Chapter 42: Final Battle

16.6K 466 16
                                    

*Third Person's POV*


Ang naglalaban ngayon ay si Therese at si Hell, si Timothy kay Dianna. Masakit man sa dalawang magkapatid na laban ang mga taong napamahal na sa kanila pero kailangan. Walang awang kinakalaban ni Dianna si Timothy. Simula nung tinalikuran siya Timothy ay tumalikod na rin ito.



Susuntok sana si Timothy pero yumuko si Dianna at tinuhod siya sa tyan na nagpasuka sa kanya ng dugo. Napangisi naman si Dianna. Dugo. Ang dugo ang dahilan kung bakit lalo siyang ginanahan na makipaglaban. Sipa doon, suntok dito ang nangyayari. 



Dahil sa naboring si Dianna ay huminto siya. "Ayaw mo na? Sumusuko ka na ba? Naduwag ka na ba?"mapaglarong tanong ni Timothy. Ngumisi si Dianna na nagpakilabot sa kanya. "I'm just getting bored." sabi niya at ibinato ang shuriken kay TImothy. Nagkasugat si TImothy sa pisngi. Agad naman nilabas ni Timothy ang baril niya at pianputukan si Dianna. Nagulat ang lahat sa nangyari.



"Oooopss! Para ba sa akin yun? Sorry ah? Nasalo ko." mapaglarong sabi ni Dianna habang nakangisi at binitawan ang balang nasalo niya gamit ang kamay. Pati ang dalawang magkalaban ay napatigil din. Binato agad ni Dianna ng dagger si Therese ng makitang papaputukan ng baril si Hell habang gulat pa rin ito. "Harry! Focus!" sigaw niya. At nagtulo tuloy ulit ang laban.


Habang ang grupo ay hirap na hirap sa pakikipaglaban dahil andami nila at may hawak silang maraming armas. Mahigit sa 100 ang kalaban nila habang sila ay pito lamang. Ng biglang may dumating na dalawang tao at tinulungan sila. Napakalakas ng dalwang ito. Hindi rin nagtagal ay natapos na nila ang mga kalaban. "Sino ka?" tanong ni Lia. Tinanggal naman nila ang mga maskara nila at ngumiti na nagpangisi sa BDG. "Hindi bat--" naputol ang sasabihin ni Prince ng sumagot ang isa. "Oo kami nga ito. Nasaan sila?" tanong niya. "Tara." sambit ni JR.



Sa kabilang banda naman ay naglalaban laban si Hell at Therese. "Pasalamat ka at nabuhay ka pati na rin ang kapatid mo! Kung hindi dahil sa pamilya namin ay bata palang kayo ay patay na kayo!" sigaw ni Hell sa galit. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Therese na akmang sasaksakin si Hell. "Gusto mong malaman ang totoo hindi ba? PWes sasabihin ko na! Noong bata ka ay may sakit ka sa puso at kailangan mo ng surgery, samantala ang kapatid mo noon ay anemic. Hindi kayo kayang buhayin ng parents niyo. Dahil na rin sa walang permanenteng trabaho ang iyong ama! Ipinaampon ka nila sa amin para mapaggamot ka! At sinustentuhan nina Mama ang mga magulang mo para sa mga gamot ma kakailanganin ng kapatid mo!"



Napaupo ang dalaga sa narinig kaya napahinto sina Timothy. "Totoo ba yun?" nanlulumong sambit ni Therese. "Oo totoo ang sinasabi niya." sabi ng bagong dating na mag-asawa. "Mom, Dad." sambit ni Dianna. Kasama ang BDG sa likod nila. Tumakbo si Therese papunta sa dalawang taong tinuring niyang tunay na magulang. Lumuhod siya at umiyak. "Patawad po, Hindi ko po alam ang totoo. Patawad." sabi niya. "Tumayo ka dyan, Matagal ka na naming pinatawad. Pero pagbabayaran niyo muna ng kapatid mo ang ginawa niyo sa Rehab sa loob ng tatlong buwan." sabi ng Mrs. Roswell



"Tatanggapin po namin ang kahit anong parusang igagawad niyo sa amin." sabi niya. Sa wakas naging malinaw na ang lahat. Ngunit biglang!



*Baaaaanggg!*


"Kung hindi mapapasakin si Liam mas mabuting mamatay na lang siya!" sabi ni Haliyah. PArang nag-slow motion ang nangyari. Niyakap ni Dianna si Liam at nasalo ang bala. "Dianna!" sabi ni Liam noong naramdaman niya ang unti-unting pagdagusdos ni Dianna. "Always remember this, I love you."


"Dianna!" sigaw ng lahat ng tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Galit na galit ang mgta magulang ni Dianna sa babaeng bumaril dito. Matatakman ni Haliyah ang lupit ng dating empress at emperor ng GW. "Isugod niyo na siya sa ospital bago mahuli ang lahat!" sigaw ni MR. Roswell.


Sinugod nilang mag-asawa si Haliyah at pinagsusuntok at pinagtatadyakan. Binaril rin nila ito gamit ang revolver. Ang bala nito ay may lason. "Serves you right bitch." galit na sambit ni Mrs. Roswell bago sumunod sa Ospital.


-----------------

Pagkadating nila sa Ospital ay wala pang nag-aasikaso sa anak nila. Napasuntok si MR. Roswell sa dingding kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Give your best doctor in this hospital! Treat my daughter! " sabi niya kay angmadali ang lahat para gamutin si Dianna dahil kilala nila si Mr. Roswell.


Lahat ay nag-aabang sa doctor na nasa emerency room. Lahat ay kinakabahan. Lahat ay umiiyak dahil sa sinapit niya. "Sorry po Mr. and Mrs. Roswell kasalanan ko po to." sabi ni Liam habang umiiyak. "Hindi mo iyon kasalanan. Iho, mahal ka ng anak ko." sabi ni Mr. Roswell. "GInusto niyang iligtas ka dahl mahal ka niya. " sabi ni Mrs. Roswell. 



"Salamat po." sabi ko ng biglang lumabas ang doctor sa Emergency Room. "Relative of the patient?" tanong ni Doc habanng tinatanggal ang gloves niyang puno ng dugo, Ang dugo ni Dianna. "Kami po ang mga magulang niya." sabi ng mag-asawa. "Kamusta na po ang anak namin Doc?" tanong ni Mr. Roswell.



"Sad to say, Tumama ang bala malapit sa dibdib niya. Nanggaling sa likod niya at malapit ang bala sa puso niya. Mga 5-8 centimeters ang layo nito sa puso niya. It's 50-50 ang kalagayan niya. Sorry Mr. Roswell your daughter is not fighting." sabi ng Doctor. Na nagpatigil sa dalawang mag-asawa. 



Agad naman lumapit ang mga kaibigan nito sa magulang ni Dianna ng umalis na ang Doctor. "Tita, ano po ang sabi ng Doctor?" tanong ni Kier. "She's not...My daughter is not fighting." napaupo ang lahat sa narinig.




She's not fighting anymore....


---------------------

(A/n: Here's the UD. Sorry po kung medyo sabaw. Hihihi. Lagnat umalis ka! Huhuhu. PLease hit vote and type your reaction. Please follow rn po. Thank you! XoXo.)

The Legendary GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon