith-Roswell, a lady who wants to live a normal life with her boyfriend, disregarding the fact that she is born to be the Empress, to be the youngest elite. But her life turned upside down, after be...