Chapter 11: Death Threats

28.9K 919 39
                                    


*Lianne's POV*

Nasa ospital kami ngayon para bisitahin ang dakilang girlfriend ni Kuya. "Kuya let's go home na kasi. Let that bitch to die." sabi ko as I rolled my eyes. "WATCH YOUR WORDS LADY!" sigaw ni Kuya. Tss. Sana nga mamatay na yung babaeng yun. Wes suddenly stopped when we hear someone shouting inside her room, probably it's Hali, kaya agad agad din pumasok si Kuya.

Agad naman akong sumunod but I stopped as soon as I entered her room, in front of her bed may nakalagay na bulaklak ng patay, with 'Condolences' written on it.


Agad nilipitan ni Kuya si Hally na umiiyak. "Wow! Ang ganda ng regalo sayo ah. Kailan ang lamay? Ako din gusto ko ring bigyan ka ng ganito. Ako na rin bahala sa kabaong mo. Basta't mamatay ka lang." sabi ko at ngumisi. "Stop it! Sandali lang tatawag lang ako ng security. At ikaw Lia bantayan mo siya." sabi ni Kuya at lumabas.

Pagkalabas ni Kuya ay tumawa ako. "Anong tinatawa tawa mo dyan?" nagtatakang tanong ni Hally. "Talagang masamang damo tagal mamatay noh?"sabi ko.

" Bat di ka pa kasi mamatay? Well seriously, I'm rooting for your death." seryosong tanong ko and looked directly to her eyes. "Wag kang ganyan!" sigaw ni Hally.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito. Tumatawag si Devs. "Hello?" sabi ko pagkasagot ng tawag. "Nasaan ka?" sabi naman ni Devs sa kabilang linya. "Hospital. No choice ako kundi sumama. Haist!" sabi ko, I sounded super annoyed. Naikinatawa niya. "Kamusta na siya?" tanong ni Devs. "Hay nako. Ikaw na nga sinaktan ng tao aalalahanin mo pa. Ayos na siya." sabi ko at tumingin kay Hally na nakakunot ang noo.


"Hahahaha. Pwede mo bang iloudspeaker?" tanong niya, I frowned for a moment. "Oh sure." sabi ko at iniloud speaker ang tawag. "Hi there. Hali. Or should I call you sa another tawag sayo? Calla? Calla-guyo? Hahaha." sabi ni Devs kaya natawa ako.


"Nadali mo Bes! Hahaha" tawa ko. "Ang sama mo talaga babae ka!" galit na sigaw ni Hali-parrot. "Mama mo, sama. Ang bait ko nga eh. Pinaldahan pa kita ng regalo eh." sabi naman ni Bes.

"Huh? Anong regalo?" takang tanong ni Hally. " The flower infront of you." sagot niya. Sabay kaming napatingin sa pampatay na bulaklak sa harapan namin. "Walanghiya kang babae ka!" sigaw ni Hali. "Edi wow. Btw. mag-ingat ka malay mo sa susunod kabaong na ibigay ko dahil patay ka na." sabi ni Bes. "Osya Bes, Bye na. Muaaaah! Mall tayo bukas ha? And oh Hali-parrot, you may now rest in peace. Hahaha. Loveyou Bes! Bye!" sabi niya at pinatay ang tawag.

Magsasalita na sana ako ng biglang pumasok si Kuya kasama ang mga guards. "Paglabas namin ay tanggalin niyo na yan! Uuwi na tayo Hally." sabi ni Kuya.



*Haliyah's POV*

Nasa condo na ako ngayon. Sa condo ko. Ayaw ko munang bumalik sa mansion namin dahil baka galit pa sina mom and dad. Bwisit naman kasi yang babaeng yan! Bumalik lang nagkanda leche leche na ang lahat!



I frowned and stood up when I heard someone is out there because I heard the doorbell. Sino kaya yun? Aah! Baka si Baby Liam ko na yan. Tumakbo ako papunta sa pinto at binuksan ito. But to my surprise, walang tao. Luminga linga ako pero wala talagang tao pero may nakita akong box. Pinulot ko yung box at dumiretso sa sala.

"Ang sweet talaga ni Liam. Siguro surprise niya ito." bulong ko at ngumiti. Pero napawi ang kilig ko at napalitan ng takot dahil sa nakita. Binuksan ko ang box at nakita ang isang patay na daga mukhang kakapatay lang rito. I can feel my hands trembling—my whole body is trembling because of fear and shock.

'Hindi ba't sinabi kong tigilan mo ang panggagaya sa akin? Kung ayaw mong magaya sa dagang ito. Stop imitating me!   -Empress'


Sh*t! Kailangan ko ng tigilan ang panggagaya sa kanya! Kundi mamatay ako.

Ilang minuto rin ay napagpasyahan kong lumabas at maglakad lakad. Pumunta ako sa pinakamalapit na 7 eleven at tinawagan ang pinsang kong Mafia. Ilang saglit lang ay dumating na ang pinsan ko.

"Anong gusto mo, Couz?" tanong niya. "May ipapapatay akong tao sayo." sabi ko at napangisi siya. Gusto niyang pumapatay siya kaya sigurado akong hindi ito tatanggi. "Sino?" excited na tanong niya. "Si Dianna Roswell at ang kanyang lolo na si Dymtrix Roswell." nakita ko ang pagkagulat sa pinsan ko.

"S-sino ba k-kamo?" nauutal niyang tanong, I smirked at him. But why the hell is he stuttering? "Dianna Roswell at Dymtrix Roswell." kasabay ng pagbanggit ko ng mga pangalan nila ay napatayo siya. "Sorry Couz, Pero hindi ko ito magagawa." sabi niya nagmamadaling umalis. Bakit? Bakit parang takot na takot siya?


*Third Person's POV*

Hindi alam ni Haliyah na ang kanyang pinsan na si Dave Sy ay isa sa mga alagad ni Dianna, ang babaeng gusto niyang ipapatay. Ilang minuto rin ay napagpasyahan niyang umalis na. Habang naglalakad siya ay biglang may napakabilis na motor ang dumaan kaya natumba siya. 'Ngunit may isang lalaking nakaitim at nakamask ang tumulong sa kanya. Kinuha ni Hally ang bag sa lalaki at umalis na, ni hindi man siya nagpasalamat.

Pagkauwi ni Hally ay biglang may tumawag sa kanyang telepono. "Who the hell is this?" sigaw niya. "Chill Empress. Babalaan lang kita." sabi ng nasa kabilang linya at tumawa ng nakakaloko. "Hindi ako ang empress." sabi ni Haliyah na may halong kaba. "Wag kang magbiro Empress, Babalaan kita. Protektahan mo ang mga minamahal mo sa buhay malay mo hawak ko na pala kayo. HAHAHAHAHA!" sabi ng nasa kabilang linya.


Nabato naman ni Hally ang telepono sa takot. Narealize na niya ngayon kung bakit sinabi sa kanya ng Empress na ang panggagaya sa kanya ay parang ibinigay na niya ang sarili niya kay Kamatayan. Dahil ang pagiging Empress ay napakadelikado. Maaari kang mamatay sa isang iglap lang.

Napaupo siya sa malamig na sahig ng maalala ang nangyari sa kalsada kanina. Yung motor na napakabilis na halos mabunggo na si Hally ay hindi aksidente kundi sinasadya. Napahagulgol siya na lamang siya sa takot. Isa lang ang katanungang nasa isip niya.

'Tatlo, Tatlong death threaths ang natanggap ko, Mula kay Empress, Devil, at sa Caller. Sino sa kanila ang unang papatay sa akin?'

************************************

(A/n: Feel free to vote and comment. Keep reading :* )

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon